Itinuturing ng karamihan ang Gross Domestic Product bilang siyang pinaka-pangmalawakan at pinakalubos na sukat ng pangkalahatang katayuan ng ekonomiya ng isang bansa. Sinusukat nito ang suma ng lahat ng halagang pamilihan sa mga pinal na paninda at serbisyong ginagawa sa isang bansa (domestiko) sa loob ng isang naturang panahon. Isang pataas na trend na nakikita sa GDP ng isang bansa ay tiyak na nagpapahiwatig na ang ekonomiya ng naturang bansa ay bumubuti; dahil dito, mas nahihikayat ang mga dayuhang namumuhunan na maghanap ng mga pagkakataong mamumuhunan sa loob ng mga pamilihan ng sapi at bond ng mga bansang iyon. Hindi madalang makita ang susunod na mga pagtaas ng interest rate patungo sa papataas na GDP, dahil tataas ang taglay na kumpyansa ng mga bangko sentral sa kanilang sariling mga lumalagong mga ekonomiya. Ang kombinasyon ng papataas na GDP at ang potensyal na pagtaas ng mga interest rate ay maaaring magdulot sa pagtaas ng pangangailangan para sa pananalapi ng bansang iyon sa pandaigdigang sukat.
Ang Pagbabago sa Empleyong Hindi Kaugnay sa Pagsasaka ay sukat ng bilang ng bagong trabahong nailikha sa nakalipas na kwarter (na binubukod ang empleyong hindi kaugnay ng pagsasaka). Ang bilang ng mga bagong trabaho sa isang ekonomiya ay labis na impluwensiyal sa lakas ng pananalapi ng bansang iyon; sapagkat ang bilang ng mga bagong trabaho ay direktang nakakaapekto sa paggastos ng konsyumer. Ang paggastos ng konsyumer ay kumakatawan sa halos kalahati ng Gross Domestic Product. Ang GDP ay ang isa sa pinakamahalagang tagapagpahiwatig para sa ekonomiya sa larangan ng pagpapalago ng ekonomiya at ang halaga ng pananalapi ng isang bansa.
Nangangahulugan ang CPI para sa Consumer Price Index o Index ng Mga Presyong Pang-Konsyumer, isang pundamental na tagapagpahiwatig na tinatatag ang rate ng inflation ng presyo o pagtaas nito gaya ng nakikita ng mga konsyumer tuwing bumibili ng bilihin at serbisyo. Ang Core CPI na inilalathala ng gobyernong Britaniko ay binubukod ang enerhiya, pagkain, tabako, at alak mula sa datos na kinakalap sapagkat ang mga ito ay tinuturing bilang nagtataglay ng pabago-bagong presyo at dahil dito, maaari nitong ilihis ang pangkalahatang trend sa inflation. Dahil sa pagbubukod ng mga produktong pabago-bago ang presyo gaya ng pagkain at ng enerhiya, ang Core CPI ay nagpapalitaw ng mas banayad na trend kaysa sa pangkaraniwang CPI. Ang Consumer Price Index ay ipinagmamalaki bilang napapanahon at detalyadong tagpagpahiwatig ng inflation. Karaniwang ipinagpapalagay na ang pagtaas ng trend sa CPI ay magdudulot ng positibong epekto sa pananalapi ng isang bansa. Pangunahing gawain ng mga bangko sentral ang subaybayan ang katatagan ng presyo. Kung patuloy ang pagtaas ng inflation rate, posibleng itaas ang interest rate upang sikapin ibaba ang mga presyo. Ang mga tumataas na interest rate ay tila nakakapang-akit sa pagdaloy ng dayuhang pamumuhunan sa buong mundo, na siya namang magdudulot ng pagtaas ng pangangailangan at ang katayuan ng pananalapi ng isang bansa sa pangkalawakang sukat. Tanyag na pundamental na tagapagpahiwatig ang CPI at mataas ang reputasyon nito sa usapin ng potensyal na epekto nito sa pamilihan.
