Itong natatangi at malakas na trade assistant ay idinisenyo para sa parehong mga indibiduwal na mangangalakal at pati na rin para sa mga lider ng kalakalan at tagaturo na nais magbrodkast ng mahalagang impormasyon sa mga tagasunod.
Ang mga mangangalakal ay maaaring gumawa ng mga alarma na batay sa panuntunan na nati-trigger ng ilang bilang ng mga aksyon. Ang software ay maaaring abisuhan ang mangangalakal tungkol sa mga pangyayari, magsagawa ng mga aksyon sa pangangalakal tulad ng pag-place ng mga bagong order o pagsasara ng mga umiiral na posisyon, o magpadala ng updates sa mga tagasunod sa pamamagitan ng email, SMS o Twitter.
Mga available na alarma
- Mga alarma ng account: mga pagbabago sa mga pangunahing parametro ng account tulad ng marhen, balanse, kita, lugi, equity, magkakasunod na panalo/talo, atbp.
- Mga alarma ng balita/palagay: nati-trigger ng mga pangyayari sa kalendaryo o ng mahahalagang pagbabago sa live na palagay ng pamilihan
- Mga alarma ng aktibidad sa kalakalan: nag-aabiso tungkol sa mga kalakalan na bagong bukas o sarado, floating profit/loss sa mga indibiduwal na kalakalan, at tinutukoy ang mga kalakalan na walang stop loss, atbp.
- Mga alarma ng presyo: nati-trigger ng mga pagbabago/antas/breakout sa presyo
- Mga alarma ng teknikal na panuto: batay sa mga pagbabago sa mga teknikal na panuto tulad ng ATR, Bollinger Bands, Moving Averages, MACD, Swings, Stochastics, RSI, atbp.
- Mga alarma ng oras: pinahihintulutan ang mga mangangalakal na magtakda ng stop-watch at mga alarma ayon sa oras ng araw
Mga available na aksyon pagkatapos ma-trigger ang alarma
- Abiso: magpadala o magbrodkast ng Twitter, SMS, mga mensahe ng email, pop up alerts/mga naririnig na alarma
- Mga order: mag-place ng mga bagong order sa pamilihan o pending orders
- Mga Kalakalan: isara ang ilan o lahat ng kalakalan
Mga halimbawa ng mga posibleng paggamit
- On-screen, email o SMS na babala kung ang paggamit ng marhen ay hihigit sa 20%
- Isara ang lahat ng naluluging posisyon kung ang drawdown sa account ay hihigit sa 10%
- Magpadala ng mensahe sa mga tagasunod sa Twitter (o email o SMS) bawat beses na magbubukas o magsasara ng isang kalakalan
- Awtomatikong mag-place ng mga order o magsara ng mga posisyon sa isang oras sa hinaharap
- Babala kung may bukas na posisyon na walang stop-loss
- Awtomatikong mag-place ng mga order o magsara ng mga posisyon sa isang oras batay sa mga teknikal na panuto
- Magpadala ng mensahe sa mga tagasunod sa Twitter kapag may bagong pinakataas sa loob ng 30 araw sa isang instrumento
- Alertahan ang sarili mong tumigil sa pangangalakal kung may 5 magkakasunod na naluluging kalakalan ka, o kung ang iyong balanse ay bumaba nang higit sa 4%, o kung ang iyong bahagdan ng panalo/talo ay naging mas mababa sa 30%
- Magpakita ng isang mensahe 10 minuto bago ng mga mahahalagang pangyayari sa kalendaryong pang-ekonomiya
- Mag-place ng isang bagong order kapag ang RSI ay naging higit sa 70 sa tatlong magkakaibang agwat ng oras