Index ng Karaniwang Kita + Bonus q/y

Ang AEI (Average Earnings Index o Index ng Karaniwang Kita) ay sukat ng karaniwang sahod + bonus na binabayaran sa mga empleyado tuwing ikatlong buwan. Kinukumpara ng tagapagpahiwatig na ito ang mga resulta ng bagong kwarter sa nakalipas na kwarter, ngunit sa katumbas na kwarter ng nakalipas na taon.

Inflation Rate ng BOE

(+) Inflation Rate ng BOE. Naglalathala ang Bank of England ng Inflation Rate Statement bawat tatlong-buwanang panahon. Ang layunin ng naturang statement at ang kabilang nitong datos ay balangkasin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagsusuring ekonomiko na gagamitin ng Monetary Policy Committee ng bangko upang tukuyin ang mga potensyal na pagbabago sa mga interest rate. Kasama sa ilalathala ang mga tinatayang bilang sa paparating na dalawang taon at potensyal na mga inflation rate.

Mga Minuto ng Pulong ng BOE

Ang mga minuto ng pulong ng BOE ay isang eksaktong pagsasalaysay ng pulong ng Bank of England na karaniwang ginaganap dalawang linggo bago ito ilathala. Naghahandog ang tekstong ito ng pruweba ng opisyal na pagboto sapagkat tumutukoy ito sa mga pagbabago ng rate ng interes bukod sa iba pang patakarang piskal. Bagaman diretsahan ang nilalaman ng ulat na ito, tinuturing ito bilang mahalagang aspeto ng ekonomiyang Britaniko at ang katatagan ng Pound.

BRC Retail Sales Monitor y/y

Nangangahulugan ang BRC para sa British Retail Consortium. Sa pagsasagawa ng Retail Sales Monitor, naglalathala ng survey ang BRC para sa mga negosyante upang tantiyahin ang pagtaas o pagbaba ng bentang nasaksihan sa kabuuan ng nakalipas na taon. Hindi kabilang ang mga negosyante o retailer na hindi pa nag-iisang taon sa survey na ito. Sinusuri ng tagapagpahiwatig na ito ang taunang mga trend na nasasaksihan sa bentahang retail.

Mga Inaasahang Trade na Distributibo - CBI

Nangangahulugan ang CBI para sa Confederation of British Industry. Sumasailalim sa survey ang mga tagapamahala ukol sa halaga ng benta at inaasahang bilang ng kita para sa napaparating na taon. Gaya ng karamihan sa mga tagapagpahiwatig na may kaugnayan sa ekonomiya, lalo na para sa mga tinuturing bilang pangunahing tagapagpahiwatig, lahat ay nakasalalay sa mga inaasahan. Ngunit madaling sabi, ang positibong trend sa tagapagpahiwatig na ito ay dapat positibong makaapekto sa ekonomiya ng isang bansa; ang mataas na mga inaasahang numero para sa napaparating na taon ay maaaring magbunga ng positibong implikasyong maiksian para sa ekonomiya ng isang bansa, ngunit kung ang halaga ng benta ay hindi tumaas at sa gayon, hindi nakamit ang mga inaasahan, ang mga bilang na labis na masigasig ay maaaring makasama sa ekonomiya.

Mga Natuklasang Trade na Distributibo - CBI

Nangangahulugan ang CBI para sa Confederation of British Industry. Sumasailalim sa survey ang mga tagapamahala ukol sa halaga ng benta at kita ng kanilang mga kompanya. Tinatanong sila kung ang kanilang kompanya ay nakaranas ng pagtaas o pagbaba sa benta kumpara sa nakalipas na taon. Ang kinolektang datos ng tagapagpahiwatig na ito ay nagbibigay ng pananaw sa ekonomiya kaugnay sa sektor ng retail para sa mga mangangalakal. Ang papataas na trend ay positibong makakaapekto sa ekonomiya, sapagkat ang Bentang Retail ay kumakatawan sa malaking bahagi ng paggastos ng mga konsyumer; at kung ang paggastos ng konsyumer ay isang napakahalagang pinagmumulan ng matatag na ekonomiya. Kung mababa ang gastos ng mga konsyumer, ito ay mangangahulugan ng hindi matatag na ekonomiya.

