Maraming mangangalakal ang gumugugol ng oras sa paghahanap ng potensyal na mga sitwasyon para sa breakout kapag nagte-trade sa mga pamilihan ng forex. Ang dahilan dito ay kapag nangyayari ang mga breakout na ito, madalas na nagbubunga ang mga ito ng maraming puntos. Tatalakayin namin ang tatlong simpleng estratehiya na inilikha upang mahuli ang mga breakout na ito.
Ginagamit ng unang pamamaraan ang mga Bollinger Band. Ang teknikal na tagapagpahiwatig na ito ay kapaki-pakinabang pagdating sa paglalarawan ng mga bahagi ng support at resistance, na minamarkahan ng dalawang linyang panlabas ng range ng Bollinger Band. Samakatuwid, kapag ang isa sa mga hangganang panlabas ay nalusutan, kadalasan ay magkakaroon ka ng breakout sa magkatumbas na direksyon.
Ngayon, upang ikalakal ang breakout na ito, nais mong hintayin ang oras kung saan ang mga linyang panlabas ng tagapagpahiwatig na mga Bollinger Band ay sumikip dahil nangangahulugan ito ng oras ng hapit na konsolidasyon. Ang ibig sabihin nito ay ang isang breakout ay karaniwang magkakaroon ng momentum kapag ito ay mag-breakout mula sa masikip na range na ito. Matapos nito, kapag ang presyo ay kumawala at lumusot sa isa sa mga linyang panlabas, maaari kang tumalon papasok agad-agad o maghintay para sa isang pullback patungo sa isang mas maiksing Exponential Moving Average, halimbawa, para sa isang mas magandang punto ng entrada.
Ang ikalawang pamamaraan na maaari mong gamitin ay may kaugnayan sa paggamit ng iilang Exponential Moving Average, at ang mga EMA para sa 5, 20, at 40 na period. Baka nais mo ring idagdag ang 100 o 200 period EMA sa iyong tsart.
Matapos nito, maghihintay ka na lamang hanggang magpntay ang lahat ng mga tagapagpahiwatig na ito at ikinakalakal ang mga ito na magkakalapit sa isa't isa, kabilang na ang presyo.
Sa wakas, maaari kang gumamit ng sistemang batay sa presyo upang ipangalakal ang mga breakout. May ilang paraan upang magawa mo ito. Ang mga pinakasimpleng sistema ay kinasasangkutan ng paghihintay hanggang ang presyo ay magsimulang ikalakal sa isang napakasikip na range, at ang pagkuha ng posisyon matapos mag-break out ang presyo mula sa range na ito.
Isa pang karaniwang sistema ang kinasasangkutan ng pagtala ng high at low point mula sa nakaraang araw at ang paghintay sa presyong ito mag-break out sa range nito para sa susunod na araw. Tunay na kapaki-pakinabang na pamamaraan ito ng pag-trade ng mga pangunahing pares ng pananalapi.
Sa pangkalahatan, may ilang pamamaraan kung saan maaari mong ikalakal ang mga breakout sa forex. Gayunpaman, gaya ng lahat ng mga pamamaraan ng trading, walang iisang pamamaraan na gagana 100% ng panahon, at kakailanganin mong gumamit ng mahusay na estratehiyang pang-stop loss.
Sa mga nakalipas na taon, naging tanyag at madalas gamiting kasangkapan para sa pagsusuring teknikal ang mga pivot point. Upang unawain ang mga pivot point, dapat mong unawain ang mga ideya sa likod ng support at resistance. Ang mga antas ng support at resistance ang nagbibigay sa mga mangangalakal ng isang biswal na sukat ng mga pressure point sa loob ng pamilihan, lalo na sa mga tiyak na antas ng presyo.
Sa madaling salita, itinuturing ang mga antas ng support bilang antas kung saan ang pagbaba ng presyo ay patuloy na tinatanggihan. Sa kabilang dako, ang mga antas ng resistance ay itinuturing bilang mga antas kung saan ang pagtaas ng presyo ay patuloy na natatanggihan. Ang mga mangangalakal na naghahanap ng antas ng support at antas ng resistance na may kaugnayan sa isa't isa ay karaniwang sinusuri ang tinatawag na channel o himpilan. Karaniwan makita ang mga trend ng presyo sa loob ng mga himpilan ng pangangalakal; ang kahulugan nito ay ang isang pananalapi ay maaring ikalakal sa loob ng mga hangganan ng antas ng support at resistance para sa iilang oras o maaaring iilang araw bawat pagkakataon. Maraming beses sa kabuuan ng isang trend na maaaring subukan ng presyo ang antas ng support o resistance, ngunit sa katapusan, kung manatili ang presyo sa loob ng himpilan, masusubukan ang mga antas ng support at resistance, ngunit hindi ito matutulak papalusot.
