Ulat ng Pananaw ng Bank of Japan

Naglalathala ang BOJ (Bank of Japan) ng ulat tuwing Abril at Oktubre na binabalangkas ang paninindigan ng damdamin ng Bangko ukol sa mga usaping pang-ekonomiya. Kabilang sa ulat na ito ang pangkalahatang pagsusuri ng ekonomiya, inflation (na kinauugnayan ng mga interest rate), at isang detalyadong pananaw sa patakarang pang-ekonomiya. Dahil dalawang beses sa isang taon ang ulat na ito (semi-annual), ang mga binalangkas nitong mga pananaw ay para sa susunod na anim na buwan.

Sentral na CPI

Nangangahulugan ang CPI para sa Consumer Price Index o Index ng Mga Presyong Pang-Konsyumer, isang pundamental na tagapagpahiwatig na tinatatag ang rate ng inflation ng presyo o pagtaas nito gaya ng nakikita ng mga konsyumer tuwing bumibili ng bilihin at serbisyo. Ang Core CPI na inilalathala ng gobyernong Hapones ay binubukod ang mga sariwang pagkain mula sa datos na kinakalap sapagkat tinuturing sila bilang nagtataglay ng pabago-bagong presyo at dahil dito, maaari nitong ilihis ang pangkalahatang trend sa inflation. Dahil sa pagbubukod ng mga produktong pabago-bago ang presyo gaya ng sariwang pagkain, itinuturing ang Core CPI bilang mas maaasahang kalkulasyon ng CPI. Ang Consumer Price Index ay ipinagmamalaki bilang napapanahon at detalyadong tagpagpahiwatig ng inflation. Karaniwang ipinagpapalagay na ang pagtaas ng trend sa CPI ay magdudulot ng positibong epekto sa pananalapi ng isang bansa. Pangunahing gawain ng mga bangko sentral ang subaybayan ang katatagan ng presyo. Kung patuloy ang pagtaas ng inflation rate, posibleng itaas ang interest rate upang sikapin ibaba ang mga presyo. Ang mga tumataas na interest rate ay tila nakakapang-akit sa pagdaloy ng dayuhang pamumuhunan sa buong mundo, na siya namang magdudulot ng pagtaas ng pangangailangan at ang katayuan ng pananalapi ng isang bansa sa pangkalawakang sukat. Tanyag na pundamental na tagapagpahiwatig ang CPI at mataas ag reputasyon nito sa usapin ng potensyal na epekto nito sa pamilihan.

Mga Order ng Makinaryang Sentral

Sukat ng halaga ng mga bagong order para sa mga produktong may kaugnayan sa makinarya ang Core Machinery Orders o mga order ng makinaryang sentral. Ang pataas na trend sa tagapagpahiwatig na ito ay senyas ng isang tumatatag na ekonomiya at samakatuwid, isang lumalakas ng pananalapi. Ang pagtaas sa mga order mula sa mga manufacturer at tagagawa ay nagpapahiwatig ng potensyal na paglago ng industriya ng pagpagawa.

GDP y/y

Itinuturing ng karamihan ang Gross Domestic Product bilang siyang pinaka-pangmalawakan at pinakalubos na sukat ng pangkalahatang katayuan ng ekonomiya ng isang bansa. Sinusukat nito ang suma ng lahat ng halagang pamilihan sa mga pinal na paninda at serbisyong ginagawa sa isang bansa (domestiko) sa loob ng isang naturang panahon. Isang pataas na trend na nakikita sa GDP ng isang bansa ay tiyak na nagpapahiwatig na ang ekonomiya ng naturang bansa ay bumubuti; dahil dito, mas nahihikayat ang mga dayuhang namumuhunan na maghanap ng mga pagkakataong mamumuhunan sa loob ng mga pamilihan ng sapi at bond ng mga bansang iyon. Hindi madalang makita ang susunod na mga pagtaas ng interest rate patungo sa papataas na GDP, dahil tataas ang taglay na kumpyansa ng mga bangko sentral sa kanilang sariling mga lumalagong mga ekonomiya. Ang kombinasyon ng papataas na GDP at ang potensyal na pagtaas ng mga interest rate ay maaaring magdulot sa pagtaas ng pangangailangan para sa pananalapi ng bansang iyon sa pandaigdigang sukat.