Pagbabago sa Bilang ng mga Claimant

Ang tagapagpahiwatig na ito ay sukat ng bilang ng tao sa loob ng ekonomiyang Britaniko na naniningil ng mga benepisyong may kaugnayan sa kawalan ng trabaho (ang datos ay mula sa nakalipas na buwan). Ang pababang pagkilos sa trend ng tagapagpahiwatig na ito ay tiyak na positibong makakaapekto sa posisyon ng pananalapi ng naturang bansa. Ang dahilan nito ay ang simpleng katotohanan na kaugalian ng mga may trabahong gumastos ng mas mahigit kaysa sa taong walang kasalukuyang trabaho. Nangangahulugan ang mababang rate ng kawalan ng trabaho ng mas mahigit na antas ng paggastos ng mga konsyumer, na malaking bahagi ng marami pang ibang tagapagpahiwatig na may kaugnayan sa ekonomiya.

Sentral na CPI y/y

Nangangahulugan ang CPI para sa Consumer Price Index o Index ng Mga Presyong Pang-Konsyumer, isang pundamental na tagapagpahiwatig na tinatatag ang rate ng inflation ng presyo o pagtaas nito gaya ng nakikita ng mga konsyumer tuwing bumibili ng bilihin at serbisyo. Ang Core CPI na inilalathala ng gobyernong Britaniko ay binubukod ang enerhiya, pagkain, tabako, at alak mula sa datos na kinakalap sapagkat sila ay tinuturing sila bilang nagtataglay ng pabago-bagong presyo at dahil dito, maaari nitong ilihis ang pangkalahatang trend sa inflation. Dahil sa pagbubukod ng mga produktong pabago-bago ang presyo gaya ng pagkain at ng enerhiya, ang Core CPI ay nagpapalitaw ng mas banayad na trend kaysa sa pangkaraniwang CPI. Ang Consumer Price Index ay ipinagmamalaki bilang napapanahon at detalyadong tagpagpahiwatig ng inflation. Karaniwang ipinagpapalagay na ang pagtaas ng trend sa CPI ay magdudulot ng positibong epekto sa pananalapi ng isang bansa. Pangunahing gawain ng mga bangko sentral ang subaybayan ang katatagan ng presyo. Kung patuloy ang pagtaas ng inflation rate, posibleng itaas ang interest rate upang sikapin ibaba ang mga presyo. Ang mga tumataas na interest rate ay tila nakakapang-akit sa pagdaloy ng dayuhang pamumuhunan sa buong mundo, na siya namang magdudulot ng pagtaas ng pangangailangan at ang katayuan ng pananalapi ng isang bansa sa pangkalawakang sukat. Tanyag na pundamental na tagapagpahiwatig ang CPI at mataas ag reputasyon nito sa usapin ng potensyal na epekto nito sa pamilihan.