Gaya ng kabaliktaran ng ipinaliwanag sa itaas, kung ang isang antas ng support o resistance ay sinubukan ng ilang oras o magdamagan ng ilang araw na walang breakout, at sa wakas ang prseyo ay kumawala papalabas ng hangganan ng himpilang ito, maaari itong ituring bilang malakas na pagpapahiwatig na ang presyo ay maaaring magpatungo sa ibang direksyon o trend.
Ang mga mangangalakal na sinusubaybayan ang mga antas ng support at resistance ay karaniwang hinahanap ang isa sa mga sumusunod na pagkakataon sa pangangalakal:
Isang pagkakataong bumili matapos maitulak ang antas ng support, ngunit hindi pa nakakawala dito ng ilang beses. Ang pagpasok ng mangangalakal ay marahil mangyayari sa dulo ng isang malakas na kandilang bullish na nagsimula sa pag-abot ng antas ng support.
Ang alternatibong senaryo ay isang pagkakataong bumili matapos ang isang dati nang nasubukang antas ng resistance ang natuloy sa wakas sa pamamagitan ng malakas na kandilang bullish. Sa madaling salita, ang mga namimili sa pamilihan ay sinubukan ng ilang beses na itulak ang presyo pataas ng isang antas ng resistance, ngunit nabigo. Sa wakas, ang mga presyo ay kumakawala sa anyo ng isang malakas na kandilang pataas, na nagpapahiwatig na marahil makukuha ng mga namimili ang kanilang ninanais at itulak ang presyo ng pataas.
Ang isang pagkakataong magbenta matapos ang isang dati nang nasubok na antas ng support ay natuloy sa wakas kasama ng isang malakas na kandilang bearish. Sa madaling salita, sinubukan na ng mga nagbebenta sa pamilihan na itulak ang mga presyo pababa ng antas ng support ng maraming nang beses, ngunit nabigo. Sa wakas, ang mga presyo ay kumakawala sa anyo ng isang malakas na kandilang pababa, na siyang nagpapahiwatig na maaaring makamit ng mga nagbebenta ang kanilang hinahangad at lalong itulak ang presyo pababa.
Pag-unawa sa Pagkakaiba ng Pivot Point:
Mayroong ilang senaryo kung saan ang isang mangangalakal ay maaaring gumamit ng mga antas ng support at resistance bilang pamamaraan upang tukuyin ang mga mahahalagang punto ng pagpasok at paglabas. Ang mga pivot point ay mga serye lamang ng antas ng support at resistance na may kasamang median na antas ng presyo. Samantalang ang mga standard pivot point ay nagtataglay ng 5 antas (antas na kinakatawan ng mga partikular na linya sa iyong mga tsart). Ang antas na median, o ang gitnang linya ng 5, ang tinatawag na 'pivot point'. Ang naiibang apat na antas ay matatagpuan sa itaas at ibaba ng pivot point sa anyo ng 2 linya ng support (S1 at S2) at 2 linya ng resistance (R1 at R2).
Gamit ang open, high, low, at close ng nakalipas na sesyon ng trading upang kalkulahin ang mga antas ng pivot na ito ay binibigyan ang mga mangangalakal ng karagdagang bentahe bukod sa simpleng pagtingin sa isang antas ng support at isang antas ng resistance. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pivot point, natatantiya ng mga mangangalakal ang mga antas ng supportat resistance sa isang scale na may kaugnayan sa average na halaga ng presyo (ang pivot point o linya nito mismo) para sa sesyon ng pangangalakal.
Laging tandaan ang mahalagang importansya ng sentimiyento ng merkado; sa usapang matematikal, maaaring mayroon o walang taglay na kaugnayan ang mga pivot point sa hinaharap na pagkilos ng presyo, ngunit dahil malawak na ang paggamit ang mga pivot point ng mga teknikal na mangangalakal - ang kanilang potensyal makaapekto sa direksyon ng presyo ay tiyak na dapat isaalang-alang. Sa madaling salita, kung milyun-milyong teknikal na trader ay lahat sabay-sabay sinusubaybayan ang magkakatumbas na antas ng support at resistance at pagbili at pagbenta batay sa mga nasabing antas; mabilis maging realidad ng merkado ang sentimiyento nito. Maaaring epektibo ang mga pivot point sa mga pagkakataon sapagkat napakaraming mangangalakal ang binabase ang kanilang mga trade sa magkakatumbas na antas.
