Itinatag noong 2006, ang ADP Nonfarm Employment Change o ang Pagbabago sa Hindi Pang-Pagsasakang Empleyo ng ADP ay sukat ng bilang ng bagong trabahong nailikha sa nakalipas na buwan na hindi kabilang ang pagsasaka. Tinuturing ang ulat na ito bilang panimula sa mas malawak na sinusundan na Non-farm Payroll Report o Ulat ng Payroll na hindi kaugnay sa pagsasaka, na siya namang isinasapubliko makalipas ang dalawang araw tuwing Biyernes. Ito ay ginagamit upang makapaghandog ng mga pananaw sa Non-Farm Payroll Report ngunit nagpapakita ng pagbabago mula sa nakaraan pagdating sa sukat nito.
Kinakalap ng tagapagpahiwatig na ito ang mga mahahalagang bilang sa inflation ng sahod, lalo na ang mga pagtaas ng presyo sa mga sahod na ipinambabayad sa mga empleyadong hindi kaugnay sa pagsasaka. Kapag napwersahan ang mga korporasyon at negosyo na magbayad ng mas matataas na sahod, ang pagtaas na ito ay mararanasan din sa larangan ng konsyumer. Dahil dito, tinitingnan ang inflation ng sahod bilang paunang pananaw sa inflation para sa konsyumer. Tila positibo ang epekto ng mas matataas na trend para sa tagapagpahiwatig na ito, sapagkat ang inflation ng sahod ay nagdudulot ng inflation para sa konsyumer at ang inflation para sa konsyumer ay kaugnay ng isang matatag na ekonomiya.
Kinakalap ng Beige Book ang impormasyong panlalawigan mula sa mga sangay ng Federal Reserve tungkol sa lakas ng ekonomiya sa loob ng kanilang sariling lalawigan. Kinakalap ang impormasyong ito dalawang linggo bago magsimula ang mga pagpupulong ng FOMC (Federal Open Market Committee). Gagamitin ng FOMC ang Beige Book tuwing pinag-iisipan ang kinabukasan ng mga interest rate.
Ang kahulugan ng PMI ay ang Purchasing Managers Index. Isinasagawa ng National Association of Purchasing Managers (NAPM) at sinusukat sa Chicago (samakatuwid para sa buong lalawigan ng Gitnang Kanlurang bahagi ng Estados Unidos) ang Chicago PMI. Bago isapubliko ang ulat, sinusurvey ang mga purchasing manager sa lalawigan tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang kompanya, sa partikular, kung ang aktibidad ng pagbili ng kompanya ay mas mababa sa, mas mataas sa, o magkatumbas sa aktibidad para sa nakalipas na buwan. Ang salitang ‘aktibidad’ ay tinutukoy bilang reperensya sa empleyo, imbentaryo, presyo, order, output, atbp. Gumagamit ang tagapagpahiwatig ng reading ng 50 upang sukatin ang paglago o ang kawalan nito. Ang resulta ng reading na mahigit 50 ay magpapahiwatig ng paglago ng ekonomiya sa naturang lalawigan.
Sa isang buwanang survey, hinihiling ang mga sumasagot nito na sukatin at suriin ang pangkasalukuyan at pangkinabukasang lakas ng ekonomiya. Tiyak na magdudulot ng positibong epekto ang optimismo ng mga konsyumer sa paglakas o paghina ng isang ekonomiya, at ng pananalapi ng isang bansa; kapag mataas ang kumpyansa ng mga konsyumer, tataas din ang bentahan ng mga bilihin at serbisyo, na siya naman ang nakakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya.
Sa isang buwanang survey na isinagawa ng University of Michigan, hiniling sa 500 na mga tagapagsagot ang sukatin at suriin ang kasalukuyan at pang-kinabukasang lakas ng ekonomiya. Tiyak na magdudulot ng positibong epekto ang optimismo ng mga konsyumer sa paglakas o paghina ng isang ekonomiya, at ng pananalapi ng isang bansa; kapag mataas ang kumpyansa ng mga konsyumer, tataas din ang bentahan ng mga bilihin at serbisyo, na siya naman ang nakakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya.
