Ang pangunahing display ng kagamitan ay isang mapang nagpapakita ng mga pangunahing pandaigdigang pamilihan at isang representasyon ng iyong lokal na oras (ayon sa relo ng iyong kompyuter). Binibigyan ka nito ng isang payak na overview ng pamilihan, kabilang ang kasalukuyang status ng iyong account. Kabilang din dito ang isang bilang ng ibang mga eleganteng katangian.
Kalendaryong Ekonomiko
Ipinapakita ng bar sa ibaba ang mga pangyayari sa hinaharap sa kalendaryong pang-ekonomiya, at color-coded ito ayon sa malamang na epekto. Makakakuha ka ng payak na paglalarawan ng bawat pangyayari ng balita sa pamamagitan ng pag-hover ng iyong mouse sa ibabaw ng marker ds bar, at basahin ang buong paglalarawan sa pamamagitan ng pag-click sa marker.
Mga pangumahing pagbabago sa pamilihan
Nagpapakita rin ang Session Map ng impormasyon sa mga galaw ng presyo sa mahahalagang pamilihan sa loob ng kasalukuyang sesyon o sa isang nakaraang sesyon. Para sa bawat isang listahan ng mga pangunahing simbolo, ipinapakita ng kagamitan ang sumusunod na impormasyon tungkol sa kung ano ang nangyari sa sesyon hanggang sa ngayon (o pagkatapos ng isang nakumpletong sesyon):
- Tataas o bababa sa loob ng sesyon, sa pips
- Kabuaang saklaw ng pangangalakal sa loob ng sesyon, sa pips
- Presyo sa pagsasara - o kasalukuyang presyo para sa isinasagawang sesyon
Datos ng account
Bilang karagdagan, ipinapakita rin ng Session Map ang status ng iyong account. Color-coded ang pandaigdigang mapa depende sa kung kumikita ka o nalulugi ka, at ang anumang floating profit/loss ay ipinapakita sa isang marker sa itaas ng mapa. Sa pag-click sa marker na ito, ipinapakita ang pangunahing account metrics tulad ng equity, balanse o paggamit ng marhen.