Paano Mag-trade ng Ginto

Isang Kumpletong Gabay

Lubos na pinahahalagahan mula noong sinaunang araw, ang mahahalagang bakal, lalo na ang ginto, ay laging nauugnay sa kayamanan sa salapi.

Sa mga pamilihang pinansyal, ang mga mahahalagang bakal at lalo na ang mga pamumuhunan sa ginto ay karaniwang napapanatili ang kanilang halaga sa loob ng mahabang panahon. Samakatuwid, ang mga ito ay nagbibigay ng pangmatagalang ligtas na kanlungan para sa mga trader ng mga commodity.

PAANO MAG-TRADE NG GINTO SA LOOB LAMANG NG 3 HAKBANG

Mag-sign up

Magrehistro sa HFM sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang simpleng online form at pagpapamahagi ng iyong mga dokumentasyon para sa KYC upang tiyakin ang iyong account.

Pondohan ang iyong account

Pondohan ang iyong account gamit ang alinman sa aming mga mabilis, simple, at ligtas na pamamaraan.

Simulan ang pag-trade ng ginto

Ayan yun! Maaari kang pumasok sa lahat ng mga asset class at simulan ang pag-trade ng ginto.

BAKIT DAPAT MAG-TRADE NG GINTO?

BAKIT DAPAT MAG-TRADE NG GINTO?

Ang pamumuhunan sa ginto at iba pang mahahalagang bakal ay maaaring maging mahalagang bahagi ng isang malawak na pangmatagalang portfolio ng pamumuhunan.

Ang walang hanggang akit ng ginto at mahahalagang bakal ay lumikha ng kanlungang ligtas at maaaring gawing kapaki-pakinabang ang pamumuhunan sa ginto bilang kasangkapan sa pangangasiwa ng risko.

May taglay na intrinsikong halaga ang mga mahahalagang bakal kung saan ang kanilang presyo ay karaniwang kabaliktaran ang kaugnayan sa halaga ng Dolyar ng Estados Unidos. Ang USD ang siyang pandaigdig na mekanismo na nagsisilbing pamantayan sa pagpepresyo ng mga kalakal, at ang reserbang salapi ng mundo.

Maaaring imbakin ang halaga ng ginto sa tunay na paraan sa gitna ng pagkamasumpunging ekonomiya at magsilbi bilang panabla kontra sa tumataas na gastos pangkabuhayan. Minimina ang ginto at kinakalakal sa buong daigdig, na siyang nagbibigay ng pandaigdig na liquidity sa pag-trade ng mga metal.

ANO ANG NAKAKAAPEKTO SA PRESYO NG GINTO?

Marami ang mga kadahalinang nakakaimpluwensya sa tinatayang halaga ng ginto bukod sa pangkalawakang ekonomiya at ang materyal na pakinabang ng ginto.
Ilan sa mga mahahalagang kadalahilanan na maaaring tumulak sa pandaigdigang presyong pangkalakalan ng ginto ay kinabibilangan ng:

Supply at Pangangailangan

Sa pagtaas ng pangangailangan, tumataas ang presyo ng halaga samantalang kapag mahina ang pangangailangan, bumababa din ang halaga ng mga mahahalagang bakal.

Halaga ng Dolyar ng Estados Unidos

Dahil ang mga mahalagang bakal ay idinedenomina sa dolyar, ang kanilang mga presyo ay kabaliktaran ang kaugnayan sa halaga ng Dolyar ng Estados Unidos.

Halaga ng Mga US Government Treasury Yields

Isang non-yielding o hindi umaaning pamumuhunan ang ginto kaya habang tumataas ang ani ng gobyerno at korporasyon, bumababa din ang presyo ng mga pamumuhunang ginto at gayundin sa kabaliktaran.

Pagkakapana-panahon

Karaniwang kumikilos ang ginto patungo sa pana-panahong pagbaba patungo sa katapusan ng ikalawang quarter ng huling bahagi ng Hunyo o simula ng Hulyo at pagkatapos ay aakyat ito sa loob ng ikatlong quarter sa pagtaas ng demanda ng mga namumuhunan, na siyang umaabot ng rurok sa katapusan ng taon at papasok sa bagong taon.

