PANGANGALAKAL NG MGA BONO

Mangalakal ng mga CFD ng mga bono na iniisyu ng mga nangungunang ekonomiya ng daigdig gamit ang pinakamagandang kondisyon sa industriya na hatid ng HFM. Ang mga bono ay maaring magbigay ng katatagan para sa anumang dibersipikadong portfolio at magsilbi bilang panabla kontra sa pagbagsak ng merkado, sapagka’t nagtataglay ito ng mas mataas na pagkakataon na ibalik ang prinsipal na halaga sa maturity nito.

BAKIT DAPAT MAGTRADE NG MGA CFD SA MGA BONO SA HFM

Napakabilis na pagpapatupad

Mabababang mga spread

Walang komisyon

I-trade ang pagtaas at pagbagsak ng presyo

Ang mga bono ng mga nangungunang ekonomiya sa buong daigdig

Dibersipikasyon ng portfolio

Mga nangungunang mga bono

Tingnan ang mga spread sa mga nangungunang pamilihan, kagaya ng mga bono ng gobyerno ng UK at US.

Mga Espesipikasyon ng Kontrata ng Bonds

i-swap ang mga halaga sa pananalapi ng margin Mga Oras ng Trading
Simbolo Paglalarawan spreads na kasing baba sa Leverage (hanggang sa) Posisyong Short Posisyong Long Lunes
Bukas
Biyernes
Sarado
Pahinga
EUBUND.F Euro Bund 0.05 1:50 0.0 0.0 3:20:00 22:58:59 -
US10YR.F US 10-year Treasury Note 0.06 1:50 0.0 0.0 1:05:00 23:54:59 -
UKGILT.F UK Gilt 0.05 1:50 0.0 0.0 10:05:00 19:58:59 -
i-swap ang mga halaga sa pananalapi ng margin Mga Oras ng Trading
Simbolo Paglalarawan spreads na kasing baba sa Leverage (hanggang sa) Posisyong Short Posisyong Long Lunes
Bukas
Biyernes
Sarado
Pahinga
EUBUND.F Euro Bund 0.05 1:50 0.0 0.0 3:20:00 22:58:59 -
UKGILT.F UK Gilt 0.05 1:50 0.0 0.0 10:05:00 19:58:59 -
US10YR.F US 10-year Treasury Note 0.06 1:50 0.0 0.0 1:05:00 23:54:59 -
i-swap ang mga halaga sa pananalapi ng margin Mga Oras ng Trading
Simbolo Paglalarawan spreads na kasing baba sa Leverage (hanggang sa) Posisyong Short Posisyong Long Lunes
Bukas
Biyernes
Sarado
Pahinga
UKGILT.F UK Gilt 0.05 1:50 0.0 0.0 10:05:00 19:58:59 -
EUBUND.F Euro Bund 0.05 1:50 0.0 0.0 3:20:00 22:58:59 -
US10YR.F US 10-year Treasury Note 0.06 1:50 0.0 0.0 1:05:00 23:54:59 -

Importante

  1. Maaaring i-adjust araw-araw ang mga halaga ng mga swap batay sa mga kondisyon at mga singil ng merkado na ibinigay ng aming Price Provider na magagamit sa lahat ng bukas na posisyon. Ginagamit ang tripleng swap bawat Biyernes.
  2. Mga Oras ng Server: Taglamig: GMT+2 at Tag-init: GMT+3 (DST) (huling Linggo ng Marso at nagtatapos sa huling Linggo ng Oktubre).
  3. Mapipilitang magsara ang Lahat ng Naka-pending na Order sa panahon ng mga pahinga ng pamilihan. Kung sakaling may anumang order na naiwang naka-pending, ito ay awtomatikong tatanggalin pagkatapos ng pang-araw-araw na oras ng pagsasara ng pamilihan.
  4. Ang pagpapatupad ng mga bagong order para sa mga instrumentong bono ay sumasailalim sa mga pamamaraan ng kompanya sa pamamahala ng mga panganib. Maaaring humarap sa mga pansamantalang pagtanggi ang pagbubukas ng merkado at nakabinbing mga order.

Pagkakalkula ng Mga Pangangailangan ng Marhen ng Bonds - Halimbawa

Base ng pananalapi ng account: USD
Posisyon: Magbukas ng 1 lote SELL EUBUND.F sa 159.17
Laki ng 1 Lote 100 sapi
Kinakailangang margin: 2% ng Halagang Nosyonal
Ang halagang nosyonal ay: 1 * 100 * 159.17 = 15,917 EUR
Ang kinakailangang marhen ay: 15,917 EUR * 0.02 = 318.34 EUR
318.34 * 1.1720 (EURUSD rate) = 373.09 USD

Mga Petsa ng Pagtatapos ng Kontrata

Simbolo Enero Pebrero Marso Abril May Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre December
US10YR.F 26/02/2025 28/05/2025 27/08/2025 27/11/2024
EUBUND.F 04/03/2025 04/06/2025 04/09/2025 04/12/2024
UKGILT.F 25/02/2025 27/05/2025 27/08/2024 26/11/2024

ANO ANG PANGANGALAKAL NG MGA BONO?

