Sa serbisyo ng HFM na Isang Click na Pag-trade, naisasagawa ng mga kliyente namin ang kanilang operasyon sa pag-trade sa pamamagitan lang ng isang click, kaya napapasimple ang mga hakbang sa placement ng order sa HFM MT4 at MT5.

Ang Isang Click na Pag-trade ay mas pinapaboran ng mga trader na ang estratehiya ay magsagawa ng maraming transaksiyon (tinatawag ding scalping). Para magbukas at magsara ng mga order sa isang click lang, kailangan mo lang i-activate nang minsanan ang serbisyong Isang Click na Pag-trade sa iyong platform.

Paano gamitin ang serbisyong «Trading sa isang Pag-click»

1 SELL button, na ipinapakita ang kasalukuyang bid price.
Sa pag-click sa button na ito, magpapadala ka sa server ng utos na magbukas ng isang SELL order.
2 BUY button, na ipinapakita ang kasalukuyang ask price.
Sa pag-click sa button na ito, magpapadala ka sa server ng utos na magbukas ng isang BUY order.
3 Kasalukuyang laki ng lot.
Sa pag-click ng mga arrow, mapaliliit o mapalalaki mo ang iyong trade.

Paano i-launch ang serbisyong «Trading sa isang Pag-click»

1 Magagamit ang Isang Click na Pag-trade sa parehong MT4 at MT5 at naa-activate ito sa magkatulad na paraan sa parehong platform. Mada-download mo ang pinakabagong bersiyon ng iyong platform dito:
MT4: https://www.hfm.com/int/ph/platforms/mt4-terminal
MT5: https://www.hfm.com/int/ph/platforms/mt5-terminal


2 Kapag nabuksan mo na ang iyong MT4 o MT5 terminal at naipasok mo ang iyong impormasyon sa login na ipinadala sa iyong email, i-click ang 'Mga Tool' na menu sa itaas ng screen at piliin ang 'Mga Opsiyon,' tulad ng makikita sa screenshot ng MT4 sa ibaba:


3 Sa screen sa ibaba, buksan ang 'Isang Click na Pag-trade.' I-tick ang kahong ito para ma-activate ang Isang Click na Pag-trade. (Tandaan: Sa MT5, makikita mo ang ikalawang kahong may markang 'Ipakita ang realtime na history ng mga deal sa tsart.' Hindi kaugnay ang kahong ito sa Isang Click na Pag-trade.)

4 Lilitaw ang isang 'Disclaimer' na screen. Basahing mabuti ang mga Tuntunin at Kondisyon, i-tick ang kahong may markang 'Tinatanggap ko ang mga Tuntunin at Kondisyong ito.' at i-click ang OK.


5 Maa-activate na ngayon ang Isang Click na Pag-trade sa iyong platform! Para makita ang Isang Click na Pag-trade na tool, puwede mong gamitin ang Alt+T na keys, o i-click ang nabibilugang mga icon sa mga screenshot sa ibaba:




MT4

MT5

Pinakabagong Pagsusuri ng HFM

Naglo-load ang pinakahuling pagsusuri...