Ipinapakita ng kagamitang Tick Chart Trader ang iba’t-ibang uri ng tick chart, na may napakabilis na pagpasok at paglabas ng order sa pamamagitan ng mga iisang pag-click sa mouse o shortcut sa keyboard. Tamang-tama ito kung gusto mong mag-place ng napakapanandaliang kalakalan, na mabilis na pumapasok at lumabas sa pamilihan nang ilang beses sa haba ng isang sesyon ng pangangalakal.
Limang magkakaibang tick-chart views para sa magkakaibang istilo ng mga mangangalakal
- Simple: tick tsart na nag-uupdate kapag nagbabago ang presyo ng ask o ng bid
- Tick: ang tsart plus ang bilis ng tick ay nagpapakita ng mga bar na nagsisilbin indikasyon kung gaanong katagal ang huling N ng mga tick ay kinailangan upang bumuo, na siyang naglalarawan ng aktibidad sa merkado
- May oras: ang tsart ay nag-uupdate sa bawat tick, ngunit ang X-axis ay batay sa oras at sa gayon ay naglalarawan ng diperensya sa mga aktibo at mga mapayapang mga panahon
- Ipinapakita ng kagamitang Candles ang OHLC na kandila, nguni’t batay sa isang bilang ng ticks sa halip na sa panahon (hal. bars na may 20 ticks)
- Versus: nagpapakita ng nagbabagong mga galawan ng dalawang merkado kontra sa isa't isa
Maaaring mag-place ng mga order sa pamilihan sa pag-click sa ask o bid price, o sa pamamagitan ng paggamit ng shortcut sa keyboard na B at S. Para sa napakabilis na pagpasok ng order, maaari mong piliing pahintulutan ang Ctrl key na mag-place ng mga order nang walang kumpirmasyon. Ctrl+click o isang shortcut sa keyboard tulad ng Ctrl+B ay nagpe-place ng order nang agad-agad, nang walang anumang kumpirmasyon o user interface pop-up.