Ang pangangalakal ng mga bono ay ang pagbili at pagbenta ng mga seguridad na may kaugnayan sa utang, na iniisyu ng mga korporasyon, pamahalaan, at iba pang mga organisasyon. Kapag bumili ka ng bono, nagpapautang ka sa nag-iisyu nito kapalit ng nakatakdang bayarin ng interes sa haba ng isang nakatakdang panahon. Ang tagapag-isyu ng bono ay nangangakong bayarang muli ang prinsipal (ang inisyal na halaga ng pamumuhunan) kapag umabot na sa maturity ang bono.

Pinahihintulutan ka ng mga bonong CFD na ikalakal ang pagkilos ng mga presyo ng bono, na binibigyan ka ng pagkakataong kumita mula sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bono. Maaari ito maging bentahe kapag pabago-bago o sinusumpong ang kapaligiran ng mga rate ng interes. Gaya ng ibang mga CFD, ang mga bonong CFD ay pinahihintulutan kang mangalakal na may leverage, na nangangahulugan na pwede mong kontrolin ang mas malaking posisyon gamit ang mas maliit na kapital.

Pwede kang pumili mula sa platapormang MT4 at MT5 at sa HFM App upang magsimulang mangalakal ng mga CFD sa mga bono.

PAANO MAGSIMULANG MANGALAKAL NG MGA CFD SA MGA BONO

  • 2. Tukuyin ang iyong estratehiya para sa pangangalakal
  • 3. Piliin ang iyong trading platform
  • 4. Hanapin ang mga bono na nais mong i-trade
  • 5. Buksan at sundan ang iyong posisyon

Handa ka na bang diskubrehin ang online trading?
Bisitahin ang aming online Trading Education Center para sa karagdagang impormasyon.

MAAARING IKAW AY INTERESADO SA

Pangangalakal ng mga Commodity

Mangalakal ng mga CFD para sa metal, enerhiya, at mga soft commodities na may mababang pangangailangan sa margin.

Alamin Ang Higit Pa

HFM APP

Mangalakal ng mga pamilihan at subaybayan ang iyong account saanman, kailanman sa pamamagitan ng HFM App.

Alamin Ang Higit Pa

Libreng mga live na webinar

Enhance your trading knowledge with free webinars, hosted by industry experts.

Alamin Ang Higit Pa

Mga FAQ

Bago ka magsimulang mangalakal ng mga bono, kailangan mong maunawaan ang mga pundamental ng mga ito, kagaya ng kung paano ito gumagana, anu-ano ang mga uri nito, at ang mga panganib na kasama nito. Pagkatapos, magbukas ng HFM Live o Demo trading account, piliin ang mga bono na nais mong i-trade at buksan ang iyong posisyon.

Ang mga presyo ng bono ay maaaring maapektuhan ng ilang mga bagay, kagaya ng:

  1. Mga rate ng interes: Malaki ang papel ng mga rate ng interes sa presyo ng mga bono. Kapag tumataas ang mga rate ng interes, bumababa ang presyo ng mga bono, at kapag bumabagsak ang mga rate ng interes, tumataas ang presyo ng mga bono. Ito ay dahil tuwing tumataas ang mga rate ng interes, ang mga bagong bono na may mas matataas na kita ay iniisyu, at pinapapangit para sa mga namumuhunan ang mga kasalukuyang bono na may mas mababang kita.
  2. Credit risk: Ang panganib sa kredito ay tumutukoy sa panganib na ang tagapag-isyu ng bono ay maaaring hindi tumupad sa pananagutan nitong magbayad. Ang mga bono na mas mataas ang panganib sa kredito, tulad ng mga high-yield o junk na bono, ay karaniwang nagtataglay ng mas mataas na kita upang makabawi sa mas mataas na panganib. Kung ang pinaghihinalaang panganib sa kredito ng isang bono ay tumaas, ang presyo nito ay maaaring bumaba, at gayundin sa kabaliktaran.
  3. Inflation: Maaring makaapekto ang inflation sa mga presyo ng bono. Kung ang inflation rate ay mas mataas kaysa sa kita ng bono, ang purchasing power ng mga bayarin sa interes at ang muling pagbayad ng prinsipal ay bumababa, na siyang nagpapapangit sa bono sa mga namumuhunan. Bilang resulta, maaaring bumaba ang presyo ng bono.
  4. Supply at pangangailangan: Ang mga presyo ng bono ay maaaring maapektuhan ng supply at pangangailangan. Kung may mas mataas na pangangailangan para sa isang naturang bono, maaring tumaas ang presyo nito. Gayundin, kung mababa ang pangangailangan, maaring bumaba ang presyo nito.
  5. Kondisyong pang-ekonomiya: Ang pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya ay maaari ring makaapekto sa presyo ng mga bono. Halimbawa, sa mga panahon ng kawalan ng katiyakan ng ekonomiya, maaring pumunta ang mga namumuhunan sa mga mas ligtas na pamumuhunan, kagaya ng mga bono ng gobyerno, na siyang magpapataas sa presyo ng mga ito. Gayundin, kapag lumalago ang ekonomiya, maaaring paboran ng mga namumuhunan ang mas mapanganib na mga pamumuhunan, kagaya ng mga bono ng gobyerno, na maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga ito.
  6. Kaganapang pampulitika: Ang mga kaganapang pampulitika kagaya ng mga halalan, kaguluhang pampulitika, at mga pagbabago sa pampamahalaang patakaran ay maaari ring makaapekto sa mga presyo ng bono, lalo na para sa mga bono ng gobyerno. Ang kawalang-katatagan ng pulitika o kawalan ng katiyakan ay maaaring humantong sa mas mataas na pinaghihinalaang panganib, na nagiging sanhi sa paghingi ng mga mamumuhunan ng mas mataas na kita, at mas mababang mga presyo ng bono.

Ang pag-unawa sa mga bagay na nakakaapekto sa mga presyo ng bono ay maaaring makatulong sa mga namumuhunan na magsagawa ng may kaalamang pagpapasya at pangasiwaan ng mas mabuti ang kanilang mga portfolio ng bono.

Mayroong ilang uri ng pangangalakal ng mga bono, kasama ang:

  1. Pangangalakal ng bono ng gobyerno: Ang mga bono ng gobyerno ay iniisyu ng mga pambansang pamahalaan at tinuturing bilang mga pamumuhunan na may mababang panganib. Ang pangangalakal ng bono ng gobyerno ay kinabibilangan ng pagbili at pagbenta ng mga bonong ito sa ikalawang pamilihan.
  2. Pangangalakal ng bono ng korporasyon: Iniisyu ng mga kompanya ang mga bono ng korporasyon upang kumalap ng kapital, at sila ay karaniwang nag-aalok ng mas mataas na kita kaysa sa bono ng gobyerno upang makabawi sa mas mataas na panganib. Ang pangangalakal ng bono ng korporasyon ay kinabibilangan ng pagbili at pagbenta ng mga bonong ito sa ikalawang pamilihan.
  3. Pangangalakal ng Munisipyong bono: Ang mga Munisipyong bono ay iniisyu ng estado at ng mga lokal na pamahalaan upang pondohan ang mga pampublikong proyekto tulad ng mga paaralan, kalsada, at ospital. Ang pangangalakal ng Munisipyong bono ay kinabibilangan ng pagbili at pagbenta ng mga bonong ito sa ikalawang pamilihan.
  4. High-yield na pangangalakal ng bono: Ang mga high-yield o junk na bono ay iniisyu ng mga kompanya na may mabababang credit rating, at nag-aalok sila ng mas malalaking kita kaysa sa mga investment-grade na bono para makabawi sa mas mataas na panganib. Ang pangangalakal ng high-yield na bono ay kinabibilangan ng pagbili at pagbenta ng mga bonong ito sa ikalawang pamilihan.
  5. Pangangalakal ng futures ng bono: Ang mga futures ng bono ay mga kontratang pinansyal na pinahihintulutan ang mga namumuhunan na bumili o magbenta ng isang partikular na bono sa isang petsa sa hinaharap sa isang nakatakdang presyo. Ang pangangalakal ng futures ng bono ay kinasasangkutan ng pagbili at pagbenta ng mga naturang kontrata sa mga palitan ng futures.
  6. Pangangalakal ng mga opsyon ng Bono: Ang mga opsyon ng bono ay mga kontratang pinansyal na nagbibigay sa mga namumuhunan ng karapatan, ngunit hindi ang obligasyon, na bumili o magbenta ng bono sa partikular na presyo bago ang isang partikular na araw. Kinasasangkutan ng pagbili at pagbenta ng mga kontrata sa mga palitan ng opsyon ang pangangalakal ng opsyon ng bono.
chat icon