Inflation

May direktang epekto ang inflation sa presyo ng mahahalagang bakal. Tradisyunal na binibili o itine-trade ang ginto ng mga namumuhunan bilang panabla laban sa inflation; kaya habang tumataas ang inflation, gayunding tumataas ang presyo ng ginto, at habang bumababa ang inflation, karaniwang bumababa ang presyo ng ginto.

Pang-industriyang pangangailangan

Maaaring tumaas ang presyo ng mga mahahalagang bakal dahil sa pagtaas ng pangangailangan ng mga teknikal at pang-industriyang gamit ng ginto, tulad ng pangangailangan para sa mga alahas at electronics.

Ang mga tao ba ay bumibili o nag bebenta ng Ginto ngayon?

PAANO MAMUHUNAN SA GINTO

May iba't ibang paraan upang mamuhunan sa ginto, at dapat tuklasin ng bawat trader ang paraang pinakaangkop sa kanila. Kinabibilangan ng mga sumusunod na halimbawa ng estratehiya sa pag-trade ng ginto:

Mamuhunan sa ginto sa pamamagitan ng pagbili ng gintong bullion, coin, at alahas at imbakin ito sa isang kaha de yero o safe-deposit box para sa "tag-ulan." Bilang alternatibo, mamuhunan sa mga gintong spot contract, ETF, at sapi ng kumpanya sa pagmimina ng ginto.

Gintong Bullion at Mga Alahas

Sa pagbili ng ginto sa anyo ng mga bareta, bullion, coins, o bilang alahas, ito ay karaniwang ginagamit bilang isang store of value kung tawagin. Dahil sa mataas nitong presyo, gayunpaman, mahalaga na ito ay binili mula sa isang pinagkakatwialaang tagapagbenta, na ito ay nakaseguro at protektado ng husto sa isang kaha de yero o safe deposit box. Ang lahat ng mga ito ay may karampatang gastos sa pag-imbak at seguro, na, bukod sa tila malaking markup mula sa tagapagbenta ang makakaapekto sa potensyal na kita. Sa kaso ng ginintuang alahas at barya, mayroon ding mga panganib na sila ay hindi tunay o nasa masamang kalagayan.

Mga Gintong Futures at Spot

Ang Gold Futures ay mga kontratang pinahihintulutan kang makipagpalit ng ginto para sa isang pirming presyo, kalidad at bilang sa isang naturang petsa sa hinaharap. Mayroong pisikal o pananalaping pagtutuos sa katapusan ng transaksyon. Pinahihintulutan ka ng mga spot contract na bumili o magbenta sda kasalukuyang presyo sa pamilihan. Isang sikat na pamamaraan ang pag-trade ng spot na ginto upang mabilad sa pamilihan ng ginto na hindi kinakailangan ang pagmamay-ari ng nasabing mahalagang bakal. Ang XAUUSD at XAUEUR ay magagamit para sa pag-trade ng mga spot contract sa HFM.

Mga Gintong ETF

Ang isa pang alternatibo sa pamumuhunan ng ginto ay sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga Exchange Traded Funds (ETFs) na nauugnay sa ginto. Ang pangangalakal o pamumuhunan sa isang ETF ay nag-aalok sa mga mamumuhunan ng isang makabagong, medyo mahusay sa gastos at ligtas na paraan upang ma-access ang merkado ng ginto, na ginagawa silang isang popular na paraan ng pag-iba-iba ng isang portfolio. Sa HFM nag-aalok kami ng SPDR Gold Shares ETF at SPDR S&P Metals & Mining ETF.

Mga Sapi ng Pagmimina ng Ginto

Minimina ang ginto sa buong daigdig: ang limang pinakamalalaking gumagawa nito ay ang Tsina, Russia, Australia, ang Estados Unidos, at Canada, kung saan ang produksyon ng Tsina ay kasing-dami ng pinagsamang Estados Unidos at Canada. Pantay din ang pagbabahagi ng pinakamalalaking kumpanyang sangkot sa pagmimina ng ginto labas ng Tsina. Ang dalawang pinakamalaking kumpanya, ang Newmont ng Estados Unidos at ang Barrick Goldng Canada, ay maaaring pamuhunan bilang mga CFD sa amin.

