Ang Spread

Ang mga presyo ng Forex ay ipinapakita sa anyo ng isang Bid/Ask spread. Ang pagkakaiba mula sa Bid at sa Ask ang tinatawag na spread. Nagsisilbi bilang presyo ang Bid at Ask gaya ng ibang mga produktong pinansyal. Ang Bid ay ang presyo kung saan ang isang mangangalakal ay kayang magbenta ng isang pares ng pananalapi. Ang Ask, na tinatawag din bilang 'Offer', ay ang presyo kung saan ang mga mangangalakal ay kayang bumili ng isang pares ng pananalapi.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng Bid at ng Ask ay ang tinatawag na "Spread" at gayundin ang epektibong gastusin ng pangangalakal. Walang umiiral na karagdagang komisyon para sa broker na kaugnay sa pangangalakal ng pamilihan ng Forex sa pangkaraniwan, ngunit tayo ay nagiging saksi sa pagkilos patungo sa pangangalakal batay sa komisyon dahil sa pagsasagawa ng merkado.

Mga Pip

SInusukat ang mga bahagi ng merkado sa pamamaraan ng tinatawag na 'Percentage in Point' o Pips kung tawagin. Ang isang pip ay ang ikaapat na tambilang sa halaga ng isang pares ng pananalapi (kung ikaw ay nagte-trade mula sa price feed na may 5 tambilang); EURUSD 1.10872, GBPUSD 1.28653, atbp. Lahat ng mga pares ng pananalapi, bukod sa Japanese Yen, ay sinusukat ang nasabing pip mula sa ikaapat na decimal, samantalang ang mga JPY at HUF na pares ng pananalapi ay sinusukat mula sa ikalawang decimal.

Mga Quote ng Presyo: Ano ang ibig sabihin nila?

Maaaring nakakalito sa simula ang pagbasa ng isang Forex quote. Ngunit sa katotohanan, simple lang ito kung kaya mong alalahanin ang dalawang bagay:

  • Ang unang pananalaping nakalista ay ang baseng pananalapi
  • Ang halaga ng baseng pananalapi ay laging 1 (isa)

 

Ang isang quote ng GBP sa presyong 1.28653 ay nangangahulugan na ang 1 Sterling Pound (GBP) = 1.28653 US Dollar (US). Kung ang Sterling Pound ang baseng yunit at tumaas ang presyo ng pares ng pananalapi, kapag ihinalintulad, tumaas ang halaga ng Sterling Pound at ang ibang pananalapi na kasama nito sa pares (karaniwang kinikilala bilang pananalapi ng quote) ay humina. Gamit ang halimbawang GBPUSD, kung tumaas ang halaga ng GBPUSD ula 1.28653 patungong 1.29653 (100 pips o 1000 puntos), mas malakas ang GBP sapagkat makakabili ito ng mas madaming USD kaysa sa nakaraan.

Mayroong apat na pares ng pananalapi na kinauugnayan ng US dollar kung saan ang US dollar ay hindi nagsisilbi bilang baseng pananalapi. Bukod dito ang iilan tulad ng Australian dollar (AUD, ang British Pound (GBP), ang Euro (EUR), ang New Zealand dollar (NZD), atbp. Ang isang quote sa GBPUSD ng 1.28765 ay mangangahulugan na ang isang British Pound ay katumbas ng 1.28765 US dollars. Kung ang presyo ng isang pares ng pananalapi ay tumaas, ang halaga ng baseng pananalapi kapag ihinalintulad sa quote ng pananalapi na ito ay aangat din. Gayundin, kung bumaba ang presyo ng isang pares ng pananalapi, masasabi natin na ang halaga ng baseng pananalapi kapag ihinalintulad sa pananalapi ng quote ay humina.

Anu-anong mga bagay ang Nakakaimpluwensiya ng Presyo?

Ang mga pamilihan at presyo ng Forex ay pangunahing naiimpluwensiyahan ng pandaigdigang pangangalakal at daloy ng pamumuhunan. Naiimpluwensiyahan din ito sa mas mababang paraan ng mga magkakatumbas na kadahilanan na nakakaapekto rin sa pamilihan ng mga equity at bond: ang mga kondisyong ekonomikal at politikal, lalo na ang mga interest rate, inflation, at ang katatagan ng pulitika, o di kaya ang kaguluhang dulot nito. Bagaman ang mga kadahilanang kaugnay sa ekonomiya ay mayroong mga epektong pangmatagalan, kadalasan, ang agarang reaksyon ang nagdudulot ng arawang pagbabago-bago ng presyo, kaya nakakaakit nga naman talaga ang pangangalakal ng Forex para sa mga intra-day trader.

Ang pangangalakal ng pananalapi ay maaaring mag-alok sa mga namumuhunan ng karagdagang layer ng dibersipikasyon. Maaaring tingnan ang pangangalakal ng pananalapi bilang paraan upang maprotektahan ka laban sa mga hindi kanais-nais na mga pagkilos sa mga pamilihan ng equity at mga bond, na siya ring nakakaapekto sa mga mutual fund. Dapat mong alalahanin na ang pangangalakal ng dayuhang salapi sa labas ng mga palitan ay isa sa pinakamapanganib na uri ng pangangalakal at dapat mo lamang ipamuhunan ang maliit na bahagi ng iyong kapital para sa risk sa pamilihang ito.

chat icon