Teknikal na pagsusuri

Ang teknikal na analisis ay ang pamamaraan ng pagsusuri ng mga produktong ikinakalakal sa pamamagitan ng mga estatistikang inilikha ng aktibidad sa pamilihan, tulad ng mga nakaraang presyo at volume. Naniniwala ang mga teknikal na analista na taglay ng presyo ang kabuuan ng lahat ng impormasyon at samakatuwid, hindi nila sinisikap sukatin ang nilalamang halaga ng isang seguridad, ngunit gumagamit sila ng mga tsart at iba pang mga kasangkapan upang tukuyin ang mga kaugalian na maaring magpahiwatig ng pagkilos sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng mga pangalang katangi-tangi tulad ng teoryang Elliot Wave, mga Candlestick na Tsart, ang Moving Average Convergence Divergence, o Mga Bollinger Band lahat ng mga ito ay mayroong karaniwang aspeto na pinapakitaan tayo ng biswal na paraan upang analisahin ang merkado.

Sa bahaging ito ipinakikilala namin ang ilang mga pamamaraan na kasalukuyang ipinapatupad sa pamilihan.

Support at resistance

Ang support ay ang antas ng presyo kung saan ang demand ay tinatayang sapat na malakas upang hadlangan ang tuluyang pagbagsak ng mga presyo. Ang mga antas ng support ay mas mababa sa kasalukuyang presyo ngunit hindi madalang na bumaba ang mga presyo ng support ng bahagya, na nagpapahawatig ng isang hindi-totoo o false breakout. Kapag nabasag na ang antas ng support, kikilos pababa ang merkado, na siya namang nagpapahiwatig na ang mga nagbebenta ay mas higit na nakararami sa bumibili. Kapag nabasag na ang isang antas ng support, magkakaroon ng karagdagang antas ng support sa mas mababang antas at ang kaugalian nito ay ang antas ng support na dati nang nabasag ay magiging antas ng resistance.

Ang resistance ay ang antas ng presyo kung saan ang demand ay tinatayang sapat na ang lakas upang hadlangan ang patuloy na pagtaas ng mga presyo. Ang mga antas ng resistance ay karaniwang mas mataas sa kasalukuyang presyo. Ang isang malinaw na pagbali sa taas ng antas ng resistance ay senyas na ang mga mamimili ay may kapangyarihan. Sa halimbawang ito mas kakaunti ang mga nagbebenta at ang kaugalian ng presyo ay umangat pa ng pataas. Kapag nabasag na ang isang antas ng resistance, iseas pang antas ng resistance ay matatatag at gaya ng antas ng support o suporta, kapag nakamit ang antas ng resistance, ito ang siyang magiging bagong antas ng support.

Gumagalaw na mga Average

Kilalang-kilala ang mga moving average bilang mga kasangkapang karaniwang ginagamit ng mga teknikal na mga trader upang sukatin ang kanilang buwelo. Sila ang karaniwang unang kasangkapang nakikilala ng mga analistang teknikal sapagka't sila ay simple lamang gamitin bukod sa nagsisilbing mga pundasyon patungo sa mas kumplikadong mga teorya ukol sa moving average. Ang pangunahing layunin ng mga average na ito ay upang pakinisin ang datos ng presyo para mas mabuting matiyak ng mga mangangalakal ang posibilidad na tutuloy ang isang trend. Kadalasang ginagamit ang mga moving average upang hulaan ang mga lugar ng suporta at paglaban o support at resistance at ginagamit din kapit-bisig ang mga iba pang tagapagpahiwatig upang tulungang magbigay ng tumpak na mga senyales sa pagpasok at paglabas. May iba't ibang uri ng mga average na magkakaiba-iba sa kanilang kasikatan ngunit kahit anumang pamamaraan ng kanilang kalkulasyon, lahat ng mga ito ay nauunawaan sa iisang pamamaraan

Mayroon tayong simpleng mga moving average, weighted na moving average, at exponential na moving average.

Isang napakasimpleng teorya ay ang paggalaw ng tinatawag na average crossover. Ito ang lugar kung saan mo ipagsasama ang dalawang moving average sa magkaibang panahon. Ang bahagi kung saan sila tumatawid ang magpapahiwatig ng punto ng entrada at labasan para sa isang mangangalakal.

Pundamental na Analisis

Ang fundamental analysis o analisis na pundamental ay ang pag-aaral ng mga sumasailalim na elementong sentral na nakakaimpluwensiya at nakakaapekto sa presyo ng isang seguridad o ang kalusugan ng ekonomiya ng isang bansa. Sinusubukang hulaan ng pamamaraan ng pag-aaral na ito ang aksyon ng presyo at ang mga trend sa pamilihan sa pamamagitan ng pagsuri ng mga tagapagpahiwatig ng ekonomiya, patakaran ng pamahalaan, at iba pang mga aspeto. Bagaman maaaring makatulong ang fundamental analysis na mahulaan mo ang tunay na halagang napapasailalim sa isang sapi o seguridad, kapag dumating sa fundamental analysis para sa pamilihan ng forex, ang pagsusuri ay isinasagawa upang hulaan ang mga kondisyon ng ekonomiya at ang napapasailalim na direksyon nito. Samakatuwid, para sa mga pamilihan ng pananalapi, hindi eksaktong siyensiya ang fundamental analysis upang hulaan ang presyo. Halimbawa, maaaring magkaroon ka ng malinaw na pagkakaunawa ng kalusugan ng isang ekonomiya sa pamamagitan ng pagsusuri ng hula ng isang ekonomista ng isang napaparating na economic release, ngunit hindi ka nito bibigyan ng entrada o labasan, kung hindi lamang ang direksyon ng presyo.

Ang fundamental analysis at ang mga binubunga nitong mga bilang ay kasasangkutan ng mga interest rate, mga patakaran ng bangko sentral, mga panauhing o pangyayaring politikal, mga ulat ng empleyo, pana-panahon man o gross domestic product (GDP), atbp. Ang mga tagapagpahiwatig na ekonomika na ito ay nagsisilbing mga sulyap ng datos na pinansyal at ekonomikal na inilathala ng iba't ibang mga sangay ng gobyerno o ng pribadong sektor para sa bawat bansa. Ang mga estatistikang ito, na isinasapubliko sa regular na nakatakdang iskedyul, ay tumutulong sa mga mangangalakal na subaybayan ang kalusugan ng ekonomiya.

Malawak na binabansagan ng mga fundamental analyst kung tawagin ang mga datos ng ekonomiya at ng mga news release sa tatlong kategorya. Maaaring naroon ang release upang ipakita ang kasalukuyang katayuan ng ekonomiya kung saan tinutukoy ito bilang coincident indicator, ay kilala rin bilang leading indicator dahil ang release ay susubuking hulaan ang mga kondisyon sa hinaharap o sa bandang huli, kilala bilang lagging indicator.

chat icon