Ang tagapagpahiwatig ng konsumo ay sukat ng kabuuang gastos ng mga konsyumer sa mga bilihin at serbisyo sa anumang ibinigay na panahon. Karaniwang pinalalabas ang tagapagpahiwatig na ito 3 buwan bago ang aktwal o opisyal na istatistiko ay isinapubliko.
Nangangahulugan ang CPI para sa Consumer Price Index o Index ng Mga Presyong Pang-Konsyumer, isang pundamental na tagapagpahiwatig na tinatatag ang rate ng inflation ng presyo o pagtaas nito gaya ng nakikita ng mga konsyumer tuwing bumibili ng bilihin at serbisyo. Ang Core CPI na inilalathala ng gobyernong Britaniko ay binubukod ang enerhiya, pagkain, tabako, at alak mula sa datos na kinakalap sapagkat ang mga ito ay tinuturing bilang nagtataglay ng pabago-bagong presyo at dahil dito, maaari nitong ilihis ang pangkalahatang trend sa inflation. Dahil sa pagbubukod ng mga produktong pabago-bago ang presyo gaya ng pagkain at ng enerhiya, ang Core CPI ay nagpapalitaw ng mas banayad na trend kaysa sa pangkaraniwang CPI. Ang Consumer Price Index ay ipinagmamalaki bilang napapanahon at detalyadong tagpagpahiwatig ng inflation. Karaniwang ipinagpapalagay na ang pagtaas ng trend sa CPI ay magdudulot ng positibong epekto sa pananalapi ng isang bansa. Pangunahing gawain ng mga bangko sentral ang subaybayan ang katatagan ng presyo. Kung patuloy ang pagtaas ng inflation rate, posibleng itaas ang interest rate upang sikapin ibaba ang mga presyo. Ang mga tumataas na interest rate ay tila nakakapang-akit sa pagdaloy ng dayuhang pamumuhunan sa buong mundo, na siya namang magdudulot ng pagtaas ng pangangailangan at ang katayuan ng pananalapi ng isang bansa sa pangkalawakang sukat. Tanyag na pundamental na tagapagpahiwatig ang CPI at mataas ang reputasyon nito sa usapin ng potensyal na epekto nito sa pamilihan.
Sinusukat ng Antas ng empleo ang kabuuang bilang ng mga full-time at part-time na trabahador na empleyado noong nakaraang kwarter. At dahil napakalapit ng ugnayan sa pagitan ng paggastos ng konsyumer sa bilang ng mga nililikhang trabaho, ang tagapagpahiwatig na Antas ng Empleo ay masugid na sinusubaybayan ng mga mangangalakal at ekonomista na nauunawaan ang malapit na kaugnayan nito sa GDP (Gross Domestic Product). Nangangahulugan ang mga positibong trend sa tagapagpahiwatig na ito ang isang lumalakas na ekonomiya.
Itinuturing ng karamihan ang Gross Domestic Product bilang siyang pinaka-pangmalawakan at pinakalubos na sukat ng pangkalahatang katayuan ng ekonomiya ng isang bansa. Sinusukat nito ang suma ng lahat ng halagang pamilihan sa mga pinal na paninda at serbisyong ginagawa sa isang bansa (domestiko) sa loob ng isang naturang panahon. Isang pataas na trend na nakikita sa GDP ng isang bansa ay tiyak na nagpapahiwatig na ang ekonomiya ng naturang bansa ay bumubuti; dahil dito, mas nahihikayat ang mga dayuhang namumuhunan na maghanap ng mga pagkakataong mamumuhunan sa loob ng mga pamilihan ng sapi at bond ng mga bansang iyon. Hindi madalang makita ang susunod na mga pagtaas ng interest rate patungo sa papataas na GDP, dahil tataas ang taglay na kumpyansa ng mga bangko sentral sa kanilang sariling mga lumalagong mga ekonomiya. Ang kombinasyon ng papataas na GDP at ang potensyal na pagtaas ng mga interest rate ay maaaring magdulot sa pagtaas ng pangangailangan para sa pananalapi ng bansang iyon sa pandaigdigang sukat.
Buwanang inilalathala ng Swiss Institute for Business Cycle Research (KOF) ang tagapagpahiwatig na ito. Pinagsasama-sama nito ang datos mula sa 25 na nangungunang tagapagpahiwatig upang tiyakin ang pangkalahatang kalusugan ng ekonomiya. Kasama sa ilan sa mga tagapagpahiwatig ang mga presyo ng sapi, mga spread ng interest rate, mga inaasahan ng konsyumer, simula ng pabahay, atbp.
Ang kahulugan ng PPI ay Producer Price Index o Index ng mga Presyo ng Tagagawa. Ito ay isang pundamental na tagapagpahiwatig na nagtatatag ng rate ng inflation, o sa madaling salita, ang rate ng mga pagbabago sa presyong nakikita ng mga manufacturer na dapat bumili ng mga bilihan at serbisyo. Ang Producer Price Index ay ipinagmamalaki bilang napapanahon at detalyadong tagpagpahiwatig ng inflation. Karaniwang ipinagpapalagay na ang pagtaas ng trend sa PPI ay magdudulot ng positibong epekto sa pananalapi ng isang bansa. Kapag pwersado ang mga manufacturer na magbayad ng mas matataas na presyo para sa mga bilihan at serbisyo na kailangan nila, ang mas matataas na presyong ito ay gayunding makikita ng mga konsyumer. Dahil dito, tinuturing ang PPI bilang indikasyon ng inflation para sa konsyumer. Ang potensyal na epekto ng PPI sa pamilihan ay inirerespeto ng mga mangangalakal, ngunit hindi ito karaniwang iniisip bilang may taglay na malaking gampanin kaysa sa pinsan nito na tinatawag na Consumer Price Index (CPI), na kadalasang ipinapalabas ilang sandali matapos ang PPI.