CPI y/y

Nangangahulugan ang CPI para sa Consumer Price Index o Index ng Mga Presyong Pang-Konsyumer, isang pundamental na tagapagpahiwatig na tinatatag ang rate ng inflation ng presyo o pagtaas nito gaya ng nakikita ng mga konsyumer tuwing bumibili ng bilihin at serbisyo. Ang Core CPI na inilalathala ng gobyernong Britaniko ay binubukod ang enerhiya, pagkain, tabako, at alak mula sa datos na kinakalap sapagkat ang mga ito ay tinuturing bilang nagtataglay ng pabago-bagong presyo at dahil dito, maaari nitong ilihis ang pangkalahatang trend sa inflation. Dahil sa pagbubukod ng mga produktong pabago-bago ang presyo gaya ng pagkain at ng enerhiya, ang Core CPI ay nagpapalitaw ng mas banayad na trend kaysa sa pangkaraniwang CPI. Ang Consumer Price Index ay ipinagmamalaki bilang napapanahon at detalyadong tagpagpahiwatig ng inflation. Karaniwang ipinagpapalagay na ang pagtaas ng trend sa CPI ay magdudulot ng positibong epekto sa pananalapi ng isang bansa. Pangunahing gawain ng mga bangko sentral ang subaybayan ang katatagan ng presyo. Kung patuloy ang pagtaas ng inflation rate, posibleng itaas ang interest rate upang sikapin ibaba ang mga presyo. Ang mga tumataas na interest rate ay tila nakakapang-akit sa pagdaloy ng dayuhang pamumuhunan sa buong mundo, na siya namang magdudulot ng pagtaas ng pangangailangan at ang katayuan ng pananalapi ng isang bansa sa pangkalawakang sukat. Tanyag na pundamental na tagapagpahiwatig ang CPI at mataas ang reputasyon nito sa usapin ng potensyal na epekto nito sa pamilihan.

GDP q/q

(+) Ang GDP q/q o Gross Domestic Product ay itinuturing bilang pinaka-pangmalawakan at pinakalubos na sukat ng pangkalahatang katayuan ng ekonomiya ng isang bansa para sa karamihan. Sinusukat nito ang suma ng lahat ng halagang pamilihan sa mga pinal na paninda at serbisyong ginagawa sa isang bansa (domestiko) sa loob ng isang naturang panahon. Ang pataas na trend na nakikita sa GDP ng isang bansa ay tiyak na nagpapahiwatig na ang ekonomiya ng naturang bansa ay bumubuti; dahil dito, mas nahihikayat ang mga dayuhang namumuhunan na maghanap ng mga pagkakataong mamumuhunan sa loob ng mga pamilihan ng sapi at bond ng mga bansang iyon. Hindi madalang makita ang susunod na mga pagtaas ng interest rate patungo sa papataas na GDP, dahil tataas ang taglay na kumpyansa ng mga bangko sentral sa kanilang sariling mga lumalagong mga ekonomiya. Ang kombinasyon ng papataas na GDP at ang potensyal na pagtaas ng mga interest rate ay maaaring magdulot sa pagtaas ng pangangailangan para sa pananalapi ng bansang iyon sa pandaigdigang sukat.

Produksyong Pang-Industriya

Ang produksyong pang-industriya ay sukat ng kabuuang halaga ng mga produktong ginawa ng mga pabrika at iba pang mga pabrikang pamproduksyong industriyal sa pananalaping dolyar. Ang mataas na antas ng produksyon ay mangangahulugan ng isang sumisiglang ekonomiya. Samakatuwid, ang isang pataas na trend sa tagapagpahiwatig na ito ay dapat positibong makaapekto sa posisyon ng pananalapi ng isang bansa. Magkalapit ang kaugnayan sa pagitan ng produksyong pang-industriya at pansariling sahod, empleyo sa sangay ng pagpapagawa, at karaniwang kita na sa mabilis na reaksyon nito sa siklo ng negosyo ay madalas nagpapahintulot ng agahang pananaw sa mga nasabing tagapagpahiwatig.

