Nagbabago na kami patungong HFM sapagkat mas mabuti nitong nailalarawan ang lawak ng mga produkto at serbisyong aming handog. Sa paglipas ng mga taon, naging isang pandaigdigang multi-asset broker kami na lumalagpas sa Foreign Exchanging Trading (Forex) ang mga produkto at serbisyo.

Sa pagbabago patungong HFM, pumapasok kami sa bagong paradigma na taglay ang bagong anyo, bagong tatak, at bagong domain name, hfm.com/int, na malakas, maiksi, at madaling tandaan. Bilang karagdagan, ang mga bagong website at mga bagong teknolohiya ay isinasama at mas maraming produkto at serbisyo ang paparating para matiyak na mapanatili namin ang aming posisyon bilang isang lider ng industriya na nag-aalok ng pinakamahusay na posibleng karanasan ng kliyente.

Hindi. Mananatili kaming isang broker na nakasentro sa aming mga kliyente, na may layuning mamahagi ng pinakamahusay na serbisyong pangkliyente at panatilihin ang aming posisyon bilang lider sa merkado.

Oo. Walang pagbabago sa aming operasyon o ligal na entidad.

Ang HFM ay ang bagong tatak ng HF Markets Group na kinabibilangan ng mga sumusunod na ligal na entidad:

  • Ang HF Markets (SV) Ltd ay itinaguyod sa St. Vincent & the Grenadine bilang isang International Business Company na nagtataglay ng bilang ng rehistro 22747 IBC 2015.
  • Ang HF Markets SA (PTY) Ltd ay isang awtorisadong Financial Service Provider mula sa Financial Sector Conduct Authority (FSCA) ng South Africa, na nagtataglay ng bilang ng awtorisasyon 46632.
  • Ang HFM Investments Ltd ay pinamamahalaan ng Capital Markets Authority sa Republic of Kenya bilang isang non-dealing online foreign exchange broker na may taglay na lisensya blg. 155.
  • Ang HF Markets (Seychelles) Ltd ay pinamamahalaan ng Seychelles Financial Services Authority (FSA) na may taglay na Securities Dealer's License bilang SD015.
  • Ang HF Markets (DIFC) Ltd ay awtorisado at pinamamahalaan ng Dubai Financial Services Authority (DFSA) sa ilalim ng lisensya bilang F004885.
  • Ang HF Markets (UK) Ltd ay awtorisado at pinamamahalaan ng Financial Conduct Authority (FCA) sa ilalim ng firm reference number 801701.

Namamahagi ang HFM ng maasahan at pinararangalang serbisyong pang-trading sa mga kliyente nito sa buong mundo.

Oo. Nananatiling may bisa ang mga umiiral na tuntunin at kondisyon. Ang tanging pagbabago sa mga tuntunin at kondisyon ay ang tatak at ang pagbabago ay ipapataw kapag oras nang baguhin ang mga tuntunin at kondisyon.

Wala, patuloy naming ipamamahagi ang magkatumbas na lawak ng mga produkto at serbisyo.

Wala, walang aksyong kinakailangan mula sa iyong panig sapagkat lahat ng pagbabago ay patutuparin namin sa panloob na pamamaraan at hindi ito makakaapekto sa iyong karanasan sa pangangalakal sa anumang paraan. Lahat ng mga operasyon ng trading ay mananatiling hindi apektado.

Hindi, hindi mo kailangang lumikha ng bagong account o i-update ang iyong mga detalyeng pang-login. Bukod dito, walang anumang pagpatid sa paggamit o pagkilos ng iyong bahaging pangkliyente.

Wala, walang anumang pagkagambala sa anumang bahagi ng iyong karansan sa pag-trade, kabilang ang mga operasyon ng iyong mga platapormang pang-trading o ang gamit ng iyong bahaging pangkliyente.

Oo, magbabago ng unti-unti ang aming presensya sa social media patungo sa HFM. Hindi mo kailangang pagkaabalahan ito, sapagkat lahat ng pagbabago ay gagawing awtomatiko at walang anumang bagay dito ang makakaapekto sa iyong karanasan sa social media.

Magkakaroon ng mga bagong banner para sa iyo sa iyong bahaging pangkliyente sa ilalim ng pangalang HFM kung sakaling nais mong i-endorso ang HFM mula sa simula; mag-log in lamang sa iyong bahaging pangkliyente gamit ang magkatumbas na mga credential upang magsimula. Ngunit dahil magagamit pa rin ang HotForex.co.za sa loob ng nakatakdang panahon, pwede ka pa rin manalastas gamit ang mga banner ng HotForex. At siyempte, pwede mo rin namang i-advertise silang pareho!

Wala. Ang tanging pagbabago, na aming isasagawa panloob at hindi magdudulot ng pagkagambala sa iyong serbisyo, ay ang mga bagong HFM banner. Bukod doon, walang mga pagbabago sa iyong kasunduan bilang Affiliate, iyong mga link, iyong mga kliyenteng ipinakilala, o ang aming kompetitibong istrukturang pangkomisyon.

Ang aming dedikadong pangkat pangsuporta ay nakatuon sa pamamahagi ng 24/5 pa na suporta sa iba't ibang wika. Ipadala mo ang iyong mga katanungan sa pamamagitan ng anuman sa mga pamamaraan ng pakikipag-ugnayan na nakalista sa aming website o sa pag-email sa [email protected]

chat icon