Ang aming provider, ang Beeks Financial Cloud ay nasa siyam na pandaigdigang data center upang tiyakin ang napakabilis na panahon ng pagresponde. Nakatuon ang kanilang pansin sa pagbibigay ng mabilis, matatag na VPS, at mga solusyon sa imprastraktura para sa aming mga trader sa pamamagitan ng aming madaling gamitin na trading platform.
Ang mga VPS plan ng HFM ay pwedeng ialok nang WALANG bayad, ayon sa mga ispesipikong kahingian sa pagdedeposito at pagte-trade. Magsisimula ang bayad na subscription mula $25/buwan depende sa plan na pipiliin mo at simple lang ang pag-sign up! Pumili mula sa mga package sa ibaba at mag-login sa iyong myHF para i-activate ang serbisyo!
Kunin ito para sa
Kunin ito para sa
Kunin ito para sa
Para sa mga mabilis at madaling tagubilin kung paano i-install ang serbisyo ng VPS, mangyaring sumangguni sa gabay na makikita mo dito
Simula noong itinatag ito, ang HFM ay nananatiling nakatuon sa patuloy na inobasyon, pagbibigay ng napakagandang serbisyo at pagpapabuti ng karanasan sa pangangalakal. Tapat sa aming pangako, ngayon ay nakipagtulungan kami sa isa sa mga pinakamagaling na tagabigay ng serbisyo upang magbigay ng akses sa libre at natatanging VPS hosting, para maging madali para sa iyo na makahanap ng isang plano na babagay sa iyong estratehiya.
24 na oras na Pangangalakal
Binawasang Latency
Pinababang Downtime
Koneksyon na pinoprotektahan ng Password
Koneksyon na pinoprotektahan ng Password
Pandaigdigang Akses
Ang VPS ay ang abrebyatura para sa Virtual Private Server: isang remote na serbisyo na malayang kumikilos tulad ng isang pisikal na kompyuter, ngunit ang mga elemento nito ay pinasadya ukol sa pangangailangan ng gumagamit.
Pinakamabuti ang VPS para sa mga trader na nais ang stabilidad at pleksibilidad, sapagka’t tinitiyak nito ang dekalidad na mga kondisyong teknikal na ginagawang mas ligtas ang kapaligiran para sa trading. Maaaring magpatakbo ang mga trader ng otomatikong estratehiya batay sa algoritmo, katulad ng mga Expert Advisors, 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, gamit ang birtwal na makina.
Ang paggamit ng Virtual Private Server (VPS) para sa trading ay naghahatid ng iilang benepisyo:
24/7 na Aksesibilidad: Nag-aalok ang VPS ng walang patid na akses sa iyong trading platform, na tinitiyak na ang iyong mga estratehiya ay maisasagawa kahit nakasara ang iyong pansariling kompyuter.
Pagkamatatag: Naghahatid ng matatag at maaasahang kapaligiran ang VPS hosting, na siyang nagbabawas sa panganib ng kawalan ng serbisyo dahil sa pagkawala ng kuryente, pagkaantala sa internet, o sa pagpalya ng hardware.
Binawasang Pagkabagal: Karaniwang nakalagay ang mga VPS server sa mga pangunahing sentro ng pinansya, na siyang nagbabawawas sa pagkabagal at tinitiyak ang mas mabilis na pagpapatupad ng mga trade. Mahalaga ito lalo na sa mga madalasang trading kung saan mahalaga ang kabilisan.
Seguridad: Naghahtid ang VPS hosting ng segurong kapaligiran para sa iyong mga aktibidad sa trading. Nakaimbak ang iyong datos sa isang dedikado at isoladong espasyon, na binabawasan ang panganib ng kawalan ng seguridad kapag ihinalintulad ito sa shared na hosting.