Itinuturing ng karamihan ang Gross Domestic Product bilang siyang pinaka-pangmalawakan at pinakalubos na sukat ng pangkalahatang katayuan ng ekonomiya ng isang bansa. Sinusukat nito ang suma ng lahat ng halagang pamilihan sa mga pinal na paninda at serbisyong ginagawa sa isang bansa (domestiko) sa loob ng isang naturang panahon. Isang pataas na trend na nakikita sa GDP ng isang bansa ay tiyak na nagpapahiwatig na ang ekonomiya ng naturang bansa ay bumubuti; dahil dito, mas nahihikayat ang mga dayuhang namumuhunan na maghanap ng mga pagkakataong mamumuhunan sa loob ng mga pamilihan ng sapi at bond ng mga bansang iyon. Hindi madalang makita ang susunod na mga pagtaas ng interest rate patungo sa papataas na GDP, dahil tataas ang taglay na kumpyansa ng mga bangko sentral sa kanilang sariling mga lumalagong mga ekonomiya. Ang kombinasyon ng papataas na GDP at ang potensyal na pagtaas ng mga interest rate ay maaaring magdulot sa pagtaas ng pangangailangan para sa pananalapi ng bansang iyon sa pandaigdigang sukat.
Ang IFo (Information and Forschung) Business Climate Index ay sinusuri ang mga kompanyang sangkot sa pagpapagawa, pagpapalaganap, pagbenta, at konstruksyon sa pagsisikap nitong sukatin ang kumpyansa sa ekonomiya sa napaparating na mga buwan. Mahigit 7,000 na kompanya ang nakikilahok sa survey na naging mahalagang pahiwatig ng kumpyansa o ang kawalan nito sa ekonomiyang Aleman.
Ang produksyong pang-industriya ay sukat ng kabuuang halaga ng mga produktong ginawa ng mga pabrika at iba pang mga pabrikang pamproduksyong industriyal sa pananalaping dolyar. Ang mataas na antas ng produksyon ay mangangahulugan ng isang sumisiglang ekonomiya. Samakatuwid, ang isang pataas na trend sa tagapagpahiwatig na ito ay dapat positibong makaapekto sa posisyon ng pananalapi ng isang bansa. Magkalapit ang kaugnayan sa pagitan ng produksyong pang-industriya at pansariling sahod, empleyo sa sangay ng pagpapagawa, at karaniwang kita na sa mabilis na reaksyon nito sa siklo ng negosyo ay madalas nagpapahintulot ng agahang pananaw sa mga nasabing tagapagpahiwatig.
Ang kahulugan ng PMI ay ang Purchasing Managers Index. Bago isapubliko ang ulat, sinusurvey ang mga purchasing manager sa lalawigan tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang posisyon, mga aspeto tulad ng mga bagong order, imbentaryo, produksyon, empleyo, atbp. Kaugalian ng mga trader na subaybayan ang tagapagpahiwatig na ito sapagkat kaugalian nitong magbigay ng datos (pangunahing tagapagpahiwatig) na ipalalathala. Ito ay dahil taglay ng mga purchasing manager ang maagang pananaw sa pagkilos ng kanilang kompanya. Gumagamit ang tagapagpahiwatig na ito ng reading ng 50 upang sukatin ang paglago o ang kawalan nito. Ang sukat na mahigit 50 ay nagpapahiwatig ng paglago sa larangan ng ekonomiya.
Ang kahulugan ng ZEW ay Zentrum fur Europaische Wirtschaftsforschung; para sa mga hindi nagsasalita ng wikang Aleman, ito ay marahil walang kabuluhang katotohanan. Gayundin, ang ZEW Economic Sentiment ay sumusulyap sa sentimiyento ng mga namumuhunan sa institusyonal na antas. Ang mga nakikilahok sa pagkalap ng datos ay sinasabi kung sila ay nararamdaman ang pagkabahala tungkol sa estado ng kanilang mga pamumuhunan at ang kalusugan ng ekonomiya sa napaparating na anim na buwan. Kinukumpara ng tagapagpahiwatig na ito ang porsyento ng mga namumuhunan na nakakaramdam ng pagkapositibo sa ekonomiya kumpara sa mga nakakaramdam ng pagkanegatibo. Isinasaalang-alang din nito ang bilang ng walang inaasahang pagbabago. Kung 40% ng mga namumuhunan ang positibo tungkol sa ekonomiya at 30% ay nakakaramdam ng pagbagsak nito, at ang nalalabing 30% ay walang inaasahang pagbabago, ang bilang nito ay +10. Ang sentimiyento ng mga namumuhunan, lalo na ang mga namumuhunan sa institusyonal na antas, ay maaaring malawak ang epekto sa pangkalahatang sentimiyento ng ekonomiya, samakatuwid, ang isang positibong trend sa tagapagpahiwatig na ito ay dapat positibong makaapekto sa ekonomiya.