Ang mga mahahalagang bilang ay kinakalap mula sa open, high, low, at closing na presyo ng sesyon ng trading ng nakalipas na araw. Ang mga bilang na ito ay dapat ibase mula sa mga araw ng pangangalakal o mga sesyon na tinuturing na nagsimula at nagwakas ng 0:00 GMT (Greenwich Mean Time). Ginagamit ang GMT dahil sa pandaigdigang aspeto ng pangangalakal ng pananalapi; dahil sa tuluyang pagbukas at pagsara ng iba't ibang pamilihan (Australia, Asia, Europe, US) - nakalikha ito ng isang pamilihan na laging bukas 24 oras. Ginagamit ang GMT upang markahan ang simula at wakas ng mga araw ng pangangalakal dahil ito ay tinuturing bilang isang pandaigdigang sentral na oras.
Ang mga kalkulasyon ay ipinapakita para sa iyong reperensya. Karamihan sa mga produktong pivot ay ang ilalarawan ang mga antas na ito sa iyong tsart para sa iyo.
Pivot Point (PP): High + Low + Close / 3
Ang mga kalkulasyon para sa mga antas ng support at resistance ay nakabatay sa bilang na kinalkula para sa pivot point mismo at sila ay sumusunod:
Unang Support (S1): (2 x PP) - High
Ikalawang Support (S2): PP - (High - Low)
Unang Resistance (R1): (2 x PP) - Low
Ikalawang Resistance (R2): PP + (High - Low)
Gaya ng mga mga maraming pamamaraan, estratehiya, at tagapagpahiwatig sa teknikal na analisis - malayo sa isang tiyak na siyensiya ang mga pivot point. Ang mga pivot point ay maaaring walang kabuluhan sa usapang teknikal kapag nangangalakal matapos lamang ng isang malaking pundamental na anunsyong pambalita. Ang mga mangangalakal ay dapat din isaalang-alang ang iba pang mga tagapagpahiwatig na teknikal, ang pangkalahatang trend ng pares ng pananalapi, at ang panahon ng tsart na kanilang sinusuri ang mga pivot na kaugnay sa gaano nilang katagal planong manatili sa isang bukas na posisyon.
Kaugalian ng mga presyo na mag-volley sa pagitan ng dalawang linyang pivot. Kapag ang isang presyo ay wasto sa $1 ito ay malamang na bumalik patungo sa PP, ang isang medyo malakas na kandilang bearish lamang ang magsasaad ng karagdagang pahinga at lumipat patungo sa S2. Sa kabaligtaran, kung ang isang presyo ay nasa R1 ito ay pinakagustong bumalik sa PP at ang malakas na kandilang bearish lamang ang magsasaad ng paglipat patungo sa R2. Kapag ang mga presyo ay nakikipagkalakalan sa mismong linya ng pivot, maghanap ng malakas na serye ng mga kandilang bullish o bearish upang ipahiwatig ang isang paglipat pabalik sa R1 o S1.
Tila pinakamahusay gumana ang mga pivot point sa mga katamtamang patagilid na pagkilos sa mga pamilihan, o sa isang pares ng pananalapi na hindi nakakaranas ng malakas na bullish o papataas na trend, o bearish, o pababa na trend, sa mga nakalipas na iilang araw.
Ang mga presyo na napapaloob sa mga pivot point ay maaaring kumilos ng dalawa o tatlong linya sa panahon ng malalaking anunsyo, o ang mas lalong posible; maaaring maging lubos na walang silbi ang mga pivot point sa gitna ng mga anunsyo ng balita.
Napakasikat na kasangkapan ang Fibonacci retracement para sa mga teknikal na mga mangangalakal at nababatay ito sa mga mahahalagang numerong tinukoy ng matematikong si Leonardo Fibonacci noong ika-13 siglo. Ngunit ang serye ng mga bilang ni Fibonacci ay hindi katumbas ng halaga ng mga kaugnayang matematikal, na ipinapahiwatig bilang mga ratio, sa pagitan ng mga numerong matatagpuan sa naturang serye. Ayon sa teknikal na analisis, nililikha ang Fibonacci retracement sa pamamagitan ng pagkuha ng dalawang sukdulang punto (karaniwang isang malaking peak and trough) sa isang tsart ng sapi at pag-divide ng papataas na distansya gamit ang mahahalagang Fibonacci ratio na 23.6%, 38.2%, 50%, 61.8% at 100%. Kapag natukoy na ang mga antas na iyon, malalagyan ng linyang pahalang na ginagamit naman upang tukuyin ang mga posibleng antas ng support at resistance. Bago natin maunawaan kung bakit napili ang mga naturang ratio na ito, dapat tayong magkaroon ng mas mabuting pagkakaunawa tungkol sa serye ng mga bilang ni Fibonacci.