Inuulat ng Core Durable Goods Orders ang katumbas na datos tulad ng ‘Durable Goods Orders’ menos ang datos na kinabibilangan ng mga parte ng transportasyon. Ito ay dahil ang mga purchase order para sa mga sasakyang pangkalsada at sasakyang panghimpapawid ay kadalasang nakakaranas ng mabilisang pagtaas sa mga maiigsing bugso ng oras. Ang mga naturang numero ay nakakapanghina sa kalinawan ng pangkalahatang trend. Dahil dito, ang Core Durable Goods Orders ay karaniwang mas sinusubaybayan kaysa sa Durable Goods Orders. Ang Core Durable Goods Orders ay sukat ng kabuuang halaga ng mga purchase order na ipinroseso sa mga tagagawa ng mga produkto na tumatagal ang buhay ng mahigit 3 taon. Masugid na sinusubaybayan ng mga mangangalakal ang trend na ito dahil sa pinapahiwatig nito tungkol sa hinaharap ng isang ekonomiya. Kapag ang kabuuang halaga ng mga purchase order ay mas mataas kaysa sa nakalipas na mga buwan, maaasahan natin na ang mga manufacturer ay mapipilitang punuin ang mga nakabinbin na mga order. At bilang bunga nito, mataas ang katiyakan na tumaas din ang empleo. Kapag ang produktibidad at ang empleyo ay inaasahang tumaas bilang direktang resulta ng mas maraming purchase order, mataas ang katiyakang makakita ng mas mataas na GDP (Gross Domestic Product).
Nangangahulugan ang PCE para sa Personal Consumption Expenditures o Gastusin para sa Pansariling Konsumo; ang Core PCE Price Index ay isang sukat ng mga inflation rate para sa konsyumer, gaya ng nakikita tuwing bumibili ng mga bilihin at serbisyo. Samakatuwid, ang PCE ay maraming kahalintulad sa CPI o Consumer Price Index kung tawagin. Ang pagkakaiba ay ang PCE ay sinusukat ang antas ng mga pagbabago sa presyo sa mga bilihin at serbisyong pangkonsyumer, lalo na yung mga nakatuon sa mga indibidwal na konsyumer (sa halip ng mga konsyumer na pamproduksyon). Gaya ng ibang mga tagapagpahiwatig na may kaugnayan sa ekonomiya, ang Core PCE Price Index ay nangangahulugan na ang ilang istatistiko ang iniiwan sa dapat isama sa normal na tagapagpahiwatig. Sa gayong kaso, binubukod ng Core PCE ang Pagkain at Enerhiya sapagkat ang pagbabago-bago ng buwanang pagbili nito ay maaaring makapanggulo sa mga sumasailalim na trend para sa konsyumer. Tila pinapaboran ng Federal Reserve ang tagapagpahiwatig na ito para sa malinaw na pananaw nito ukol sa inflation ng konsyumer. Ito ang dahilan kung bakit sinusubaybayan ng mga mangangalakal ang Core PCE ng masugid.
Magsasagawa ng pagdinig ang Committee on Ways and Means ng mababang kapulungan ng Estados Unidos upang siyasatin ang posibleng ebidensya ng potensyal na manipulasyon ng pananalapi gaya ng nakikita sa mga bansang nasa lalawigan ng Asya. Kikilatisin ang Tsina at Japan. Matapos nito, magmumungkahi ang komite kung dapat bang umaksyon ang Estados Unidos o hindi, at kung ano ang pinakawastong solusyon.
Ang Durable Goods Orders ay isang sukat ng kabuuang halaga ng mga purchase order na isinagawa sa pamamagitan ng mga manufacturer ng mga produktong may taglay na shelf life na mahigit tatlong taon, hal. Mga sasakyan at mga pyesa ito, mga eroplano at kinauukulang pyesa nito, mga kompyuter, atbp. Masugid na sinusundan ng mga mangangalakal ang tagapagpahiwatig na ito dahil sa masasabi nito tungkol sa kinabukasan ng isang ekonomiya. Kapag ang kabuuang halaga ng mga purchase order ay mas mataas sa nakalipas na mga buwan, maaaring asahan na mapipisil ang mga manufacturer upang ipatupad ang mga nakabinbin na mga order. Dahil dito, ang empleyo ay maaasahang tataas. Kapag ang productivity at empleyo ay inaasahang tataas bilang direktang resulta ng mas maraming purchase order, maaaring makaranas ang mga napaparating na buwan ng mas mataas na GDP (Gross Domestic Product).