Ang retail sales o bentang retail ay sukat ng kabuuang halaga ng mga retail sales sa isang naturang panahon. Dahil ang malaking bahagi ng gastusing pang-konsyumer ay kabilang sa tagapagpahiwatig na ito at dahil ang tagapagpahiwatig na ito ay karaniwang nauunang mag-ulat ng halagang kaugnay sa paggastos ng konsyumer sa buwan, masugid na sinusubaybayan ng mga trader ang tagapagpahiwatig na ito. Binibigyan ng retail sales ang mga mangangalakal ng magandang punto de bista tungkol sa sitwasyon ng paggastos ng mga konsyumer, na tiyak na magiging bahagi ng halos kalahati ng GDP (Gross Domestic Product). Sa madaling salita, sinusubaybayan ng mga trader ang retail sales dahil sa pananaw na ipinapamahagi nito tungkol sa kaugalian ng paggastos ng mga konsyumer, na siya namang mahalaga dahil sa kaugnayan nito sa GDP. Ang mga pataas na trend na matatagpuan sa loob ng tagapagpahiwatig na ito ay dapat positibong makaapekto sa pananalapi ng isang bansa.
Nangangahulugan ang SVME para sa Schweizerischer Verband fur Materialwirtschaft und Einkauf, samantalang ang kahulugan ng PMI ay Purchasing Managers Index o Index ng mga Purchasing Manager. Bago ilathala ang ulat, sumasailalim ang mga purchasing manager o tagapangasiwa ng bilihin ukol sa kasalukuyang sitwasyon ng mga aspetong may kaugnayan sa ekonomiya tulad ng mga bagong order, imbentaryo, paggawa, empleyo, atbp. Kaugalian ng mga mangangalakal subaybayan ang tagapagpahiwatig na ito sapagkat nagbubunga ito (bilang pangunahing tagapagpahiwatig) ng datos na ilalabas sa ibang panahon. Ito ay dahil mayroong maagang pananaw ang mga tagapangasiwa ng bilihin ukol sa pagkilos ng kanilang kompanya. Gumagamit ang tagapagpahiwatig na ito ng reading ng 50 upang sukatin ang paglago o ang kawalan nito. Ang sukat na mahigit 50 ay nagpapahiwatig ng paglago sa larangan ng ekonomiya.
Kinukumpara ng trade balance o balanse ng kalakal ang halaga ng mga inangkat na bilihan at serbisyo sa halaga ng mga inexport na bilihin at serbisyo ng isang natuang ekonomiya. Sa usapin ng ekonomiya, nasa pinakamabuting kapakanan ng isang ekonomiya na mag-export ng mas maraming bilihan at serbisyo kaysa sa mag-angkat nito. Ang pagtaas ng bilang ng mga export ay nangangahulugan ng pagtaas sa pangangailangan ng pananalapi ng naturang bansa, sapagkat mapipilitang makipagpalit ang iba’t ibang bansa ng pananalapi upang bilhin ang nasabing mga export. Malaki rin ang epekto ng balanse ng kalakal sa GDP (Gross Domestic Product), sapagkat ang pagtaas sa pangangailangan ng mga export ay magdudulot ng pagdami ng gawain ng mga pambansang pabrika, at sa gayon, pataasin ang antas ng empleyo.
Naglo-load ang pinakahuling pagsusuri...
Contact us |
[email protected] |
+44-203 097 85 71 |
Live Support |
Pakipunan ang form para simulan ang pag-chat.
Live chat is not available at the moment please try again later
Patakaran sa Pagkapribado | Legal na Dokumentasyon | Mga Cookie
Ligal: Ang HF Markets (SV) Ltd ay inkorporada sa St. Vincent & the Grenadines bilang isang International Business Company na may numero ng rehistrong 22747 IBC 2015.
Ang website na ito ay pinatatakbo at ay pinatatakbo at nagbibigay ng nilalaman sa pamamagitan ng HF Markets Group of companies, na kinabibilangan ng:
Babala sa Panganib: Ang pangangalakal ng mga Produktong Leveraged ay hindi angkop para sa lahat ng mga namumuhunan dahil ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng panganib sa iyong kapital. Mangyaring tiyakin na lubos mong nauunawaan ang mga sangkot na panganib, na isinasangalang-alang ang mga layunin ng iyong pamumuhunan at antas ng karanasan bago mangalakal, at kung kinakailangan, maghanap ng independiyenteng payo. Mangyaring basahin ang kabuuang Pagsisiwalat ng Panganib.
Ang HFM ay hindi nag-aalok ng mga serbisyo sa mga residente ng mga tukoy na hurisdiksyon, kabilang ang Estados Unidos, Canada, Sudan, Syria, Iran, North Korea, at iba pa.
We have detected that you are visiting our website from the United States
Please be advised that we do not offer any of our services to U.S. citizens or residents.
You may continue navigating our website if YOU ARE NOT a U.S. citizen or resident, otherwise, you may leave this site.