Correlation
Matrix

I-download na Ngayon
Nalalapat ang mga Tuntunin at Kundisyon

Pamahalaan ang Panganib

Grid ng Mga Ugnayan

Color-Coding na Punsyon

I-highlight ang Mga Kahaliling Seksyon

Tinutulungan ka ng Correlation Matrix na pamahalaan ang panganib at mangalakal nang may mas mataas na kompiyansa. Ipinapakita ng kagamitan ang isang grid ng mga ugnayan sa pagitan ng mga pares ng mga simbolong pampangangalakal. Ito ay isang overview ng lahat ng available na opsyon, at kasama din dito ang anumang mga simbolong available sa underlying trading platform, na pinahihintulutan ang kalkulasyon ng ugnayan ng mga metal at equity – kung available ang mga ito – laban sa forex. Para sa detalyadong inspeksyon ng ugnayan sa pagitan ng anumang dalawang instrumento, maaari mong gamitin ang kagamitang Correlation Trader.

Mga Katangian

Ipinapakita ang grid hindi lamang bilang mga pang-numerong halaga (mula -100 hanggang +100), nguni’t pati rin gamit ang simpleng color-coding na makatutulong sa iyong kilalanin ang malakas o mahinang ugnayan sa isang tingin.

Maaari mong palitan ang batayan ng kalkulasyon, sa pamamagitan ng pagpili ng agwat ng oras tulad ng M15 at isang bilang ng historic bars, batay sa pinakanaaangkop na panahon para sa haba ng kalakalan na inaasahan mo.

Pag-highlight ng malakas o mahinang ugnayan

Pinapayagan ng kagamitan ang mangangalakal na i-highlight ang mga kahaliling seksyon ng grid, hal. hinihiwalay ang mga simbolong may malakas o mahinang ugnayan sa isa’t-isa.

‘Ano kaya kung’ na mga senaryo

Maaaring kalkulahin ng kagamitan ang average correlation sa pagitan ng lahat ng simbolo kung saan ka may bukas na posisyon. Pinapayagan ka rin ng kagamitan na pumili ng anumang basket ng mga simbolo at pagkatapos ay kakalkulahin nito ang average ng mga kasalukuyang ugnayan sa pagitan nila. Pinahihintulutan ka nitong suriin ang panloob na panganib ng isang prospective na portfolio ng mga kalakalan na kasalukuyang isinasaalang-alang nila.

Tungkol sa ugnayan: Ang ugnayan ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa panganib sa pangangalakal. Halimbawa, kung ang EURUSD at ang USDCHF ay may malakas na ugnayan, ang isang mangangalakal na may mga bukas na posisyon sa dalawa ay makakakuha ng halos magkatulad na kita sa bawat posisyon. Kung tutuusin, hindi dalawang posisyon ang mayroon ng mangangalakal;iisa lang talaga ang mayroon niya. (Magkakaroon sila ng magkatulad na kita o lugi sa bawat posisyon, o magkakaroon sila ng magkatugmang kita at lugi na halos kinakansela ang isa’t-isa.)

Pinanggalingan ng datos: FX Blue Labs

Pagtatatuwa: Ang materyal na ito ay ibinibigay bilang pangkalahatang komunikasyon sa pagmemerkado para lamang sa mga layunin ng impormasyon at hindi maituturing na malayang pananaliksik sa pamumuhunan. Wala sa komunikasyong ito ay naglalaman, o dapat ituring na naglalaman ng, payo sa pamumuhunan o rekomendasyon sa pamumuhunan o pangangalap para sa layunin ng pagbili o pagbebenta ng anumang instrumentong pinansyal. Lahat ng impormasyong ibinigay ay hindi garantiya o mapagkakatiwalaang panuto ng pagganap sa hinaharap.

chat icon