Ang ECI ay daglat na nangangahulugang Employment Cost Index. Ito ay isang sukat ng mga inflation rate na matatagpuan sa loob ng mga sahod, kita, at benepisyong ibinabayad sa mga empleyadong hindi panggobyerno. Ang pagtaas sa mga inflation rates ng sahod ay positibo para sa pananalapi ng isang bansa. Ito ay dahil ang inflation sa sahod ay direktang maiuugnay sa inflation ng konsyumer. Kapag pwersado ang mga tagapagbigay ng empleyo ng mas matataas na sahod, tiyak na itataas din ang ang mga presyong makikita ng mga konsyumer upang makabawi dito. Mamatyagan ng mga mangangalakal ang inflation sa sahod bilang paraan upang tiyakin ang napaparating na inflation ng konsyumer, na tiyak na makakaapekto sa GDP (o Gross Domestic Product).
Bawat buwan, naglalathala ang National Association of Realtors ng ulat na sumusukat sa bilang ng mga tirahang naibenta sa nakalipas na buwan. Ang Pagbenta ng Umiiral na Tirahan at Pagbenta ng Bagong Tirahan ay magkasamang umani ng mas mahigit na respeto mula sa mga mangangalakal magmula sa simula ng 2007, kung kailan sumailalim sa mas malalim na pagsisiyasat ang tinatawag na sub-prime lending sa Estados Unidos.
Ang ulat na ito ay isang tatluhang-buwang pananaw sa Gross Domestic Product, samantalang susundan ito ng mga pagwawasto sa susunod na dalawang buwan. Itinuturing ng karamihan ang Gross Domestic Product bilang siyang pinaka-pangmalawakan at pinakalubos na sukat ng pangkalahatang katayuan ng ekonomiya ng isang bansa. Sinusukat nito ang suma ng lahat ng halagang pamilihan sa mga pinal na paninda at serbisyong ginagawa sa isang bansa (domestiko) sa loob ng isang naturang panahon. Isang pataas na trend na nakikita sa GDP ng isang bansa ay tiyak na nagpapahiwatig na ang ekonomiya ng naturang bansa ay bumubuti; dahil dito, mas nahihikayat ang mga dayuhang namumuhunan na maghanap ng mga pagkakataong mamumuhunan sa loob ng mga pamilihan ng sapi at bond ng mga bansang iyon. Hindi madalang makita ang susunod na mga pagtaas ng interest rate patungo sa papataas na GDP, dahil tataas ang taglay na kumpyansa ng mga bangko sentral sa kanilang sariling mga lumalagong mga ekonomiya. Ang kombinasyon ng papataas na GDP at ang potensyal na pagtaas ng mga interest rate ay maaaring magdulot sa pagtaas ng pangangailangan para sa pananalapi ng bansang iyon sa pandaigdigang sukat. Kinakalkula at inuulat ang GDP sa tatlong-buwanang pamamaraan bilang bahagi ng mga National Income and Product Accounts (NIPAs). Inilikha at pinananatili ang mga NIPA ngayon ng Bureau of Economic Analysis (BEA) ng Commerce Department. Ang mga NIPA ang pinaka-komprehensibong kombinasyon ng datos na mahahagilap tungkol sa pambansang output, paggawa, at pagpapamahagi ng sahod sa Estados Unidos. Ang bawat ulat ng GDP ay naglalaman ng sumusunod:
Bukod sa pangkaraniwang halaga GDP (Gross Domestic Product), inilalathala din ng pamahalaan ang mga pampababa ng GDP. Ang ulat na tinatawag na GDP Deflator report ay nilalathala ang pagkakaiba sa pagitan ng nominal at aktwal na GDP. Sinusukat din ng ulat ang taunang inflation rate tuwing kwarter bilang angkop para sa lahat ng aktibidad na pang-ekonomiya.
