Nagsisimula ang FX Revolution sa ZERO

Ang Rollover, na tinatawag ding Swap o Overnight na Bayad, ang interes na binayaran o nakuha dahil sa pagbubukas ng posisyon overnight sa isang Deribatibo. Layunin ng Polisiya ng HFM Rollover Policy na magtatag at magpanatili ng patas na bayad sa lahat ng mate-trade na mga seguridad at asset na klase. Sa lahat ng karamihan ng seguridad, maliban sa Forex at Ginto, ang bayad sa rollover ay ang bayad sa panloob na interes na idadagdag o ibabawas sa bayad sa rollover na nakukuha namin mula sa mga kasosyo naming counterparty para sa seguridad na iyan. Para sa natitirang mga instrumento, dahil sa kanilang pagiging volatile, ikinokonsidera rin sa pinal na bayad ang pagsusuri ng panloob na merkado at panganib na isinasagawa ng kompanya. Regular na tinataya ang mga bayad sa rollover at binabago ito kapag kailangan.


Kalkulasyon ng Rollover - Halimbawa

Ihambing ang account spread na ito sa ibang spread na inaalok ng ibang broker.

Baseng pananalapi ng account: EUR
Seguridad: USA100 (Nasdaq)
Sukat ng Posisyon: 1 lote (1 Kontrato)
Panig: Buy (Long)
Rate ng Pananalapi: EURUSD

Mangyaring pumunta sa pahinang ito upang suriin ang istruktura ng komisyon para sa Zero spread account ng HFM.

Paghahambing sa mga HF Spread


Simulasyon ng Rollover Credit

Baseng pananalapi ng account: USD
Seguridad: GBPUSD
Sukat ng Posisyon: 0.50 lote (50,000)
Panig: Sell (Short)
Rate ng pananalapi: USD

Mangyaring pumunta sa pahinang ito upang suriin ang istruktura ng komisyon para sa Zero spread account ng HFM.

Kalkulasyon: 0.50 * (0.45 * 0.70) * 10.00 / 1 = $1.57

* Maaaring isaayos ang mga CFD ng Index para sa mga aksyong pangkompanya tulad ng pagbayad ng salaping dibidendo, handog sa palitan, opsyon sa dibidendo, bonus isyu, atbp. Mangyaring unawain na ang mga equity index ay tiyak na makatatanggap ng madalasang pagsasaayos sa swap bilang sumasailalim ng mga equity index ay kinabibilangan ng maraming sapi.


Swap Free Trading

Nag-aalok ang HFM ng mga swap-free na kondisyon para sa trading para sa mga partikular na trading account ng mga kliyenteng tumatalima sa batas ng Sharia. Ngunit mayroong iilang instrumento na maaaring sumailalim sa mga Carry Charges matapos mai-roll over ang isang posisyon para sa sunod-sunod na mga araw.

Umiiral din ang mga kondisyon para sa swap-free trading para sa mga kliyenteng hindi tumatalima sa batas ng Sharia para sa mga partikular na trading account at mga instrumento:


AUDNZD, AUDUSD, EURCHF, EURUSD, GBPJPY, GBPUSD, NZDUSD, USDCAD, USDCHF, USDJPY, USOIL, AUDCHF, AUDJPY, EURAUD, EURCAD, EURGBP, EURJPY, EURNZD, GBPCHF, GBPNZD, NZDJPY, NZDCAD, XAUUSD, UKOIL

Puwedeng maging karaniwang diskarte ang pagte-trade sa araw at pagpapanatili ng mababang bilang ng mga position sa gabi.

* Ang kasaysayan ng pag-trade sa mga nabanggit na mga instrumento ay susubaybayan upang tiyakin ang wastong paggamit ng mga kondisyon ng swap-free. Inilalaan ng Kompanya ang karapatang bawiin ang estadong swap-free sa pagpapasya nito.


Mga Sapi at Aksyong Pangkompanya

Ang mga posisyon sa sapi ay sumasailalim sa bayarin sa credit/debit na pangmagdamagan.
Ang mga rollover ng CFD ng sapi ay hango sa sumasailalim na halaga ng kontrata times ang interbank rate ng LIBOR, +/- panloob na bayarin sa interes.
Batay ang kalkulasyon sa 365 araw ng pag-trade para sa mga sapi ng UK at 360 para sa lahat ng ibang inaalok na mga sapi.


Kalkulasyon ng Sapi - Halimbawa

Simulasyon ng Share Rollover

Baseng pananalapi ng account: USD
Quote ng Pananalapi ng Account: USD
Seguridad: Goldman Sachs
Sukat ng Posisyon: 1 lote = Sukat ng Kontrata: 100 Sapi
Panig: Sell (Short)
Halaga ng ex-dibidendo: 0.80 USD (bawat sapi)

Formula ng Share Rollover: (Halagang nosyonal * (LIBOR +/- Panloob na Interest Fee))/360)

Kalkulasyon: (20,000 * (2.24% + 2.15% ) ) / 360 = -$2.44)

Ang mga pangmagdamagan na bayarin ay maaaring isaayos para sa mga aksyong pangkompanya tulad ng mga pagbayad ng dibidendo sa anyo ng salapi, mga handog ng palitan, opsyon sa dibidendo, bonus isyu, atbp. Halimbawa, kung ang isang CFD na sapi ay itinrade ng kliyente at hinawakan ng magdamag ay magbayad ng dibidendo sa petsang iyon (petsa ng ex-dibidendo), ang kliyente na may mahabang posisyon ay may karapatang tanggapin ang dibidendo bilang pagsasaayos sa swap. Kung sakaling ang kliyente ay may hawak na posisyong short sa CFD ng sapi, ang posisyong ito ay mapapatawan ng kinauukulang pagsasaayos sa dibidendo sa pamamagitan ng overnight o pangmagdagang swap. Sa halimbawang ito, ang swap para sa mga mahahabang posisyon o long position kung tawagin ay tataas upang ilarawan ang pagbayad ng dibidendo, at ang swap para sa mga posisyong short ay mababawasan.


