Panimula

Para makapag-trade nang tagumpay, dapat mong lubos na maunawaan ang mga panganib na kalakip nito. Kanya-kanyang diskarte ang taglay ng bawat trader, na pinatutunayan ang katotohanan na walang wasto o maling pamamaraan para mag-trade. Sa halip, dapat alamin ng bawat trader ang panganib na kaya nilang panagutan.

Napakahalagang matatag kung anong uri ng trader ka. Sistematiko ka bang trader o mas gusto mo bang manatili sa merkado habang panahon ng volatility? Nais mo bang manatiling laging nakatutok o nais mo bang mabawasan ang ingay sa maiksing panahon para lubusin ang mga pangmatagalang kita.

Ano ang Panganib?

Ang panganib ay ang 'Ang pagkakaiba-iba ng mga balik mula sa isang pamumuhunan o ang pagkakataon na ang aktwal na balik ng isang pamumuhunan ay iba sa inaasahan. Kasama dito ang posibilidad ng pagkalugi ng bahagi o lahat ng orihinal na ipinamuhunan. Kapag mas malaki ang taglay na pagiging paiba-iba ng isang pamumuhunan (hal. pagbabago sa presyo o interes), mas malaki ang panganib.'

Ang volatility na nakikita natin sa arawang presyo, kabilang ng leverage na matatagpuan sa merkado ng off-exchange retail foreign currency (o Forex) kapag ikinumpara sa ibang mga instrumento ng pananalapi tulad ng mga sapi ay ang dahilan kung bakit tinuturing ang Forex bilang mapanganib. Dahil ang mga mamumuhunan ay karaniwang umiiwas sa risko, ang mga pamumuhunan na may taglay na mas mataas na panganib ay dapat mangako ng mas mataas na inaasahang kita para maging kapaki-pakinabang ang pagsalo sa karagdagang panganib. Ayon sa iba, nangangahulugan ang mas mataas na risko ng mas malaking pagkakataong kumita ng malaki at gayundin para sa pagkakataong matalo ng malaki. Ngunit hindi laging ibig sabihin ng mas mataas na potensyal kumita ay dapat itong magtaglay ng mataas na antas ng panganib.

Ano'ng mga panganib ang hinaharap mo sa pag-trade ng pananalapi?

Mayroong dalawang karaniwang klasipikasyon ng panganib:

  • Sistematikong Panganib - Minsang tinatawag bilang pang-merkadong panganib, aggregate risk, o hindi-maidibersipikang panganib, ay ang panganib na inuugnay sa pangkalahatang kita ng merkado na pinagsama-sama. Isang panganib ng seguridad ang sistematikong panganib na hindi maaaring bawasan sa pamamagitan ng dibersipikasyon.
  • Hindi-Sistematikong Panganib - Minsa'y tinatawag bilang 'specific risk'. Isang halimbawa nito ay ang balitang pang-ekonomiya na nakakaapekto sa isang bansa o lalawigan. Ang dibersipikasyon sa ilang pares ng pananalapi na hindi magkaugnay ang siya lamang paraan para tunay na maprotektahan ang portfolio mula sa hindi-sistematikong panganib.

Ngayon na natukoy na natin ang dalawang pangunahing klasipikasyon ng panganib, ating talakayin ang ilang mas ispesipikong uri ng panganib.

Pambansang Panganib

Tumutukoy ito sa panganib na maaaring hindi matupad ng isang bansa ang mga kasunduang pinansyal nito. Kapag nag-default ang isang bansa, maaari itong makasama sa pagkilos ng lahat ng ibang kasangkapang pinansyal sa bansang iyon bukod sa iba pang mga bansa na may kaugnayan dito. Napapasailalim ang mga sapi, bond, mutual fund, opsyon, mga future, at pinakamahalaga sa lahat, ang pananalapi na ipinalalabas sa loob ng isang bansa. Ang uring ng panganib na ito ay madalas makita sa mga tinatawag na emerging markets o di kaya ay sa mga bansa na mayroong malubhang deficit.