Ang Federal Open Market Committee o FOMC, na nagsisilbi bilang ahensiyang tagapagpangasiwa ng bangko sentral ng Estados Unidos, ay naglalathala ng Interest Rate Statement walong beses kada taon. Tila ang sentro ng lahat ng mga tagapagpahiwatig na may kaugnayan sa ekonomiya ay silang mga may kaugnayan sa mga pagpapasya ukol sa interest rate. Sa katunayan, karamihan ang magsasabi na ang ibang mga tagapagpahiwatig ng ekonomiya ginagamit ng karaniwang mangangalakal bilang pamamaraan lamang upang masundan ang mga paparating na pagbabago sa mga interest rate. Ang karamihan ng nilalaman ng statement ay kinabibilangan ng pagpapaliwanag ukol sa iba't ibang mga kadahilanang pang-ekonomiya na nakaimpluwensiya sa pagbabago sa mga rate (o ang kawalan nito) para sa pang-maiksiang interest rate, na siya ring tinatawag bilang "fed funds rate". Kinabibilangan din ng ulat ang mga pananaw sa kung ano ang maaaring maging susunod na pagpapasya ukol sa interest rate. Ang mga short-term na interest rate ay sukdulan ang halaga para sa mga trader sa anumang mga pangunahing merkadong pinansyal. Ito ay dahil sa nakakaakit ang mga matataas na interest rate sa mga dayuhang mamumuhunan na sinisikap makamit ang pinakamalaking kita kapalit ng pinakamababang panganib. Pangunahing gawain ng mga bangko sentral ang subaybayan ang katatagan ng presyo. Kung patuloy ang pagtaas ng mga inflation rate, posibleng itaas ang mga ito upang sikapin ibaba ang mga presyo. Ang mga tumataas na interest rate ay tila nakakapang-akit sa pagdaloy ng dayuhang pamumuhunan sa buong mundo, na siya namang magdudulot ng pagtaas ng pangangailangan at ang katayuan ng pananalapi ng isang bansa sa pangkalawakang sukat. Nauunawaan ng mga batikang ekonomista ang ugnayan sa pagitan ng inflation at ng mga interest rate, na ang inflation ay tila nauunang maganap bago ang mas mataas na mga interest rate, na sa pangkalahatan ay nakakapagpataas ng pandaigdigang pangangailangan sa pananalapi ng isang bansa.
Ang ISM Manufacturing Index ay isang buwanang ulat na ipinalalathala ng Institute of Supply Management na sinusubaybayan ang halaga ng aktibidad ng pagpapagawa na nangyari sa nakalipas na buwan. Ang mga halaga para sa index ay mula 0 at 100. Kung ang index ay may taglay na halagang mas mababa sa 50 dahil sa pagkabawas ng aktibidad, tila nagpapahiwatig ito ng pagbagal sa pagkilos ng ekonomiya, lalo na kung magpatuloy ang trend sa haba ng ilang buwan. Ang halaga na mahigit sa 50 ay nagpapahiwatig ng panahon ng paglalago ng ekonomiya.
Ang tagapagpahiwatig na ito sa larangan ng paggawa, na isinasagawa ng Institute of Supply Management, ay resulta ng pag-sarbey ng 400 na kompanya sa pagtangkang sukatin ang inflation ng presyo na natatagpuan sa loob ng sektor ng pagpapagawa. Tinatanong ang mga kompanya kung nagkaroon ba ng paglaki sa mga presyo ng materyales at mga serbisyo o ang kabaliktaran nito.
Ang kahulugan ng ISM ay ang Institute of Supply Management. Ang bahagi ng Non-Manufacturing Index ng kurso ay nakatuon sa bahagi ng sektor ng mga serbisyo na hindi kaugnay sa paggawa. Sa Estados Unidos, ang Manufacturing Index na ito kung tawagin ay tila masugid na sinusubaybayan ng mga mangangalakal sa bawat nangungunang pamilihang pinansyal. Bago ilathala ang ulat, sinu-survey muna ang mga purchasing manager ukol sa kasalukuyang sitwasyon ng mga kadahilanang kaugnay sa ekonomiya na angkop sa kanilang posisyon; ang mga kadahilanan tulad ng mga bagong order, imbentaryo, pagpapagawa, empleyo, atbp. Kaugalian ng mga trader na subaybayan ang tagapagpahiwatig na ito sapagkat kaugalian nitong magbigay ng datos (pangunahing tagapagpahiwatig) na ipalalathala. Ito ay dahil taglay ng mga purchasing manager ang maagang pananaw sa pagkilos ng kanilang kompanya. Gumagamit ang tagapagpahiwatig na ito ng reading ng 50 upang sukatin ang paglago o ang kawalan nito. Ang sukat na mahigit 50 ay nagpapahiwatig ng paglago sa larangan ng ekonomiya.
