Ang mga Major

Karamihan sa mga transaksyong may kaugnayan sa pananalapi ay kinasasangkutan ng mga tinatawag na 'Majors,' na kinabibilangan ng British Pound (GBP), Euro (EUR), Japanese Yen (JPY), Swiss Franc (CHF) at ang US Dollar (USD). Bagaman ito ang mga mahahalagang limang pananalapi, ang Canadian Dollar (CAD) at ang Australian Dollar (AUD) ay nagsisimula nang maging bahagi ng mga karagdagang 'major' na mga pananalapi.

Mga Pananalaping Nakapares

Ang lohika ng pagpapares ng pananalapi ay nangangahulugan na kung tayo ay mayroong nag-iisang pananalapi lamang, wala tayong paraan kung paano sukatin ang kaugnay na halaga nito. Sa pamamagitan ng pagpares ng dalawang pananalapi laban sa isa't isa, maaaring matatag ang halagang nagbabago-bago para sa isang pares kontra sa isa pa.

Ang mga pares ng pananalapi na hindi kinabibilangan ng dolyar ng Estados Unidos ay karaniwang tinutukoy bilang mga Cross Currency Pair. Ang Cross Currency trading ay maaring magbukas ng lubos na ibang aspeto ng pamilihan ng Forex para sa mga tagapag-ispekula. May iilang cross currency na napakabagal kumilos na maganda ang kasalukuyang trend. May iba namang pares na napakabilis kumilos at napakapusok ng galawan, na nagtataglay ng arawang average na pagkilos na lagpas 100 na pip

Ang SWAP

Tuwing tayo'y nagsasagawa ng transaksyong Forex, tayo ay samakatuwid humihiram ng isang pananalapi at nagpapahiram ng kapares nito. Ang pangungutang at pagpapautang ay tulad lang ng anumang iba pang transaksyon sa bangko na sumasailalim sa mga rate ng interes. Ang interes na ito ay tinutukoy bilang SWAP rate sa mga pamilihan ng pananalapi. Ang Swap ay isang pag-credit o pag-debit dulot ng arawang rate ng interes. Tuwing naghahawak ang mga trader ng mga posisyon ng buong magdamag, sila ay maaaring madagdagan o mabawasan ng interes batay sa mga rate ng mga ito sa panahong iyon.

chat icon