Ano ang FX Margin?

Ipinamamahagi ng pamilihan ng Forex ang mga nakikilahok dito ang potensyal na mag-trade ng may margin. Ang kakayahang mag-trade na may margin ay isa sa pinakanakakaakit na tampok ng pangangalakal ng forex, ngunit ito rin ay nagdadala ng mga peligro. Samakatuwid, ang pag-trade sa margin ay pinahihintulutan ang mangangalakal ng forex na mag-trade gamit ang hiniram na mga pondo. Ang antas kung saan maaaring mangutang ang trader ay nakabatay sa broker na kanilang ginagamit at ang leverage o gearing na kanilang inaalok.

Sa pamilihan ng Forex, ang terminong margin ay ang halaga ng salaping kinakailangan upang magbukas ng isang posisyon na may leverage, sa isang kontrata sa pamilihan.

Kung walang leverage, ang isang trader na naglalagay ng isang standard na lot trade sa merkado ay mangangailangang i-post ang buong halaga ng kontrata na naghahalagang $100,000 upang maisagawa ang kanyang trade. Pinahihintulutan ng leverage ang isang trader na ilagay ang katumbas na $100,000 na kontrata para sa halaga ng margin (ipinapataw ng nakatakdang antas ng leverage). Bilang halimbawa, ang isang account na nagtataglay ng 1:100 leverage ay mangangailangan ng $1,000 na marhen upang magsagawa ng isang trade na naghahalagang $100,000.

Sa paghandog ng leverage sa mangangalakal, pinahihintulutan ng brokerage ang mangangalakal na magbukas ng isang kontraktuwal na posisyon gamit ang higit na mas mababang kapital. Kung walang leverage, ang isang mangangalakal na magpe-place ng isang trade ng istandard na lote sa pamilihan ay mangangailangang maglabas ng halaga ng buong kontrata na $100,000. Gamit ang leverage na 1:100, maaaring magbukas ng posiyon ang mangangalakal ng may inisyal na marhen na USD $1,000.

Pangangalakal ng Forex sa margin ay dapat gamitin sa isang mapanuring pamamaraan sapagkat pinalalaki nito ang iyong potensyal na kita at potensyal na pagkatalo. Tandaan, kapag mas mataas ang leverage, mas mataas ang panganib.

Napapasailalim ang mga forex trader sa mga tuntunin ng margin na itinakda ng kanilang napiling mga broker. Upang ipagtanggol ang kapakanan nila at ng kanilang mga trader, ang mga broker sa merkado ng Forex ay nagtatakda ng mga kinakailangan para sa margin at mga antas kung saan napapasailalim ang mga trader sa mga margin call. Mangyayari ang isang margin call kapag ang isang trader ay labis ang paggamit sa kanilang nalalabing margin. Mga Spread sa kabila ng napakaraming natatalong trade, ang isang account na labis ang pagka-margin ay maaaring bigyan ng karapatan ang isang broker na isara ang mga bukas ng posisyon ng isang trader. Dapat malinaw ang bawat trader sa bawat parametro ng kanilang account, hal., kung anong antas sila mapapasailalim sa isang margin call. Tiyakin mong nabasa mo ang kasunduan sa margin sa aplikasyon ng account tuwing nagbubukas ka ng isang live account.

Dapat subaybayan ng mga trader ang balanse ng margin sa regular na batayan at gumamit ng mga stop-loss order upang limitahan ang downside risk kung tawagin. Ngunit dahil sa labis na pagkamasumpungin ng merkado ng Forex, hindi laging epektibong hakbang ang mga stop loss order sa paglilimita ng downside risk. Naroon pa rin ang posibilidad ng pagkatalo ng lahat, o mahigit pa, sa iyong panimulang ipinamuhunan.

Pagle-leverage

Dapat malaman ng bawat trader kung ano ang antas ng panganib na nais nilang kunin. Bagaman malinaw ang pagiging kaakit-akit ng pagsasagawa ng malaking posisyon para kumita ng mas malaki, dapat alalahanin na ang isang bahagyang pagkilos sa merkado ay magdudulot ng mas malaking pagkatalo sa isang account na labis ang pagka-leverage.

Laging mayroong opsyon ang mga trader na magpataw ng mas mababang antas ng leverage sa isang account o transaskyon. Maaari itong makatulong sa pangangasiwa ng mga panganib, ngunit dapat mong alalahanin na ang mas mababang antas ng leverage ay mangangahulugan ng mas malaking halaga ng deposito sa margin upang pamahalaan ang mga kontrata na magkakapareho ang sukat.

 

Gumaganang Halimbawa ng Margin

 

Upang kalkulahin ang kinakailangang margin upang isagawa ang 1 mini lot ng USD/CAD (10,000 USD) sa 1:100 na leverage para sa isang mini account na $500 ang nilalaman, i-divide lamang ang sukat ng transaksyon sa halaga ng leverage (hal., 10,000 / 100 = 100). Samakatuwid, kinakailangan ang $100 na margin upang isagawa ang trade na ito, na siyang mag-iiwan ng balanseng $400 na maaaring gamitin bilang margin sa loob ng trading account.

 

Karamihan sa mga platapormang Forex trading software ay kinakalkula ang mga kinakailangang FX margin at tinitingnan ang magagamit na mga pondo bago pahintulutan ang isang trader na pumasok sa bagong posisyon.

 

Libreng Margin at Ginamit na Margin

 

Sa halimbawa sa itaas ay mayroon tayong $500 account. Upang buksan ang nasabing posisyon sa itaas ay kinakailangan natin ng panimulang margin na $100. Ito ang tinatawag na used margin o margin na ginamit. Ang natitirang $400 ang tinatawag na free margin o libreng margin. Kapag lahat ng bagay ay patas, laging naroon ang libreng margin upang i-trade.

 

Ang Mga Trading Platform ginamit ay naging higit na sopistikado sa pagkakalkula ng mga bilang nito sa pamamaraang real time kaya hindi na kailangan silang kwentahin ng mano-manong pamamaraan.

chat icon