Inuulat ng Pagbenta ng Bagong Tirahan ang bilang ng mga bago at pribadong tirahan na naibenta o ipinagbili sa isang takdang panahon (karaniwang inuulat isang beses bawat buwan). Binigyang pansin ng mga ekonomista ang kaugnayan sa pagitan ng pagbabago ng mga mortagage rate at ang bilang ng mga pagbenta ng bagong tirahan; samakatuwid, ang obserbasyon na tila kaugalian ng mga pagbenta ng bagong tirahan ay mabagal sumunod sa likod ng mga pagbabagong ipinapatupad sa mga mortgage rate. Sinusukat din ang bilang ng mga bahay na binebenta kaugnay sa mga kasalukuyang presyo ng bentahan; ang mga bilang na ito ay klarong makakaapekto sa pagsimula sa pabahay. Dahil ang ulat ng bentahan ng bagong tirahan ay kadalasang sumasailalim sa malawakang pagsasaayos, kadalasan din ituring ang mga buwanang numero bilang hindi maaasahang katiyakan. Dahil dito, ang potensyal na epekto ng tagapagpahiwatig na ito ay tila hindi magkakapare-pareho; sa halip, kaugalian ng mga mangangalakal na mas bigyang timbang ang umiiral na ulat ng bentahan ng mga tirahan na ipinalalabas sa mas maagang dako ng buwan.
Isang sukat ng kabuuang bilang ng mga bagong trabahong nailikha sa Estados Unidos na walang kaugnayan sa pagsasaka para sa nakalipas na buwan. Marahil ito ang pinakamahalaga sa lahat ng mga tagapagpahiwatig ng ekonomiya dahil sa potensyal nito para sa agarang epekto sa pamilihan ng pananalapi. Malawak ang taglay na impluwensiya ng tinatawag na Nonfarm Employment Change (na tinatawag din bilang Nonfarm Payroll Report) dahil sa mga implikasyong taglay nito ukol sa lakas, o marahil ang pagkahina ng ekonomiya ng Estados Unidos. Ang bilang ng mga bagong trabahong inilikha ay malapit ang kaugnayan sa paggastos ng konsyumer, na siya namang umiimpluwensiya sa GDP (Gross Domestic Product). Ipinalalabas ang tagapagpahiwatig na ito tuwing unang Biyernes ng bawat buwan at nagtataglay ito ng datos para sa nakalipas na buwan. Ito ang kauna-unahang ulat (na kaugnay sa mga istatistika) kada buwan at madalas ituring bilang tagapagpahiwatig na nagtataglay ng minsa'y nakakagulat na bilang ay karaniwang inaasahan. Minamatyagan ng bawat trader ng bawat malaking merkadong pinanasyal at kadalasan ay napipilitang isaayos ang kanilang mga estratehiya sa pangangalakal dahil sa agarang epektong taglay nito sa merkado.
Tinitingnan ng tagapagpahiwatig na ito ang paglago ng sektor na di-pang pagsasaka bawat kwarter (ginawang taunan). Samakatuwid, sinusuri dito ang husay ng pagkilos ng sektor ng manggagawa para sa paglikha ng mga bilihan at serbisyo. Masugid na sinusubaybayan ng mga mangangalakal ang ulat na ito sapagkat kaugalian nitong magbigay ng sulyap sa potensyal para sa inflation dahil maaaring mapwersahan ang mga tagagawa na magtaas ng mga presyo.
