Mga Acronym ng Pananalapi

Sapagka't ang mga pananalaping banyaga ay kino-quote batay sa halaga ng isang pananalapi kontra sa isa pa, kinabibilangan ng isang pares ng pananalapi para sa Forex ng isang acronym para sa bawat pananalapi, na binubukod ng isang slash '/'. Itinaguyod ang mga nasabing acronym noong 1947 at naglista kami ng iilan sa ibaba:

Mga Acronym ng Pananalapi:

  • GBP = Great British Pound
  • EUR = Euro
  • CHF = Confoederatio Helvetica Franc (Swiss Franc)
  • USD = United States Dollar
  • CAD = Canadian Dollar
  • JPY = Japanese Yen
  • AUD = Australian Dollar
  • NZD = New Zealand Dollar

Laging ikinakalakal ang mga pananalapi sa mga pares, halimbawa EUR/USD, USD/JPY. Ang bawat posisyon ay kinakailangan ang pagbili ng isang pananalapi at ang pagbenta ng isa pa. Kapag may nagsabi na bibilhin nila ang EUR/USD, ibig sabihin nito ay bumibili sila ng Euro at nagbebenta ng Dolyar.

Marami pang ibang mga pares ng pananalapi ng Forex na pwedeng i-trade, tulad ng Danish Krone, Mexican Peso, at ng Russian Ruble. Gayunpaman, ang mga pares na ito ay karaniwang mas madalang ikalakal, at ang mga ito ay hindi itinuturing bilang mga pangunahing pananalapi.

Mga Pangunahing Pares ng Pananalapi para sa Forex

May ilang mga pares ng pananalapi sa Forex na mas madalas ikalakal kaysa sa mga iba. Ang mga pares ng pananalapi na may pinakamalaking volume ay kinabibilangan ng mga tinatawag na mga 'majors'. Pinagkakasunduan ng karamihan na ang sumusunod na 6 na mga pares ang itinuturing bilang mga major:

Halimbawa, ipagpalagay natin na bumili ang isang Forex trader ng isang standard na lot ng GBP/USD. Ang kasalukuyang palitan ay 1.9615. Samakatuwid, bumibili ang trader na ito ng 100,000 Pound kapalit ng $196,150. Muli, para sa kapakanan ng halimbawa, ipagpalagay natin na ang Forex market rate ay umangat ng 15 PIPs patungong 1.9630 at ililiquidate ng trader ang posisyon. Ang mismong 100,000 Pound ay ngayo'y naghahalagang $196,300, kung saan kumita ng $150 ang trader.

  • EUR/USD
  • GBP/USD
  • USD/JPY
  • USD/CHF
  • USD/CAD
  • AUD/USD

Kung minsan ay ginagamit ang mga palayaw para sa mga pares ng pananalapi. Heto ang isang listahan ng mga pares ng pananalapi sa Forex at ang mga pinakamadalas gamiting palayaw para sa mga ito:

  • GBP - Pound, Cable, o Sterling
  • EUR - Euro
  • CHF - Swissy, o Franc
  • USD - Greenback
  • CAD - Loonie
  • AUD - Aussie
  • NZD - Kiwi
  • JPY - Yen
chat icon