Bilang mga advocate ng pagiging transparent, sinusunod namin ang pinakamatataas na panregulasyong pamantayan para mapangalagaan ang funds ng aming mga kliyente. Ang aming mga serbisyo at pagpapatakbo ng negosyo ay mahigpit na sumusunod sa mga panuntunan at regulasyon na itinakda ng aming mga awtoridad sa regulasyon, na nagtitiyak na nae-enjoy ng aming mga kliyente ang seguridad at kapayapaan ng isip, na nag-e-empower sa kanila na mag-trade nang may kumpyansa.
St. Vincent & the Grenadine
View CertificateInirehistro ang HF Markets (SV) Ltd sa St. Vincent & the Grenadine bilang isang International Business Company na may bilang ng pag-rehistro 22747 IBC 2015.
Ang mga bagay ng kompanya ay usaping hindi ipinagbabawal ng batas ma International Business Companies (Amendment and Consolidation) Act, Chapter 149 ng mga Revised Laws ng Saint Vincent and the Grenadines, 2009, at sa partikular ngunit hindi eksklusibo, ang lahat ng komersyal, pinansyal, pagpapautang, paghihiran, pangangalakal, kilos pangserbisyo, at ang pakikilahok sa iba't-ibang mga negosyo bukod sa pagpapamahagi ng mga serbisyong brokerage, pagsasanay, mga komoditi, mga index, mga CFD at mga kasangkapang pinansyal na leveraged.
Cyprus Securities and Exchange Commission
Ang HF Markets (Europe) Ltd ay awtorisado at pinangangasiwaan ng Securities and Exchange Commission ng Cyprus (CySEC) na may Lisensya Bilang 183/12 at nagtataglay ng lisensyang cross-border na nagpapahintulot sa kompanyang maglingkod ng mga serbisyong pinansyal sa buong daigdig.
Ang CySEC ang nangangasiwa at namamahalang awtoridad para sa mga mga kompanyang naglilingkod ng serbisyong pinansyal sa Cyprus at miyembro ng Committee of the European Securities and Markets Authority (ESMA).
Ipinagtibay ng Parlyamento at Konseho ng Europa ang Directive 2014/65/EU, na pinetsahan noong ika-15 ng Mayo 2014, tungkol sa Markets in Financial Instruments and Amending Directive 2002/92/EC and Directive 2011/61/EU (recast) (MiFID II), na siyang nabigyang-bisa noong 03/01/2018 at sinisikap pangasiwaan ang mga pamilihan ng mga kasangkapang pinansyal para sa pamamahagi ng mga serbisyo at aktibidad ukol sa pamumuhunan sa loob ng Lalawigang Pang-Ekonomiko ng Europa (EEA). Ipinagtibay din ang nasabing Directive sa Cyprus sa pamamagitan ng Cyprus Investment Services and Activities and Regulated Markets Law ng 2017 (Law 87(I)/2017).
Ang Markets in Financial Instruments and Amending Directive 2002/92/EC and Directive 2011/61/EU (recast) (MiFID II) ng Unyong Europeo ay namamahagi ng harmonisadong rehimen ng pangangasiwa para sa mga serbisyong may kaugnayan sa pamumuhunan sa loob ng Lalawigang Pang-Ekonomiko ng Europa. Ang mga pangunahing layunin ng Direktibo ay pagbutihin ang pagkapanatag ng kilos, ipalaganap ang transparensya ng pananalapi, paigtingin ang kompetisyon, at maghandog ng mas malawak na proteksyong pang-konsumer sa larangan ng mga serbisyong pinansyal.
Ang HF Markets (Europe) Ltd. ay kinakailangang ibunyag ang impormasyon na may kaugnayan sa kabisera nito, ang mga panganib na nalantad sa Kumpanya at upang itaguyod ang disiplina sa merkado.
Upang tingnan ang mga Pillar 3 Disclosure ng HF Markets (Europe) Ltd., mangyaring mag-klik dito.
Miyembro ang HF Markets (Europe) Ltd. ng Cyprus Investor Compensation Fund. Ang Pondo ay bumubuo sa isang pribadong ligal na katawan at ang pamamahala nito ay ginaganap ng isang konsehong administratibo na binubuo ng limang miyembro, na itinatakda para sa tatlong taong termino.