Panganib sa Forex

Tuwing namumuhunan sa pananalaping banyaga, dapat mong isaalang-alang na ang pagbabago-bago ng exchange rate ng mga pananalapi ng mga bansang may malapit na ugnayan ay maaaring ring magpagalaw ng presyo ng pangunahing pananalapi. Halimbawa, may epekto ang mga pangyayaring ekonomikal o politikal na direktang may kaugnayan sa British Pound (GBP) sa pag-trade ng Euro (hal. ang EUR/USD ay maaaring magkaroon ng magkatumbas na reaksyon tulad ng GBP/USD kahit na sila ay magkahiwalay na pananalapi at hindi nasa magkatumbas na pares ng pananalapi). Ang kaalaman ng kung aling mga bansa ang nakakaapekto sa mga pares ng pananalapi na iyong itini-trade ay mahalaga sa iyong pangmatagalang tagumpay.

Panganib sa Interest Rate

Ang pagtaas o pagbaba ng mga rate ng interes sa loob ng panahon na bukas ang isang trade ay makakaapekto sa halaga ng interes na maaari mong bayaran bawat araw hanggang magwakas ang trade. Ang mga bukas na trade sa oras ng rollover ay pinapatawan ng interest charge o ng interest gain batay sa direksyon ng bukas na trade at ang mga antas ng rate ng interes ng mga kinauukulang bansa. Kung ibenta mo ang pananalapi gamit ang mas mataas na interest rate, mapapatawan ka ng arawang interes sa oras ng rollover batay sa patakaran ukol sa rollover/interes ng iyong broker. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pag-unawa sa iyong panganib sa interes, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong broker para sa kumpletong detalye ng kanilang patakaran kabilang ang oras ng rollover, presyo ng interes (tinatawag din bilang swap) at ang mga rekwisito ng account para makatanggap ng interes na ibabayad patungo dito.

Panganib na may Kaugnayan sa Politika/Ekonomiya

Tumutukoy ito sa panganib na ang mga pangyayaring may kaugnayan sa ekonomiya o politika ng isang bansa ang magdudulog sa agaran at malawakang pagbabago sa mga presyo ng pananalapi ng kinasasangkutang bansa. Ang isa pang halimbawa ng panganib na ito ay ang panghihimasok ng gobyerno na karaniwang naoobserbahan natin sa Japan at ang pangangailangang panatilihing mababa ang mga presyo ng pananalapi para paigtingin ang kanilang pag-export.

Panganib sa Pamilihan

Ito ang isa sa pinaka-nakasanayan nating mga panganib, at ayon sa ilan, ang tunay na pangunahing panganib na dapat isaalang-alang. Ang panganib sa pamilihan ay ang arawang pagbabago-bago ng presyo ng isang pares ng pananalapi, na tinatawag ding volatility. Ang volatility ay hindi sanhi ngunit bunga ng mga pwersang pampamilihan. Isang sukat ng panganib ang volatility sapagkat tinutukoy nito ang kaugalian, o 'pag-uugali', ng iyong pamumuhunan sa halip na maging dahilan para sa kaugaliang ito. Dahil ang pagkilos ng merkado ang dahilan kung bakit kumikita ang tao ng pera, ang volatility ay isang kinakailangan para sa kita, at kapag mas magalaw ang isang pares ng pananalapi, mas malaki ang tsansa nitong magtungo ng anumang direksyon sa dramatikong pamamaraan.

Teknolohikal na Panganib

Ito ay isang partikular na panganib na hindi laging pinag-iisipan ng karamihan sa mga trader. Ngunit sa dami ng indibidwal na mga trader sa Forex na nagsasagawa ng kani-kanilang trade online, lahat tayo ay umaasa sa teknolohiya. Handa ka na ba laban sa pagpalya ng teknolohiya? Mayroon ka bang alternatibong internet service? Mayroon ka bang mga back-up na computer na maaari mong gamitin kung sakaling mag-crash ang iyong pangunahing pang-trading na computer?