Ang Fibonacci sequence kung tawagin ay ang mga numero na gaya ng sumusunod: 0, 1, 1, 2, 3, 5, 8, 13, 21, 34, 55, 89, 144, atbp. Ang bawat termino sa seryeng ito ay ang suma ng dalawang naunang mga termino at ang seryeng ito ay walang katapusan. Isa sa mga kahanga-hangang katangian ng serye ng mga numero na ito ay dahil ang bawat bilang ay tinatayang 1.618 times na mas malaki sa susunod na naunang bilang. Ang kaugnayang ito sa bawat numerong matatagpuan sa serye ay ang pundasyon ng mga pangkaraniwang ratio na ginagamit sa pag-aaral ng retracement.
Ang mahalagang Fibonacci ratio na 61.8% - na siya ring tinutukoy bilang 'ginintuang ratio' o 'golden ratio' - ay matatagpuan sa pamamagitan ng dibisyon ng isang numero sa serye ng numero na kasunod nito. Halimbawa: 8/13 = 0.6153, at 55/89 = 0.6179.
Ang ratio na 38.2% ay matatagpuan sa pamamagitan ng dibisyon ng isang numero ng numero na matatagpuan sa dalawang lugar pakanan. Halimbawa: 55/144 = 0.3819.
Ang 23.6% na ratio ay natatagpuan sa pamamagitan ng dibisyon ng isang numero sa serye sa bilang na matatagpuan tatlong tambilang sa kanan. Halimbawa: 8/34 = 0.2352.
Para sa mga dahilan na hindi pa malinaw, ang mga ratio na ito ay tila ginagampanan ang isang mahalagang tungkulin sa pamilihan ng sapi, tulad sa kalikasan, at maaaring gamitin upang tiyakin ang mga mahahalagang punto na nagdudulot sa presyo ng isang asset na bumaligtad. Ang direksyon ng naunang trend ay marahil tutuloy kapag ang presyo ng asset ay nag-retrace na sa isa sa mga ratio na nakalista sa itaas.
Bukod sa mga ratio na inilarawan sa itaas, maraming mga mangangalakal o trader ay mahilig ding gumamit ng mga antas na 50% at 78.6%. Ang antas ng retracement na 50% ay hindi talaga isang tunay na Fibonacci ratio, ngunit ito ang ginagamit dahil sa napakalakas na kaugalian ng isang pagmamay-ari na magpatuloy sa isang naturang direksyon matapos nitong makakumpleto ng isang 50% na retracement.
Walang estratehiya na makakatiyak ng positibong kita sa bawat sitwasyon ng pangangalakal. Bukod pa dito, hindi lahat ng mangangalakal ay nais gamitin ang magkatumbas na estratehiya sa magkahawig na pamamaraan at may kani-kanila silang mga hadlang pagdating sa oras na nais nilang manatili sa pamilihan, bukod sa mga sukat ng posisyon na kaya nilang hawakan, atbp.
Ang paggamit ng isang partikular na estratehiya para sa trading ay tanging nakasalalay sa mangangalakal. Dapat nilaang suriin ang naturang estratehiya para sa kanilang sarili bago nila ito ipatupad. Dahil dito, ipinamamahagi namin ang isang listahan ng mga karaniwang estratehiya para sa inyong pagsusuri sa inyong sariling oras.
Contact us |
[email protected] |
+44-203 097 85 71 |
Live Support |
Pakipunan ang form para simulan ang pag-chat.
Live chat is not available at the moment please try again later
Patakaran sa Pagkapribado | Legal na Dokumentasyon | Mga Cookie
Ligal: Ang HF Markets (SV) Ltd ay inkorporada sa St. Vincent & the Grenadines bilang isang International Business Company na may numero ng rehistrong 22747 IBC 2015.
Ang website na ito ay pinatatakbo at ay pinatatakbo at nagbibigay ng nilalaman sa pamamagitan ng HF Markets Group of companies, na kinabibilangan ng:
Babala sa Panganib: Ang pangangalakal ng mga Produktong Leveraged ay hindi angkop para sa lahat ng mga namumuhunan dahil ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng panganib sa iyong kapital. Mangyaring tiyakin na lubos mong nauunawaan ang mga sangkot na panganib, na isinasangalang-alang ang mga layunin ng iyong pamumuhunan at antas ng karanasan bago mangalakal, at kung kinakailangan, maghanap ng independiyenteng payo. Mangyaring basahin ang kabuuang Pagsisiwalat ng Panganib.
Ang HFM ay hindi nag-aalok ng mga serbisyo sa mga residente ng mga tukoy na hurisdiksyon, kabilang ang Estados Unidos, Canada, Sudan, Syria, Iran, North Korea, at iba pa.
We have detected that you are visiting our website from the United States
Please be advised that we do not offer any of our services to U.S. citizens or residents.
You may continue navigating our website if YOU ARE NOT a U.S. citizen or resident, otherwise, you may leave this site.