Simpleng sukat ang mga Bagong Order na Pang-Industriya ng bilang ng mga bagong purchase order na nakikita ng mga
Naglalathala ang Konsehong Namamahala ng Bangko Sentral ng Europa (ECB) ng buwanang Interest Rate Statement. Tila ang sentro ng lahat ng mga tagapagpahiwatig na may kaugnayan sa ekonomiya ay silang mga may kaugnayan sa mga pagpapasya ukol sa interest rate. Sa katunayan, karamihan ang magsasabi na ang ibang mga tagapagpahiwatig ng ekonomiya ginagamit ng karaniwang mangangalakal bilang pamamaraan lamang upang masundan ang mga paparating na pagbabago sa mga interest rate. Ang karamihan ng nilalaman ng statement ay kinabibilangan ng pagpapaliwanag ukol sa iba't ibang mga kadahilanang pang-ekonomiya na nakaimpluwensiya sa pagbabago sa mga rate (o ang kawalan nito) para sa pang-maiksiang interest rate, na siya ring tinatawag bilang "cash rate". Kinabibilangan din ng ulat ang mga pananaw sa kung ano ang maaaring maging susunod na pagpapasya ukol sa interest rate. Ang mga short-term na interest rate ay sukdulan ang halaga para sa mga trader sa anumang mga pangunahing merkadong pinansyal. Ito ay dahil sa nakakaakit ang mga matataas na interest rate sa mga dayuhang mamumuhunan na sinisikap makamit ang pinakamalaking kita kapalit ng pinakamababang panganib. Pangunahing gawain ng mga bangko sentral ang subaybayan ang katatagan ng presyo. Kung patuloy ang pagtaas ng mga inflation rate, posibleng itaas ang mga ito upang sikapin ibaba ang mga presyo. Ang mga tumataas na interest rate ay tila nakakapang-akit sa pagdaloy ng dayuhang pamumuhunan sa buong mundo, na siya namang magdudulot ng pagtaas ng pangangailangan at ang katayuan ng pananalapi ng isang bansa sa pangkalawakang sukat. Nauunawaan ng mga batikang ekonomista ang ugnayan sa pagitan ng inflation at ng mga interest rate, na ang inflation ay tila nauunang maganap bago ang mas mataas na mga interest rate, na sa pangkalahatan ay nakakapagpataas ng pandaigdigang pangangailangan sa pananalapi ng isang bansa.
Contact us |
[email protected] |
+44-203 097 85 71 |
Live Support |
Pakipunan ang form para simulan ang pag-chat.
Live chat is not available at the moment please try again later
Patakaran sa Pagkapribado | Legal na Dokumentasyon | Mga Cookie
Ligal: Ang HF Markets (SV) Ltd ay inkorporada sa St. Vincent & the Grenadines bilang isang International Business Company na may numero ng rehistrong 22747 IBC 2015.
Ang website na ito ay pinatatakbo at ay pinatatakbo at nagbibigay ng nilalaman sa pamamagitan ng HF Markets Group of companies, na kinabibilangan ng:
Babala sa Panganib: Ang pangangalakal ng mga Produktong Leveraged ay hindi angkop para sa lahat ng mga namumuhunan dahil ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng panganib sa iyong kapital. Mangyaring tiyakin na lubos mong nauunawaan ang mga sangkot na panganib, na isinasangalang-alang ang mga layunin ng iyong pamumuhunan at antas ng karanasan bago mangalakal, at kung kinakailangan, maghanap ng independiyenteng payo. Mangyaring basahin ang kabuuang Pagsisiwalat ng Panganib.
Ang HFM ay hindi nag-aalok ng mga serbisyo sa mga residente ng mga tukoy na hurisdiksyon, kabilang ang Estados Unidos, Canada, Sudan, Syria, Iran, North Korea, at iba pa.
We have detected that you are visiting our website from the United States
Please be advised that we do not offer any of our services to U.S. citizens or residents.
You may continue navigating our website if YOU ARE NOT a U.S. citizen or resident, otherwise, you may leave this site.