Gaya ng nakikita mo, may ilang uri ng panganib na dapat isaalang-alang ng isang matalinong namumuhunan at pagtuunan ng pansin sa kanilang pangangalakal.

Ang Balanse sa pagitan ng Panganib at Gantimpala

Ang balanse ng panganib/kita ay madaling ituring bilang palakasan ng sikmura. Ang pinakamahalagang pagpapasya ng isang trader ay ang pagpapasya kung ano ang halaga ng panganib na kaya mong panagutan habang pinahihintulutan ang sariling lubayan muna ang computer na hindi nag-aalala at makatulog ng mahimbing sa gabi habang may mga bukas na pangmatagalang trade. Ang balanse ng panganib/kita ay ang balanse na dapat pagpasyahan ng isang trader sa pamamagitan ng pagpili ng pinakamamabang posibleng panganib para sa pinakamataas na posibleng kita. Tandaan lamang na ang mababang antas ng hindi-pagkakatiyak (mababang panganib ) ay inuugnay sa mababang potensyal na kita samantalang ang matataas na antas ng hindi-pagkakatiyak (mataas na panganib) ay inuugnay sa sa mas mataas na potensyal na kita. Ang kabuuan ng pangangalakal ay tungkol sa mga panganib at probabilidad. Ang pag-unawa sa loobang pagkilos ng iyong mga estratehiya para sa pangangalakal ng Forex at ang wastong paglalagay ng mga order ng pagpasok at paglabas ay makakatulong sa pagbawas ng iyong panganib habang pinalalaki ang iyong potensyal na kumita.

Sa kabilang dako, paano sagutin ang tanong kung magkano mula sa iyong account ang ilalagay mo para sa bawat trade, o sa madaling sabi, ang bilang ng mga lote bawat trade? Magkano na ang nalugi sa iyo sa isang trade lamang? Masakit ba itong tanggapin? Kung sa gayon, maaaring hindi mo ginamit ang wastong pangangasiwa ng panganib at maaaring napasobra sa leverage ang iyong trade. Ang pagtataguyod ng wastong antas ng leverage at ang kinauukulan nitong mga kinakailangang margin ay malaking bahagi sa pangangasiwa ng panganib .

Walang Isang Tamang Antas ng Panganib

Gaya ng katotohanan na walang isang pagkain na kinagigiliwan ng lahat, walang antas ng panganib o peligro na angkop para sa lahat. Ikaw at ikaw lamang ang makapagpapasya kung anong antas ng panganib ang wasto para sa iyo. Dapat mong matuklasan ang wastong balanse sa pagitan ng halaga ng panganib na handa mong tanggapin, at ang halaga ng panganib na kaya mo talagang sikmurain. Kadalasan ay iniisip ng mga namumuhunan na kaya nilang tanggapin ang panganib , ngunit kapag nangyari na ang sukdulan, matutuklasan nila na hindi pala nila ito kaya.

Malamang ay malugi ka sa proseso ng kaalamang ito. Ngunit kung ang pagkabigong ito ay makakatulong sa iyong makarating sa antas ng pagkakaunawang ito, ang ibig sabihin nito ay kaya mong pagkagastusan ang iyong pagkalugi. Mahalagang tukuyin ang halagang nais mong "bayaran" para sa edukasyong ito bago pa lamang magsimula. Ang matrikulang pinansyal at emosyonal ay isang mahalagang kayamanan sa pangangalakal na isang bagay na karamihan sa mga batikang namumuhunan ay binayaran na dati sa proseso ng trial and error.

Sa Pagwawakas

Iba't iba ang taglay nating tolerance para sa mga peligrong buhat ng pamumuhunan. Hindi nananatiling pirmi ang ating tolerance; nagbabago ito kasama ng iyong mga kakayahan at kaalaman. Maaaring tumaas ang iyong tolerance sa mga peligro kapag lumago ang iyong karanasan. Ngunit huwag mo itong payagang linlangin ka sa hindi pagsunod at pagsasaalang-alang sa wastong pangangasiwa ng salapi.