Scalability: Pinahihintulutan ka ng VPS hosting upang padamihin ang iyong mga rekurso sa madaling paraan batay sa iyong mga pangangailangan para sa trading. Ang pagkamaliksing ito ay mahalaga para sa pagtrato ng mas pinadaming trade o pagpapatakbo ng mga algoritmong matindi ang pangangailan sa rekurso.
Remote Accessibility: Maaari mong pasukin ang iyong trading platform saanman gamit ang koneksyon sa internet. Mahalaga ito para sa mga trader na madalas bumyahe o kinakailangan ang pleksibilidad upang subaybayan at pangasiwaan ang mga trade habang nasa labas.
Awtomasyon: Pinapagana ng VPS ang awtomasyon ng mga estratehiya ng trading sa pamamagitan ng mga Expert Advisors (EA) o ng mga trading bot. Ang mga otomatikong sistemang ito ay maaaring tumakbo ng magdamag sa VPS na hindi kinakailangan ng patuloy na paggabay.
Backup at Redundancy: Karaniwang kinabibilangan ng VPS hosting ang mga kakayanan sa pag-backup at redundancy, na tinitiyak na nag iyong datos sa trading ay ligtas at maaaring i-restore kung sakaling magkaroon ng hindi-inaasahang pangyayari.
Sa pangkalahatan, ang VPS ay pinaiigting ang pagiging mabuting pagpapatakbo, pagiging matatag, at ang seguridad ng mga aktibidad na may kaugnay sa trading na siyang gumagawa ditong sikat na solusyon para sa mga seryosong trader at algoritmikong estratehiya sa trading.
Ang VPS (o Virtual Private Server) ay hindi mahigpit na pangangailangan para sa lahat ng mga trader, sapagka’t nakasalalay ito sa mga indibidwal na kagustuhan, estilo ng pag-trade, at mga pangangailangan. Heto ang ilan sa mga dapat isaalang-alang:
1. Kadalasan ng Pag-trade: Para sa mga day trader o para sa mga sangkot sa madalasang trading kung saan ang mga kisapmatang pagpapasya ay mahalaga, maaaring makatulong ang VPS. Tinitiyak nito ang 24/7 na konektibidad at binabawasan nito ang kabagalan, na nagdudulot ng mas mabilis na pagpapatupad ng mga trade.
2. Awtomasyon: Kung gumagamit ka ng mga otomatikong estratehiya sa pag-trade, katulad ng paggamit ng mga Expert Advisors (EA) o mga trading bot, maaaring maging bentahe ang VPS. Pinapahintulutan nito ang mga algoritmong ito na patuloy tumakbo magdamag na walang patid, kahit tuwing nakasara ang iyong pansariling kompyuter.
3. Pagiging Matatag: Kung nakakaranas ka ng madalas na pagkawala ng internet o ng kuryente, ang VPS ay maaaring lumikha ng mas maaasahang kapaligiran para sa trading. Dinisenyo ang mga VPS server para mag-alok ng maaasahang uptime, na bumabawas sa panganib ng napalampas na mga oportunidad sa trading.
4. Remote Access: Kung nais mo ang pleksibilidad upang subaybayan at pangasiwaan ang iyong mga trade mula saanman, pinahihintulutan ng VPS ang remote access sa iyong plataporma para sa trading.
5. Mga Gawaing Intensibo sa mga Rekurso: Kung ang iyong mga aktibidad sa trading ay kinasasangkutan ng mga intensibong gawain o kumplikadong mga algoritmo, maaaring maghatid ng kapangyarihan sa pag-compute na kinakailangan para sa mabuting pagpapatupad ang VPS.
Ang paggamit ng Virtual Private Server (VPS) para sa forex trading ay naghahatid ng ilang benepisyo, tulad ng mas pinaigting na pagkamatatag, mabilis na pagpapatupad ng trade, at ang kakayanang magpatakbo ng awtomatikong estratehiya para sa trading. Heto ang mga pangkalahatang hakbang upang isaayos at gumamit ng VPS para sa forex trading:
1. Pumili ng VPS Provider: