Pinahihintulutan ka ng umaangkop na kagamitang ito para sa pagsubaybay, pag-aanalisa at pag-uulat sa kalakalan na makipag-ugnay sa trading platforms sa pamamgitan ng pagpapakita at pag-aanalisa ng datos ng account at presyo sa real-time, gamit ang iyong mga kakayahan sa Excel sa halip na kailangang matuto ng masasalimuot na lenggwahe sa pagpoprogram. Maaari ka ring gumawa ng iisang spreadsheet na maghahambing ng datos sa pagitan ng iba’t-ibang accounts.
Pinahihintuluan ka ng kagamitan na:
- Ilagay ang real-time na datos ng account, ticket at presyo sa Excel gamit lamang ang RealTimeData (RTD) na punsyon ng programa nang walang macro o pagpoprogram – ang iyong istandard na kaalaman sa Excel lang.
- Magpadala ng mga simpleng utos sa pangangalakal mula sa VBA code sa Excel (o mula sa anumang ibang wikang sumusuporta ng COM).
Halimbawa, kung tumatakbo ang kagamitang Excel RTD, ang pormula para ipakita ang equity sa numero ng account na123789 - na nag-u-update sa real time - ay ayon sa sumusunod.
=RTD("FXBlueLabs.ExcelRTD", , "123789", "equity")
Kabilang sa iba pang mga halimbawa ng mga pormula ang:
Kasalukuyang bid price sa GBPUSD=RTD("FXBlueLabs.ExcelRTD", , "123789", "bidGBPUSD")Bilang ng mga bukas na posisyon sa account
=RTD("FXBlueLabs.ExcelRTD", , "123789", "tickets")Floating PL sa unang bukas na posisyon sa account
=RTD("FXBlueLabs.ExcelRTD", , "123789", "t1pl")Pinakamataas ng kasalukuyang H1 na kandila sa USDJPY
=RTD("FXBlueLabs.ExcelRTD", , "123789", "@bh,USDJPY,H1,high,0")EMA na may 21 bar at panggitnang presyo sa EURUSD M3 na kandila
=RTD("FXBlueLabs.ExcelRTD", , "123789", "@ema,EURUSD,M3,median,21,0")
Katulad ng anumang mga cell sa Excel, ang RTD ay maaaring iugnay sa isang tsart, o sa kondisyonal na formatting, halimbawa, ang pag-highlight ng mga naluluging kalakalan o account sa pula. Samakatuwid, ang mga sanay na mangangalakal na may ginawang mga modelo ng pamilihan sa Excel ay maaaring gamitin ang kagamitan para ipagsama ang modelo sa mga real-time na presyo (at datos sa bukas na posisyon), gamit ang mga istandard na katangian ng Excel para abisuhan ang sarili nila kapag dapat buksan o isara ang mga posisyon.
Ang kagamitang Excel RTD ay may kasamang gabay ng gumagamit at pati na rin isang halimbawang spreadsheet. Gamit lamang ang RTD na punsyon na inilarawan sa itaas, ipinapakita ng halimbawang spreadsheet na ito kung paano gumawa ng isang kumpletong trader dashboard na may mga tsart na nagpapakita ng floating PL sa iba’t-ibang account, mga paghahambing ng presyo, at isang pinagsamang listahan ng ticket para sa iba’t-ibang account.
Pagpoprogram ng VBA
Maaari ring gamitin ng mga mangangalakal na may kaunting kaalaman ng pagpoprogram ng VBA ang Excel para magpadala ng mga simpleng utos sa pangangalakal (o na basahin ang datos) gamit ang code tulad ng sumusunod, na maaaring iugnay sa isang button sa spreadsheet:
-
Set cmd = CreateObject("FXBlueLabs.ExcelCommand")
-
strResult = cmd.SendCommand("123789", "BUY", "s=EURUSD|v=10000", 5)
Sa madaling salita, maaaring gamitin ng mga mangangalakal na may basic na kakayahan sa pagpoprogram ang Excel para sa anumang bagay mula sa paggawa ng kanilang sariling pinasadyang deal ticket, hanggang sa automated na pangangalakal batay sa isang modelong pinansyal sa Excel.
Ang abilidad na magpadala ng mga utos at magbasa ng datos ay maaaring gamitin mula sa anumang kapaligiran ng pagpoprogram na sumusuporta ng COM, at hindi lang sa Excel VBA. Halimbawa, ang isang mangangalakal ay maaaring gumawa ng anumang bagay mula sa isang simpleng .vbs script na magsasara ng lahat ng posisyon hanggang sa isang masalimuot na algorithm sa pangangalakal na isinulat sa C#, na parehong nagpe-place ng mga kalakalan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga utos sa Excel RTD app.