Dibersipikasyon

Naririnig nating lahat na ang dibersipikasyon ang siyang pinakamahusay na patakaran para sa pangkalahatang portfolio ng pamumuhunan. Ganap din itong totoo sa ating mga pamumuhunang nakatuon sa pananalapi. Para maging wastong dibersipikado, dapat maging dalubhasa tayo sa paggamit ng ilang mga estratehiya sa pangangalakal at ilang mga pares ng pananalapi para pantayin ang ating pangkalahatang kita. May ilang estratehiya sa pangangalakal na nagmamalaki ng diumano'y 80% na pagkawasto batay sa mga partikular na kondisyon ng pamilihan. Ngunit ang isang ganap na full-time trader ay dapat gumamit ng higit pa sa nag-iisang estratehiyang ito sapagka't maraming pagkakataon kung saan hindi nakakamit ang mga kondisyong para mangalakal. Ang mga pagitang ito ay maaaring magtagal mula ilang araw hanggang iilang buwan. Samakatuwid, ano ang kabutihang idudulot ng nag-iisang estratehiya na kumikita lamang sa isang maliit na bahagi ng isang taon? Maaaring dibersipikasyon ang sagot.

Ang pagdidibersipika ng iyong pamumuhunan ay hindi isa sa pinakasikat na mga usapin tungkol sa pamumuhunan. Samakatuwid, maraming naniniwala na ang pagdidibersipika ay nagdudulot ng pagbawas sa mga kinikita mula sa pangangalakal. Ngunit sumasang-ayon ang karamihan sa mga propesyonal na mamumuhunan na bagaman hindi ito nag-gagarintiya kontra sa pagkalugi, ang dibersipikasyon ay ang pinakamahalagang bagay para tulungan kang makamit ang iyong mga layuning pinansyal habang binabawasan ang mga peligro. Ngunit dapat mong alalahanin na anumang antas ng dibersipikasyon ang iyong isagawa, hindi nito kailanman mababawasan ang peligro sa zero.

Portfolio na Wasto ang Pagkakagawa

Ano ang kailangan mo para magkaroon ng isang dibersipikadong portfolio? Heto ang tatlong aspeto para tiyakin ito:

  • Dapat nakakalat ang iyong portfolio sa iba't ibang mga estratehiya para sa trading
  • Dapat magkakaiba ang iyong mga trade sa panganib at sa panahong hinahawakan. Ang pagpili ng iba-ibang mga pagkakataon sa pangangalakal na may iba-ibang mga potensyal na halaga ng kita ay makakatulong sa mga ganansya na i-offset ang mga pagkalugi sa ibang trade. Tandaan na hindi nito ibig sabihin na dapat kang maglagay ng mga bara-barang trade kung saan saan!
  • Ang iyong mga pares ng pananalapi ay dapat magkakaiba mula mga lalawigan at mga cross, na siyang binabawasan ang hindi sistematikong panganib sa mga maliliit na bahagi ng mga bansa

Isa pang madalas na tanungin ng ilan ay kung ilang pares ng pananalapi ang dapat nilang i-trade para bawasan ang mga peligro sa pangangasiwa ng kanilang portfolio. Isang teorya para sa mga sapi ang nagsasabi sa atin na matapos ang 10-12 na iba't ibang sapi, malapit na malapit ka na sa pinakamahusay na dibersipikasyon. Ngunit sa pamilihan ng mga pananalapi hindi ito nangangahulugan na dapat kang bumili ng 12 na pares ng pananalapi para sa epektibong dibersipikasyon. Sa halip, iminumungkahi na i-trade ang mga pananalapi ng iba't ibang mga lalawigan at mga antas ng kahalagahan (hal. mga major, mga cross, at ang mga higit na hindi-karaniwang mga pananalapi).

chat icon