KAILAN DAPAT MAG-TRADE NG GINTO

Inilalahad ng sumusunod na talahanayan Mga Oras ng Trading na ang Ginto ay maaaring i-trade sea mga plataporma ng HFM. Bagaman ang Ginto, gaya ng kabuuan ng pamilihan ng forex, ay maite-trade ng 24/5, ito ay pinakamadalas na tine-trade sa loob ng oras ng sesyon ng London (08:00-18:00 GMT), sapagka't ito ang mga pinakaaktibong oras ng kalakalan para sa ginto, tulad ng ipinapakita ng karaniwang mataas na trading volume.

XAUUSD
Paglalarawan: Gold/US Dollar
spreads na kasing baba sa: 0.25
Leverage (hanggang sa): 1:2000
Bukas ng Lunes: 1:05:00
Sarado sa Biyernes: 23:57:59
Pahinga: 23:57:59 - 01:05:00
XAUEUR
Paglalarawan: Gold/Euro
spreads na kasing baba sa: 0.26
Leverage (hanggang sa): 1:2000
Bukas ng Lunes: 1:05:00
Sarado sa Biyernes: 23:57:59
Pahinga: 23:57:59 - 01:05:00

ALING MGA PLATAPORMA ANG PWEDE KONG GAMITIN PARA MAG-TRADE NG GINTO?

Maaaring i-trade ang ginto sa lahat ng aming mga plataporma, tulad ng HFM platform, MetaTrader 4, at ang MetaTrader 5! Tinitiyak ng mga kilala at makapangyarihang platapormang ito na pahintulutan ang bawat trader na mag-trade sa kanilang nais na istilo, sa kanilang paboritong lugar, at sa device ng kanilang pagpapasya. Mag-trade ng Ginto mula sa iyong device, kailanman saan ka man naroroon, gamit ang HFM platform!

Mga FAQ

Maaari kang magsimula sa pangangalakal ng Ginto sa HFM sa loob lamang ng 2 minuto! Magbukas ng live trading account sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang simpleng online form at pagbibigay ng iyong profile information, pondohan ang iyong trading account gamit ang alinman sa aming mabilis, simple at ligtas na pamamaraan, at i-access ang alinman sa aming maraming asset class upang makapagsimula!

Nag-aalok ang HFM ng mga uri ng account na walang minimum na deposito. Nag-aalok din kami ng maximum na leverage ng 1:2000 at swap-free trading, bukod sa mababang spread, proteksyon sa negatibong balanse at napakabilis na pagpapatupad. Mangyaring suriin ang aming Pahina ng Mga Trading Account para sa karagdagang impormasyon.

Bagaman ang Ginto, tulad ng pamilihan ng forex, ay maaaring ikalakal 24/5, ito ay pinakamadalas ikalakal sa loob ng sesyon sa pangangalakal ng London (08:00-18:00 GMT), sapagka’t ito ang pinaka-aktibong oras ng kalakalan para sa ginto, gaya ng ipinapakita ng karaniwang mataas na volume ng kalakalan.

Ang ginto ay maaaring ikalakal sa lahat ng aming MT4 at MT5 na plataporma para sa desktop, Android at iOS, at gayundin ang platapormang HFM para sa pangangalakal saan ka man naroroon gamit ang HFM App! Tinitiyak ng mga tanyag at makapangyarihang platapormang ito na ang sinumang mangangalakal ay makakapag-trade sa kanilang nais na pamamaraan, sa kanilang paboritong kinaroroonan at sa kanilang nais na device.

Ang pamumuhunan sa Ginto at iba pang mga mahahalagang metal ay maaaring maging mahalagang bahagi ng isang dibersipikadong portfolio ng pangmatagalang pamumuhunan. Ang walang-kupas na akit ng Ginto at mga mahalagang metal ay lumikha ng isang ligtas na kanlungan at maaaring gawing isang kapaki-pakinabang na kasangkapan sa pangangasiwa ng panganib ang pamumuhunan sa ginto.

chat icon