Ugnayan sa Mangangalakal

I-download na Ngayon
Nalalapat ang mga Tuntunin at Kundisyon

Inspeksyunin ang Makasaysayang Ugnayan

Abangang ang Mga Lumilitaw na Pagkakaiba

Pumili ng Anumang Agwat ng Oras

Simpleng Deal Ticket

Kinukuha ng Correlation Trader ang mahalagang impormasyon sa Correlation Matrix at pinalalawak nito ito para puwede kang mangalakal ng mga real-time na pagkakaibang may ugnayan sa pagitan ng dalawang pamilihang pipiliin mo. Ipinapakita ng Correlation Trader hindi lamang ang kasalukuyang ugnayan sa pagitan ng dalawang piniling simbolo, nguni’t pati na rin ang kamakailang aktibidad ng presyo upang makatulong sa iyong gumawa ng mas may-kabatirang pagpasiya.

Mga pangunahing layunin

  • Inspeksyunin nang mas masinsinan ang makasaysayang ugnayan sa pagitan ng mga simbolo
  • Abangan, at kalakalin, ang mga lumilitaw na pagkakaiba sa ugnayang iyon

Maaari kang pumili ng anumang agwat ng oras para sa mga makasaysayang tsart – kabilang ang mga panahon tulad ng M3 o H8 na hindi palaging sinusuporta ng underlying platform – at pagkatapos ay magagamit mo ang iyong pagpasiya, kasama ang kasalukuyang ugnayan, para makita ang mga pagkakaiba na maaaring kalakalin sa relasyon sa pagitan ng mga simbolo.

Kabilang sa Correlation Trader ang isang simpleng deal ticket para sa pag-place ng mga order nang direkta mula sa kagamitan, nang hindi kailangang bumalik sa underlying platform.

Maaari ring gamitin ang kagamitan bilang isang simpleng paraan para ipakita ang dalawang tsart ng presyo nang magkatabi, kasama ang kasalukuyang bukas na posisyon at kita para sa bawat simbolo.

Tungkol sa ugnayan: Ang ugnayan ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa panganib sa pangangalakal. Halimbawa, kung ang EURUSD at ang USDCHF ay may malakas na ugnayan, ang isang mangangalakal na may mga bukas na posisyon sa dalawa ay makakakuha ng halos magkatulad na kita sa bawat posisyon. Kung tutuusin, hindi dalawang posisyon ang mayroon ng mangangalakal;iisa lang talaga ang mayroon niya. (Magkakaroon sila ng magkatulad na kita o lugi sa bawat posisyon, o magkakaroon sila ng magkatugmang kita at lugi na halos kinakansela ang isa’t-isa.)

Pinanggalingan ng datos: FX Blue Labs

Pagtatatuwa: Ang materyal na ito ay ibinibigay bilang pangkalahatang komunikasyon sa pagmemerkado para lamang sa mga layunin ng impormasyon at hindi maituturing na malayang pananaliksik sa pamumuhunan. Wala sa komunikasyong ito ay naglalaman, o dapat ituring na naglalaman ng, payo sa pamumuhunan o rekomendasyon sa pamumuhunan o pangangalap para sa layunin ng pagbili o pagbebenta ng anumang instrumentong pinansyal. Lahat ng impormasyong ibinigay ay hindi garantiya o mapagkakatiwalaang panuto ng pagganap sa hinaharap.