Interest Rate Statement

Naglalathala ang Monetary Policy Committee ng Bank of England (BOE) ng Interest Rate Statement bawat buwan. Tila sentro ng lahat ng mga tagapagpahiwatig na may kaugnayan sa ekonomiya ang mga may kaugnayan sa pagpapasya tungkol sa rate ng interes. Sa katunayan, karamihan ang magsasabi na ang ibang mga tagapagpahiwatig ng ekonomiya ginagamit ng karaniwang mangangalakal bilang pamamaraan lamang upang masundan ang mga napaparating na pagbabago sa mga interest rate. Ang karamihan ng nilalaman ng statement ay kinabibilangan ng pagpapaliwanag ukol sa iba't ibang mga kadahilanang pang-ekonomiya na nakaimpluwensiya sa pagbabago sa mga rate (o ang kawalan nito) para sa pang-maiksiang interest rate, na siya ring tinatawag bilang “bank rate” o rate ng bangko. Kabibilangan din ng ulat ang mga pananaw sa kung ano ang maaaring maging susunod na pagpapasya ukol sa interest rate. Ang mga short-term na interest rate ay sukdulan ang halaga para sa mga trader sa anumang mga pangunahing merkadong pinansyal. Ito ay dahil sa nakakaakit ang mga matataas na interest rate sa mga dayuhang mamumuhunan na sinisikap makamit ang pinakamalaking kita kapalit ng pinakamababang panganib. Pangunahing gawain ng mga bangko sentral ang subaybayan ang katatagan ng presyo. Kung patuloy ang pagtaas ng mga inflation rate, posibleng itaas ang mga ito upang sikapin ibaba ang mga presyo. Ang mga tumataas na interest rate ay tila nakakapang-akit sa pagdaloy ng dayuhang pamumuhunan sa buong mundo, na siya namang magdudulot ng pagtaas ng pangangailangan at ang katayuan ng pananalapi ng isang bansa sa pangkalawakang sukat. Nauunawaan ng mga batikang ekonomista ang ugnayan sa pagitan ng inflation at ng mga interest rate, na ang inflation ay tila nauunang maganap bago ang mas mataas na mga interest rate, na sa pangkalahatan ay nakakapagpataas ng pandaigdigang pangangailangan sa pananalapi ng isang bansa.

PMI ng Paggawa

Ang kahulugan ng PMI ay ang Purchasing Managers Index. Bago isapubliko ang ulat, sinusurvey ang mga purchasing manager sa lalawigan tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang posisyon, mga aspeto tulad ng mga bagong order, imbentaryo, produksyon, empleyo, atbp. Kaugalian ng mga trader na subaybayan ang tagapagpahiwatig na ito sapagkat kaugalian nitong magbigay ng datos (pangunahing tagapagpahiwatig) na ipalalathala. Ito ay dahil taglay ng mga purchasing manager ang maagang pananaw sa pagkilos ng kanilang kompanya. Gumagamit ang tagapagpahiwatig na ito ng reading ng 50 upang sukatin ang paglago o ang kawalan nito. Ang sukat na mahigit 50 ay nagpapahiwatig ng paglago sa larangan ng ekonomiya.

Produksyon ng Paggawa

Ang tagapagpahiwatig na ito ay isang sukat ng kabuuang halaga ng output (o materyales na ginawa) mula sa mga manufacturer sa loob ng sektor ng produksyon. Mahalagang ipagbigay-alam na bagaman maraming pagkakatulad ang tagapagpahiwatig na ito sa Produksyong Pang-Industriya, bahagya ang pagkakaiba nito sapagkat akma lamang ito sa industriya ng pagpapagawa, na tinatayang hanggang kumakabilang sa 80% ng kabuuan ng produksyong pang-industriya.

Mga Pagdinig ng MPC Treasury Committee

Ang Monetary Policy Committee (MPC) ng Bank of England (BOE), kabiang si Gobernador Mervyn King, ay magsasalita tungkol sa katayuan ng pambansang ekonomiya. Ang salaysay na ito ay isinasagawa sa harap ng komite ng Treasury ng Parlyamento.

Pambansang Presyo ng Tirahan m/m

Ang ulat tungkol sa Pambansang Presyo ng Tirahan o Nationwide House Prices report sa UK ay nagsisilbi bilang paunang tagapagpahiwatig ng inflation sa loob ng pamilihan ng pabahay. Kabilang sa ulat na ito ang datos na kinalap mula sa anumang buwanang pagbabago ng karaniwang presyo ng mga bahay sa UK.