Simpleng sukat ng kabuuang halaga ng gastusin ng mga konsyumer sa isang takdang panahon (buwan) para sa mga bilihin at serbisyo ang tinatawag na personal na gastusin. Dahil malawak ang taglay na mga implikasyon sa paggastos ng konsyumer, at dahil kumakatawan ito para sa mahigit sa kalahati ng GDP (Gross Domestic Product), ang pagtaas ng trend sa tagapagpahiwatig na ito ay dapat may positibong epekto sa pananalapi ng isang bansa.
Ang rate ng pagkawala ng trabaho, gaya ng maaaring isipin ng iba, ay ang sumusukat sa pangkalahatang bilang ng mga Amerikanong walang trabaho at sa kasalukuyan ay naghahanap ng empleyo. Dahil ang paggastos ng mga konsumer ay isang napakalaking bahagi ng kalusugan ng ekonomiya, at silang mga may trabaho ay may kaugaliang gumastos ng mas mahigit kaysa sa mga walang trabaho. Magkakaroon ng positibong epekto sa pangkalahatang lakas ng ekonomiya ng isang bansa ang downtrend na makikita sa tagapagpahiwatig na ito. Ang Ulat ng Kawalang ng Trabaho ay tinuturing ng mga mangangalakal bilang isang napapaso nang tagapagpahiwatig, na nangangahulugang kakaunti lamang ang halaga nito pagdating sa mga hula para sa hinaharap. Gayundin, ang tagapagpahiwatig na ito ay hindi gayung kakilala tulad ng iminumungkahi ng pangalan nito.
Ang tapagpahiwatig na ito ay isang sukat na kinakalkula ang output bawat oras menos ang inflation, o sa madaling salita, ang kaugnayan sa pagitan ng productivity bawat oras at sahod bawat oras. Talagang makakapagpataas ng gastusin sa yunit ng labor ang pagtaas sa orasang kita; ang tanging paraan lamang upang matabla ang gastusing ito ay ang pagpapatupad ng mas mataas na productivity ng labor bawat oras. Ang mas matataas na trend na nakikita sa tagapagpahiwatig na ito ay dapat positibong makaapekto sa ekonomiya ng isang bansa at sa gayon, sa kanilang pananalapi. Ito ay dahil kapag ang mga kompanya ay pwersadong magbayad ng mahigit para sa paggawa (inflation ng sahod), makakakita ang mga konsyumer ng gayunding paglaki sa gastos (inflation ng konsyumer), na siya namang makakaapekto sa Gross Domestic Product, mga interest rate, atbp.
Naglo-load ang pinakahuling pagsusuri...
Contact us |
[email protected] |
+44-203 097 85 71 |
Live Support |
Pakipunan ang form para simulan ang pag-chat.
Live chat is not available at the moment please try again later
Patakaran sa Pagkapribado | Legal na Dokumentasyon | Mga Cookie
Ligal: Ang HF Markets (SV) Ltd ay inkorporada sa St. Vincent & the Grenadines bilang isang International Business Company na may numero ng rehistrong 22747 IBC 2015.
Ang website na ito ay pinatatakbo at ay pinatatakbo at nagbibigay ng nilalaman sa pamamagitan ng HF Markets Group of companies, na kinabibilangan ng:
Babala sa Panganib: Ang pangangalakal ng mga Produktong Leveraged ay hindi angkop para sa lahat ng mga namumuhunan dahil ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng panganib sa iyong kapital. Mangyaring tiyakin na lubos mong nauunawaan ang mga sangkot na panganib, na isinasangalang-alang ang mga layunin ng iyong pamumuhunan at antas ng karanasan bago mangalakal, at kung kinakailangan, maghanap ng independiyenteng payo. Mangyaring basahin ang kabuuang Pagsisiwalat ng Panganib.
Ang HFM ay hindi nag-aalok ng mga serbisyo sa mga residente ng mga tukoy na hurisdiksyon, kabilang ang Estados Unidos, Canada, Sudan, Syria, Iran, North Korea, at iba pa.
We have detected that you are visiting our website from the United States
Please be advised that we do not offer any of our services to U.S. citizens or residents.
You may continue navigating our website if YOU ARE NOT a U.S. citizen or resident, otherwise, you may leave this site.