GDP Deflator q/q

Bukod sa halaga ng GDP (Gross Domestic Product), inilalathala din ng ilang gobyerno ang mga pampababa ng GDP o GDP deflator kung tawagin. Ang ulat na GDP Deflator ay inilalathala ang pagkakaiba sa pagitan ng nominal at aktwal na GDP. Sinusukat din ng ulat na ito ang taunang rate ng inflation na ipinapataw sa lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa ekonomiya.

Produksyong Pang-Industriya

Ang produksyong pang-industriya ay sukat ng kabuuang halaga ng mga produktong ginawa ng mga pabrika at iba pang mga pabrikang pamproduksyong industriyal sa pananalaping dolyar. Ang mataas na antas ng produksyon ay mangangahulugan ng isang sumisiglang ekonomiya. Samakatuwid, ang isang pataas na trend sa tagapagpahiwatig na ito ay dapat positibong makaapekto sa posisyon ng pananalapi ng isang bansa. Magkalapit ang kaugnayan sa pagitan ng produksyong pang-industriya at pansariling sahod, empleyo sa sangay ng pagpapagawa, at karaniwang kita na sa mabilis na reaksyon nito sa siklo ng negosyo ay madalas nagpapahintulot ng agahang pananaw sa mga nasabing tagapagpahiwatig.

(+) Statement ng Interest Rate

Tila sentro ng lahat ng mga tagapagpahiwatig na may kaugnayan sa ekonomiya ang mga may kaugnayan sa mga pagpapasya ukol sa interest rate. Sa katunayan, karamihan ang magsasabi na ang ibang mga tagapagpahiwatig ng ekonomiya ginagamit ng karaniwang mangangalakal bilang pamamaraan lamang upang masundan ang mga napaparating na pagbabago sa mga interest rate. Buwanang inilalathala ng Monetary Policy Committee ng Bank of Japan (BOJ) ang interest rate statement nito. Ang karamihan ng nilalaman ng statement ay kinabibilangan ng pagpapaliwanag ukol sa iba't ibang mga kadahilanang pang-ekonomiya na nakaimpluwensiya sa pagbabago sa mga rate (o ang kawalan nito) para sa pang-maiksiang interest rate, na siya ring tinatawag bilang "overnight call rate". Kabibilangan din ng ulat ang mga pananaw sa kung ano ang maaaring maging susunod na pagpapasya ukol sa interest rate. Ang mga short-term na interest rate ay sukdulan ang halaga para sa mga trader sa anumang mga pangunahing merkadong pinansyal. Ito ay dahil sa nakakaakit ang mga matataas na interest rate sa mga dayuhang mamumuhunan na sinisikap makamit ang pinakamalaking kita kapalit ng pinakamababang panganib. Pangunahing gawain ng mga bangko sentral ang subaybayan ang katatagan ng presyo. Kung patuloy ang pagtaas ng mga inflation rate, posibleng itaas ang mga ito upang sikapin ibaba ang mga presyo. Ang mga tumataas na interest rate ay tila nakakapang-akit sa pagdaloy ng dayuhang pamumuhunan sa buong mundo, na siya namang magdudulot ng pagtaas ng pangangailangan at ang katayuan ng pananalapi ng isang bansa sa pangkalawakang sukat. Nauunawaan ng mga batikang ekonomista ang ugnayan sa pagitan ng inflation at ng mga interest rate, na ang inflation ay tila nauunang maganap bago ang mas mataas na mga interest rate, na sa pangkalahatan ay nakakapagpataas ng pandaigdigang pangangailangan sa pananalapi ng isang bansa.