PPI Input m/m

Ang kahulugan ng PPI ay Producer Price Index o Index ng mga Presyo ng Tagagawa. Ito ay isang pundamental na tagapagpahiwatig na nagtatatag ng rate ng inflation, o sa madaling salita, ang rate ng mga pagbabago sa presyong nakikita ng mga manufacturer na dapat bumili ng mga bilihan at serbisyo. Dahil ang PPI ay may kaugnayan sa GBP, ito ay binubukod sa dalawang magkakaibang tagapagpahiwatig na pang-ekonomiya: ang PPI Input (sukat ng mga bilihin at serbisyong binayaran) at PPI Output (sukat ng mga bilihin at serbisyong naibenta). Sa dalawa, karaniwang mas masugid na sinusubaybayan ang PPI Input ng mga mangangalakal. Ang Producer Price Index ay ipinagmamalaki bilang napapanahon at detalyadong tagpagpahiwatig ng inflation. Karaniwang ipinagpapalagay na ang pagtaas ng trend sa PPI ay magdudulot ng positibong epekto sa pananalapi ng isang bansa. Kapag pwersado ang mga manufacturer na magbayad ng mas matataas na presyo para sa mga bilihan at serbisyo na kailangan nila, ang mas matataas na presyong ito ay gayunding makikita ng mga konsyumer. Dahil dito, tinuturing ang PPI bilang indikasyon ng inflation para sa konsyumer. Ang potensyal na epekto ng PPI sa pamilihan ay inirerespeto ng mga mangangalakal, ngunit hindi ito karaniwang iniisip bilang may taglay na malaking gampanin kaysa sa pinsan nito na tinatawag na Consumer Price Index (CPI), na kadalasang ipinapalabas ilang sandali matapos ang PPI..

Netong Paghiran ng Pampublikong Sektor

Ang Netong Paghiram ng Pampublikong Sektor o Public Sector Net Borrowing kung tawagin, gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, ay sinusukat ang paghiram sa pampublikong sektor, kabilang ang mga korporasyong pagmamay-ari ng gobyerno. Sinasabi ng iba na ang halaga ng paghihiram ay nagpapahiwatig ng paglalago ng ekonomiya (sa pamamagitan ng pagdaloy ng puhunan), at sa gayon, ang isang positibo o pataas na trend sa tagapagpahiwatig na ito ay dapat positibong makaapekto sa ekonomiya at pananalapi ng isang bansa.

Retail Sales m/m

Ang retail sales ay sukat ng kabuuang halaga ng mga retail sales sa isang naturang panahon. Dahil ang malaking bahagi ng gastusing pang-konsyumer ay kabilang sa tagapagpahiwatig na ito at dahil ang tagapagpahiwatig na ito ay karaniwang nauunang mag-ulat ng halagang kaugnay sa paggastos ng konsyumer, masugid na sinusubaybayan ng mga trader ang tagapagpahiwatig na ito. Binibigyan ng retail sales ang mga mangangalakal ng magandang pananaw tungkol sa sitwasyon ng paggastos ng mga konsyumer, na tiyak na magiging bahagi ng halos kalahati ng GDP (Gross Domestic Product). Sa madaling salita, sinusubaybayan ng mga trader ang retail sales dahil sa pananaw na ipinapamahagi nito tungkol sa kaugalian ng paggastos ng mga konsyumer, na siya namang mahalaga dahil sa kaugnayan nito sa GDP.

Balanse ng Presyo ng Tirahan RICS

Nangangahulugan ang RICS para sa Royal Institute of Chartered Surveyors; ang kanilang House Price Balance na tagapagpahiwatig ay isang sukat ng mga pagtaas o pagbaba ng presyong nakikita sa pamilihan ng pabahay sa UK. Kinakalap ang impormasyong ginagamit upang iulat ang tagpagpahiwatig na ito sa pamamagitan ng survey; inuulat ng mga chartered na surveyor ang mga pagbabago sa presyong nakikita nila sa kanilang larangan. Halimbawa, ang 25% ay mangangahulugan na 25% sa mga surveyor ay nakakita ng pagtaas ng presyo kaysa sa mga nag-ulat ng pagbaba ng presyo.