Ang layunin ng Pondo ay upang bigyang-sulit ang mga claim ng mga kliyenteng saklaw kontra sa mga kompanya ng pamumuhunan na nagsisilbing miyembro ng Pondo sa pamamagitan ng kabayaran para sa mga claim ng kliyente gawa ng pagkabigo ng miyembro ng Pondo na bayaran ang kliyente. Para sa karagdagang detalye tungkol sa membership at ng pondoo, mangyaring mag-klik dito.
Miyembro ang HF Markets (Europe) Ltd ng Association of Cyprus International Investment Firms (ACIIF). Ang Association of Cyprus International Investment Firms (ACIIF), ay isang kumakatawang ahensiya ng Cyprus Investment Firms (CIF’s). Lahat ng miyembro ng ACIIF ay binibigyang pahintulot at pinangangasiwaan ng Securities and Exchange Commission ng Cyprus (CySEC). Upang tingnan ang membership ng HF Markets (Europe) Ltd. mangyaring mag-klik dito.
Financial Conduct Authority (United Kingdom)
Ang HF Markets (UK) Ltd ay binbigyang pahintulot at pinangangasiwaan ng Financial Conduct Authority (FCA) sa ilalim ng firm reference number 801701.
Ang FCA ay isang malayang organisasyong pampublikong pinangangasiwaan ng Financial Services and Markets Act 2000 (FSMA), na kabalikat ng UK Treasury sa layuning suportahan at palakasin ang isang malusog at matagumpay na sistemang pinansyal kung saan maaring umasenso ang mga kompanya at ang pagtamasa ng mga konsumer ng mga benepisyo mula sa matapat, makatuwiran, at epektibong mga pamilihan na mapagkakatiwalaan at transparente.
Dubai Financial Services Authority
Ang HF Markets (DIFC) Ltd ay binibigyang pahintulot at pinangangasiwaan ng Dubai Financial Services Authority (DFSA) sa ilalim ng lisensya bilang F004885.
Sinisikap palaganapin, pamahalaan, at isakatapuran ang premyadong regulasyon ng mga serbisyong pinansyal sa loob ng nangungunang sentro ng pinansyal ng Gitnang Silangan, ang DFSA ay ang malayang tagapamahala ng mga serbisyong pinansyal na nagaganap sa loob o mula sa Dubai International Financial Centre.
Financial Sector Conduct Authority (South Africa)
Ang HF Markets SA (PTY) Ltd ay awtorisado at pinangangasiwaan bilang isang Financial Service Provider (FSP) mula sa Financial Sector Conduct Authority (FSCA) sa Timog Aprika, sa ilalim ng numero ng lisensyang 46632.
Ang FSCA ay isang malayang institusyong itinatag ng batas upang pamahalaan ang industriya ng mga serbisyong pinansyal na walang kaugnayan sa pagbabangko. Pinamamahalaan nito ang Pamilihan ng Sapi ng Johannesburg o ang Johannesburg Stock Exchange (JSE), na kinikilala bilang pinakamalaking pamilihan sa kontinente ng Africa.
Financial Services Authority (Seychelles)
Inirehistro ang HF Markets (Seychelles) Ltd sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Seychelles na may bilang ng rehistro 8419176-1, at pinangangasiwaan ng Seychelles Financial Services Authority (FSA) sa ilalim ng Securities Dealer Licence bilang SD015.
Ang awtoridad ay ang nagsisilbing namamahala para sa mga serbisyong pinansyal na hindi kaugnay sa pagbabangko sa bansa at ang nanagot para sa paglilisensya, pamamahala, at ang pagpapalaganap ng industriya ng serbisyong pinansyal na hindi kaugnay sa pagbabangko ng Republika ng Seychelles.
Capital Markets Authority (Kenya)
Ang HFM Investments Ltd ay awtorisado ng Capital Markets Authority ng Republika ng Kenya bilang non-dealing online foreign exchange broker na nagtataglay ng lisensya blg. 155.
Ang CMA ay isang regulating body na may pangunahing responsibilidad sa pangangasiwa, paglilisensya, at pagsubaybay sa mga aktibidad ng mga intermediary sa market ng Kenya, kabilang ang stock exchange at ang central depository at settlement system at lahat ng iba pang taong lisensyado sa ilalim ng Capital Markets Act.