Mga Dibidendo

Ang mga kliyenteng may hawak ng mga posisyong maiksi o short position sa petsa kung kailangan ang isang CFD para sa Sapi ay maging ex-dibidendo ay mapapatawan ng halaga ng dibidendo sa anyo ng pagsasaayos sa balanse (deposito).

Ang mga kliyenteng may hawak ng mga posisyong maiksi o short position sa petsa kung kailangan ang isang CFD para sa Sapi ay maging ex-dibidendo ay mapapatawan ng halaga ng dibidendo sa anyo ng pagsasaayos sa balanse (withdrawal).


Kalkulasyon ng Dibidendo - Halimbawa

Simulasyon ng Pagsasaayos ng Dibidendo

Baseng pananalapi ng account: USD
Quote ng Pananalapi ng Account: USD
Seguridad: Goldman Sachs
Sukat ng Posisyon: 1 lote = Sukat ng Kontrata: 100 Sapi
Panig: Sell (Short)
Halaga ng ex-dibidendo: 0.80 USD (bawat sapi)

Formula para sa Dividend Adjustment: Sukat ng Kontrata * (Halaga ng dibidendo * Panloob ng Interest Fee)

Kalkulasyon: 100 * (0.80 * -1.30) = -104 USD

Ang mga pagsasaayos sa balanse ng dibidendo ay sisimulang sumailalim sa proseso ng 00:00 oras ng server sa araw ng mag-trade ng ex-dibidendo ang ispesipikong sapi na iyon.


Iskedyul ng Pagsingil ng Rollover

Ang simula at wakas ng araw ng pag-trade ay tinuturing bilang 00:00 ng aming mga server. Ang anumang posisyong naiwanang bukas ng 00:00 (oras ng server) ay tinuturing bilang hinahawakang magdamag at sasailalim ito sa kinauukulang rollover fee. Ang posisyon na binuksan ng 00:01 (oras ng server) ay hindi sumasailalim sa rollover hanggang sa susunod na araw, samantalang ang posisyong binuksan ng 23:59 (oras ng server) ay sumasailalim sa rollover ng 00:00 (oras ng server).

Ang isang credit o debit para sa bawat posisyong binuksan mula 00:00 ay lilitaw sa iyong account, ito ay direktang ipinapataw sa trade sa pamamagitan ng swap field at ito ay awtomatikong lumilitaw sa iyong balanse ng account.

Mga Oras ng Server

  • GMT+3: Huling Linggo ng Marso hanggang Huling Linggo ng Oktubre
  • GMT+2: Huling Linggo ng Oktubre hanggang Huling Linggo ng Marso


Katapusan ng Linggo at mga Piyesta Opisyal

Bagaman karamihan sa mga pamilihan ang sarado tuwing katapusan ng linggo at tuwing mga pista opisyal, nananatiling tinatakda ang mga interest para sa mga posisyong hinahawakan sa loob ng mga panahon na iyon. Upang sukatin ito, kinakalkula ang mga weekend rollover fee at tinatakda para sa tatlong araw tuwing Miyerkules, na siyang ginagawa ang karaniwang rollover tuwing Miyerkules triple ng karaniwang halaga nito. Mangyaring unawain na ang triple swap para sa mga instrumentong Index ay sa halip ipinapataw tuwing Biyernes.


Triple Swap - Halimbawa

Simulasyon ng Rollover Credit para sa Miyerkules

Baseng pananalapi ng account: USD
Seguridad: GBPUSD
Sukat ng Posisyon: 0.50 lote (50,000)
Panig: Sell (Short)
Rate ng pananalapi: USD

Triple Rollover Fee Formula = (Sukat ng Posisyon * (Counterparty Fee * Panloob na Interest Fee) * Halaga ng Pip) / Rate ng Pananalapi) * 3

Kalkulasyon: (0.50 * (0.45 * 0.70) * 10.00 / 1) * 3 = $4,71

As per the above, rollover fees are also applied as usual for all instruments during public holidays no matter whether the instrument is tradable or not during that day.


Saan ipinapakita ang Rollover?

Para makita ang mga forex rate sa araw na ito, mag-click lang sa sumusunod na link: Mga detalye ng pag-trade ng Forex
Upang makita ang mga rate ng metal/oil sa araw na ito, mag-click lang sa sumusunod na link: Mga detalye ng pag-trade ng Bakal/Langis
Upang makita ang mga rate ng index sa araw na ito, mag-click lang sa sumusunod na link: Patakaran sa Forex Swap/Rollover

chat icon