Hayaan ang Autochartist na tingnan ang mga pattern para sa iyo!

  • Otomatikong pagkilala ng mga pattern
  • Mga Alerto at Notipikasyon
  • Pagsusuri ng pagkamasumpungin

Magtipid ng mahalagang oras habang nagbabasa ng mga tsart! Inii-scan ng Autochartist ang napakaraming instrumento sa pangangalakal sa real time at awtomatikong kinikilala nito ang mga padrong Tsart at padrong Fibonacci upang huwag kailanman muling palampasin ang isang pagkakataon.

Inaalok ngayon nang LIBRE sa mga kliyente ng HFM!

Kinikilala ang 3 uri ng pattern: Mga pattern sa tsart, mga Fibonacci pattern, at ang mga Mahahalagang Antas.

Sinusubaybayan ang mga instrumentong pinansyal nang 24 na oras bawat araw.

Pinapakita ang lahat ng oportunidad na umiiral sa pamilihan anumang tsart ang tingnan.

Matipid sa oras habang sinisipi ang mga pattern na maaaring i-trade sa otomatikong pamamaraan.

Nagbibigay ng akses sa mga ulat sa pamilihan at mga babala sa iba’t-ibang wika na ipinapadala sa email.

Maaaring i-install sa mga platapormang MT4 at MT5 upang maghanap ng mga oportunidad sa lahat ng mga tsart.

Ano ang Autochartist

Ang unang scanner ng pamilihan sa MT5

Ang aming pinakabagong libreng kagamitan, ganap na napapasadya ang Autochartist sa iyong mga instrumento at iyong gustong wika. Inii-scan nito ang iyong watch-list at binababalaan ka nito sa mga pagkakataon sa real time sa oras na may nakilala itong padrong Tsart o Fibonacci. Nangangahulugan ang patuloy na pagsubaybay, pag-aanalisa sa pagbabagu-bago at iba’t-ibang Mga Ulat sa Pamilihan na hindi mo kailanman muling palalampasin ang isang pagkakataon – gumagana ito nang 24 na oras upang hindi mo kailangang gawin ito.

Autochartist Risk
Calculator

Piliin ang panganib na
angkop para sa iyo

Ang bago at inobatibong Calculator ng Panganib ay madaling gamitin - ilagay lamang ang porsyento ng cash o equity na nais mong ipagsapalaran sa isang trade at kakalkulahin nito ang wastong volume ng trading upang tulungan kang makaiwas sa malaking pagkalugi ng kapital!

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring basahin ang aming Gabay sa Paggamit ng Calculator ng Panganib.

  • Angkop para sa anumang estilo ng pangangalakal
  • Itakda ang iyong nais na antas ng pagpasok at paglabas
  • Itinutugma ang volume ng iyong trading at ang iyong kakayahang harapin ang mga panganib

Mga FAQ

Nag-aalok ang Autochartist ng ilang benepisyo sa mga trader sa pag-automate ng proseso ng pagkilala ng mga pattern at pagpapamahagi ng pananaw sa mga potensyal na oportunidad para sa trader. Heto ang ilang mahahalagang bentahe ng paggamit ng Autochartist:

1. Pagtipid sa Oras:

  • Tinutulungan ng Autochartist ang mga trader na makatipid sa oras sa otomatikong pag-scan ng iba’t bang mga instrumentong pinansyal at mga timeframe ng pattern sa tsart. Pinahihintulutan nito ang mga trader na tutukan ang ibang mga aspekto ng kanilang estratehiya at pagpapasya.


2. Obhektibong Pagsusuri:
  • Naghahatid ang kasangkapan ng obhektibong pagsusuri ng mga pattern sa tsart batay sa mga itinakdang algoritmo. Maaari itong tulungan ang mga trader na iwasan ang mga pagkiling na emosyonal at magpasya batay sa datos.


3. Otomatikong Alerto:
  • Nakakatanggap ang mga trader ng agarang alerto at notipikasyon tuwing nakakatuklas ito ng mga pattern sa tsart. Tinitiyak nito na hindi liliban ang mga trader ng mga oportunidad sa trading at agarang makakilos.


4. Malawak na Pagkilala ng mga Pattern:
  • Sinasaklaw ng Autochartist ang malawak na hanay ng mga pattern sa tsart, kabilang ang mga tatsulok, channel, flag, at iba pa. Ang dibersidad nito ay pinahihintulutan ang mga trader na tuklasin ang iba’t ibang metodolohoiya ng teknikal na pagsusuri at tumuklas ng mga padron na humahanay sa kanilang estratehiya sa trading.


5. Opsyon sa Pagpapasadya:
  • Maaaring ipasadya ng trader ang mga setting kagaya ng timeframe, seleksyon ng mga instrumento, at pinakamaliit na kalidad ng pattern. Ang kaliksihang ito ay nagpapahintulot sa mga trader upang ipasadya ang kasangkapan sa kanilang nais at estilo ng trading.