PMI ng Paggawa

Ang kahulugan ng PMI ay ang Purchasing Managers Index. Bago isapubliko ang ulat, sinusurvey ang mga purchasing manager sa lalawigan tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang posisyon, mga aspeto tulad ng mga bagong order, imbentaryo, produksyon, empleyo, atbp. Kaugalian ng mga trader na subaybayan ang tagapagpahiwatig na ito sapagkat kaugalian nitong magbigay ng datos (pangunahing tagapagpahiwatig) na ipalalathala. Ito ay dahil taglay ng mga purchasing manager ang maagang pananaw sa pagkilos ng kanilang kompanya. Gumagamit ang tagapagpahiwatig na ito ng reading ng 50 upang sukatin ang paglago o ang kawalan nito. Ang sukat na mahigit 50 ay nagpapahiwatig ng paglago sa larangan ng ekonomiya.

Base ng Pananalapi

Sukat ang tagapagpahiwatig na ito sa mga pagbabagong nasasaksihan sa kabuuang bilang ng pananalapi ng Japan na kasalukuyang nasa sirkulasyon. Kabilang nito ang mga kasalukuyang balanse ng account, pera, at barya. Inilalantad ng ulat na ito ang kabuuang bilang ng karagdagang pananalaping pinalalabas ng Bank of Japan bawat taon. Kapag tumaas ang base ng pananalapi sa loob ng isang taon, o sa loob ng ilang taon, ang karaniwang resulta nito ay mas mataas na inflation rate para sa Yen.

Pangkalahatang Paggastos ng Sambayahan

Sinusukat ng overall houseshold spending o pangkalahatang paggastos ng isang sambahayan ang kabuuang halaga ng gastusin ng konsyumer sa mga pambahay na bilihin at serbisyo. Ang pataas na trend sa tagapagpahiwatig na ito ay kinauugaliang palakasin ang posisyon ng pananalapi ng isang bansa. Ang pagtaas sa paggastos ng konsyumer ay positibong makakaapekto sa ekonomiya. Mahalagang ipagbigay-alam na ang kaugnayan sa pagitan ng paggastos at GDP (Gross Domestic Product). Sa katunayan, kinabibilangan ng paggastos ng konsyumer ang kalahati ng GDP, na siyang tinuturing bilang mahalagang tagapagpahiwatig ng ekonomiya.

Bentang Retail

Ang retail sales o bentang retail ay sukat ng kabuuang halaga ng mga retail sales sa isang naturang panahon. Dahil ang malaking bahagi ng gastusing pang-konsyumer ay kabilang sa tagapagpahiwatig na ito at dahil ang tagapagpahiwatig na ito ay karaniwang nauunang mag-ulat ng halagang kaugnay sa paggastos ng konsyumer sa buwan, masugid na sinusubaybayan ng mga trader ang tagapagpahiwatig na ito. Binibigyan ng retail sales ang mga mangangalakal ng magandang punto de bista tungkol sa sitwasyon ng paggastos ng mga konsyumer, na tiyak na magiging bahagi ng halos kalahati ng GDP (Gross Domestic Product). Sa madaling salita, sinusubaybayan ng mga trader ang retail sales dahil sa pananaw na ipinapamahagi nito tungkol sa kaugalian ng paggastos ng mga konsyumer, na siya namang mahalaga dahil sa kaugnayan nito sa GDP. Ang mga pataas na trend na matatagpuan sa loob ng tagapagpahiwatig na ito ay dapat positibong makaapekto sa pananalapi ng isang bansa.

Index ng Tertiary na Aktibidad Pang-Industriya

Kinakalap ng tagapagpahiwatig na ito ang sukat ng mga pagbabagong may kaugnayan sa paggastos na nakikita sa larangan ng serbisyo. Ang mas mataas na gastusin sa sektor na ito ay maaaring kumatawan sa mas mataas na rate ng empleyo, na dapat mauna sa isang pagtaas sa paggastos ng konsyumer. Samakatuwid, positibong makakaapekto sa ekonomiya at pananalapi nito.

Pinakabagong Pagsusuri ng HFM

Naglo-load ang pinakahuling pagsusuri...

chat icon