Ang Trade TerminaI ay isang kagamitan para sa propesyonal na pagsasagawa at pag-aanalisa ng kalakalanna may napakaraming katangian. Idinisenyo ito para magbigay ng isang bilang ng mga katangiang pampangangalakal na hindi karaniwang mahahanap sa underlying trading platforms.
Deal ticket
Ang deal ticket nito ay may mga sumusunod na pangunahing katangian:
- Mga simpleng field para magtakda ng stop loss, take profit at trailing stop sa pips
- Mga lumalabas na kalkulador, hal. para kalkulahin ang laki ng lote na naaayon sa isang cash risk kapag bibigyan ng isang partikular na distansiya ng stop-loss
- Marker ng bukas na posisyon, na nagbibigay ng akses sa mga opsyon para mabilis na isara, ibaliktad o i-hedge ang posisyon sa isang simbolo
- Lumalabas na dealing form para gumawa ng pending orders pati na rin ng order sa pamilihan
- Abilidad na gumawa ng mga template para sa mabilis na pagpasok ng order
- Ipinapakita ang pangunahing impormasyon ng simbolo (laki ng pip, halaga bawat pip at higit pa)
Sa madaling salita, pinahihintulutan ng Trade Terminal ang pag-entra sa iisang pag-click para sa mga simpleng order sa pamilihan, at pag-entra sa dalawang pag-click para sa mga posibleng masasalimuot na predefined template. Ang mga template na ito ay maaari ring i-save at gamitin sa mga kagamitang Mini Terminal at Market Manager.
Account metrics
Ang Trade Terminal ay nagbibigay ng overview ng kasalukuyang account metrics tulad ng equity at paggamit ng marhen, at simple lang mag-set up ng mga alerto sa mga numerong ito, hal. Isang babala kung ang paggamit ng marhen ay hihigit sa 10%. Para sa espesyal na pamamahala ng alarma, kabilang ang abilidad na magsagawa ng mga automated aksyon, maaari mong gamitin angAlarm Manager.
Mga listahan ng mga posisyon at order
Ipinapakita rin ng Trade Terminal ang isang listahan ng lahat ng bukas na posisyon at pending orders, at mabilis at simple lang para isagawa ang mga askyong tulad ng nasa ibaba:
- Isara ang lahat ng posisyon
- Isara ang lahat ng naluluging posisyon
- Isara ang isang espesipikong posisyon
- Gumawa ng isang bahagyang pagsasara
- Palitan ang stop-loss, take-profit o trailing stop sa isang posisyon o pending order
Maaaring pumili ang isang mangangalakal ng iba’t-ibang order mula sa listahan at magsagawa ng mga askyon sa kanilang lahat nang sabay-sabay. Halimbawa, maaaring piliin ng gumagamit ang lahat ng naluluging posisyon, at pagkatapos ay magtakda ng isang break-even take-profit sa mga posisyong iyon gamit lamang ang dalawang pag-click ng mouse.
Mga panuntunan para sa pag-scale out mula sa mga posisyon
Pinapayagan din ng Trade Terminal ang mangangalakal na tumukoy ng mga panuntunan para sa pag-scale out mula sa mga posisyon, at ang mga panuntunang ito ay awtomatikong gagamitin nang walang anumang ibang dapat gawin ang mangangalakal. Isang halimbawa ng mga naturang panuntunan ay ayon sa sumusunod:
- Kapag umabot ang kita ng isang posisyon sa 20 pips, isara ang kalahati nito at ilipat ang s/l sa break-even
- Kapag umabot ang kita ng isang posisyon sa 30 pips, isara ang panibagong 25% at ilipat ang s/l sa +10 pips
- Isara ang natitira sa posisyon kapag ang kita ay umabot sa 40 pips
Katulad ng pagpasok ng order, ang mga panuntunang ito ay maaaring i-save bilang mga template, at mabilis na gamitin sa mga bagong posisyon sa hinaharap sa pamamagitan ng dalawang pag-click ng mouse.
Pag-aanalisa ng posisyon
Nagbibigay ang Trade Terminal ng isang bilang ng mga opsyon para sa pag-aanalis ng mga bukas na posisyon. Ang mga posisyon ay maaaring ipagsama-sama sa mga kategorya, hal. ayon sa simbolo, o direksyon , o ang kombinasyon ng simbolo at direksyon. Makikita ng mangangalakal ang kabuuang kita at karagdagang impormasyon para sa bawat kategorya, at maaari siyang magsagawa ng mga aksyon sa lahat ng posisyon na kabilang sa isang kategorya.