6. Integrasyon kabilang ang mga Plataporma para sa Trading:
  • Karaniwang naka-integrate ang Autochartist sa mga sikat na trading platform, na siyang ginagawang kumbinyente para sa trader na gamitin ang mga katangian na hindi kinakailangan ng iba’t ibang login o aplikasyon. Pinapadali ng integrasyong ito ang daloy ng trabaho sa trading.


7. Nilalamang Edukasyonal:
  • Maaring mamahagi ang Autochartist ng nilalamang edukasyonal at pagsuri kasama ng pagkilala sa mga pattern. Maari itong makatulong sa mga trader na unawain ang konteksto at potensyal na mga implikasyon ng kilalang pattern, na nakakadagdag sa kanilang pangkalahatang kaalaman ng pamilihan.


8. Pangangasiwa ng Panganib:
  • Kadasalang kinabibilangan ng instrumento ang pagsusuri ng bolatilidad at ang kalidad ng mga pattern, na siyang tumutulong sa mga trader sa pagsuri ng potensyal na panganib at gantimpalang kinasasangkutan ng mga kilalang pattern. Maaari itong makadagdag sa mas mainam na pangangasiwa ng mga panganib.


9. Madaling pag-access:
  • Maaaring pumasok sa Autochartist mula sa iba’t ibang mga device na may koneksyon sa internet, na siyang nag-aalok sa mga trader ng kaliksihang subaybayan ang mga pamilihan at tumanggap ng mga alerto saanman sila naroroon.


10. Konsistensa:
  • Ang likas na pagka-awtomatiko ng Autochartist ay nagtitiyak ng konsistensya sa pagtuklas ng mga pattern. Binabawasan nito ang pagkakamali at tinitiyak nito na ang mga pattern ay laging wastong kinikilala batay sa mga itinakdang pamantayan.

Ang paggamit ng Autochartist ay binubuo ng ilang hakbang, magmula sa paggamit ng kasangkapan o sa pagsuri ng mga pananaw para sa mga pagpapasyang may kaugnayan sa trading. Heto ang pangkalahatang gabay ukol sa paggamit ng Autochartist:

1. Pumasok sa Autochartist:

  • Pumasok sa Autochartist gamit ang iyong trading platform. Mag-log in gamit ang iyong mga kredensyal. Isaayos ang iyong mga kagustuhan, kabilang ang iyong mga nais na panahon, instrumentong pinansyal, at anumang umiiral na mga opsyon.


2. Kilalanin ang Dashboard:
  • Sanayin ang iyong sarili gamit ang dashboard ng Autochartist. Dito mo matatagpuan ang iba’t ibang mga kasangkapan at katangian nito, kabilang ang pinakahuling deteksyon ng mga pattern, litrato ng pamilihan, at nilalamang edukasyonal.


3. Itakda ang mga Alerto:
  • Magtakda ng mga alerto sa iyong kagustuhan. Pwede kang timbrehan ng Autochartist sa pamamagitan ng email, SMS, o mula sa plataporma tuwing may nakikilalang pattern sa tsart o anumang umiiral na mga oportunidad para sa trading.


4. Suriin ang mga Padrong Natutukoy:
  • Laging suriin ang mga padrong natutukoy ng Autochartist. Maari itong kabilangan ng mga pattern sa tsart kagaya ng mga tatsulok, mga channel, flag, at iba pa. Bigyang-pansin ang mga tagapagpahiwatig ng kalidad na may kaugnayan sa bawat pattern.


5. Unawain ang mga Tagapagpahiwatig ng Kalidad:
  • Kadalasang naghahatid ang Autochartist ng mga tagapagpahiwatig para sa mga natutukoy na pattern. Ang mga tagapagpahiwatig nito ay maaari kang tulungan suriin ang katiyakan ng pattern. Ang mga mataas ang kalidad na pattern ay maaaring ituring na mas matatag at maaasahan para sa trading.


6. Magsagawa ng Karagdagang Pagsusuri:
  • Bagaman ginagawang awtomatiko ng Autochartist ang pagkilala ng mga pattern, mahalagang magsagawa ng karagdagang pagsusuri. Isipin ang mga bagay tulad ng pangkalahatang kilos ng pamilihan, mga antas ng resistensya, at mga pundamental na katangian na maaaring makaapekto sa instrumento na kasalukuyan mong itini-trade.


7. Unawain ang Panganib at Gantimpala:
  • Unawain ang potensyal na panganib at gantimpalang kaugnay ng mga kilalang pattern. Isipin ang distansya ng potensyal ng antas ng stop-loss at take-profit.


8. Isama ang mga Pattern sa Iyong Estratehiya:
  • Isama ang mga kinikilalang pattern sa iyong pangkalahatang estratehiya para sa trading. Tuklasin kung paano sila tumatambal sa iyong kasalukuyang pagsusuri at plano sa trading.


9. Manatiling Nakakaalam:
  • Panatiliin ang iyong kaalaman tungkol sa mga kondisyon ng pamilihan at anumang balita na makakaapekto sa mga instrumento na iyong tini-trade. Maging handa na baguhin ang iyong estratehiya batay sa mga nagbabagong mga sirkumstansya.

LIBRE ang Autochartist para sa aming mga kliyente.

chat icon