Index ng Presyo ng Tirahan ng Rightmove m/m

Maaaring kakila-kilala ang tagapagpahiwatig na ito sapagkat ito ay inuulat sa magkatumbas na buwan kung kailang kinakalap ang mga bilang. Mahalaga ito kapag isinaalang-alang natin na ang karamihan sa mga pundamental na mga tagapagpahiwatig na ipinapalabas tungkol sa pamilihan ng pabahay ay mga tagapagpahiwatig na nahuhuli. Nangungunang website ang Rightmove sa UK pagdating sa mga propriyedad; ang kanilang paglalathala ng datos tungkol sa pabahay sa loob ng magkatumbas na buwan, lalo na ang mga pagbabagong nakikita sa karaniwang presyong pambenta ng mga propriyedad na tinitirahan, ay nagsisilbing pananaw sa potensyal na inflation na maaaring maranasan matapos sa sektor ng pabahay.

RPI y/y

Ang RPI, o Retail Price Index ay maraming kahalintulad sa CPI pagdating sa pagsukat nito ng mga inflation rate na nararanasan ng mga konsyumer. Ngunit binubukod ng RPI ang sarili nito dahil tinitingnan lamang nito ang mga bilihan at serbisyong ipinamili para sa kadahilanan ng pagkonsumo sa tirahan.

Mga Serbisyong PMI q/q

Sinusukat ng PMI ng mga Serbisyo ang magkatumbas na impormasyon ng karaniwang PMI, ngunit ang PMI ng mga Serbisyo ay nakatuon ang pansin sa sektor ng mga serbisyo. Ang kahulugan ng PMI ay Purchasing Managers Index o Index ng mga Purchasing Manager. Bago mailathala ang ulat, sumasailalim muna sa survey ang mga purchasing manager tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng mga kadahilaning pang-ekonomiya na angkop sa kanilang mga posisyon, aspeto tulad ng mga bagong order, imbentaryo, produksyon, empleyo, atbp. Minamatyagan ng mga mangangalakal ang tagapagpahiwatig na ito sapagkat kaugalian nitong magtungo (nangungunang tagapagpahiwatig) patungo sa datos na isasapubliko. Ito ay dahil may maagang pananaw ang mga purchasing manager sa pagkilos ng kanilang kompanya. Gumagamit ang tagapagpahiwatig ng reading ng 50 upang sukatin ang paglago o ang kawalan nito. Ang resulta ng reading na mahigit 50 ay magpapahiwatig ng paglago ng ekonomiya.

Balanse ng Kalakal

Kinukumpara ng trade balance o balanse ng kalakal ang halaga ng mga inangkat na bilihan at serbisyo sa halaga ng mga inexport na bilihin at serbisyo ng isang natuang ekonomiya. Sa usapin ng ekonomiya, nasa pinakamabuting kapakanan ng isang ekonomiya na mag-export ng mas maraming bilihan at serbisyo kaysa sa mag-angkat nito. Ang pagtaas ng bilang ng mga export ay nangangahulugan ng pagtaas sa pangangailangan ng pananalapi ng naturang bansa, sapagkat mapipilitang makipagpalit ang iba’t ibang bansa ng pananalapi upang bilhin ang nasabing mga export. Malaki rin ang epekto ng balanse ng kalakal sa GDP (Gross Domestic Product), sapagkat ang pagtaas sa pangangailangan ng mga export ay magdudulot ng pagdami ng gawain ng mga pambansang pabrika, at sa gayon, pataasin ang antas ng empleyo.

chat icon